Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess Pieces' White Queen) Things now are surely dangerous and I can't even predict what may happen next. Ganoon ba ako naging kampante sa mga nangyayari para hindi maisip na posibleng mangyari ang bagay na ito lalo na't hindi ko pa kilala ang karamihan sa kalaban namin? And now, sina Alexa at Xavier na nagawa ko nang mailabas sa gulong ito ay muling naibalik dito nang hindi ko man lang nagawan ng paraan para maiwasan. Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka bumuntong hininga. "Nabu-bwiset na talaga ako." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang taong dapat kong pagbuntungan ng inis kong ito. "Yow." bungad nya. "I-yow ko kaya iyang mukha mo." singhal ko sa kanya. "Badtrip ako ngayon at ikaw ang pagbubuntungan ko dahil ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit

