Zhui Krishel Chrysoc's Pov Isang linggo na nang makabalik si Zerhia dito sa unit namin at mula noon, hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makausap sya at maitanong kung bakit bigla syang nawala nitong nakaraan ng halos ilang araw. Kapag umaalis kasi sya, palaging mas maaga kaysa sa gising ko at kapag umuuwi naman ako ay tulog na sya. Kahit sa mga araw na wala syang pasok ay maaga din syang umaalis. Kung hindi umuuwi sa bahay nila sa Trost City ay may mahalagang inaasikaso daw, ayon sa kapatid nya. Hindi ko din naman sya mahanap dito sa school dahil open gate ang buong campus para sa nagaganap na event. Ano bang problema ni Zerhia at bigla nalang syang nagkakaganoon? "Hi." Iniangat ko ang tingin at bumungad sa akin ang nakangiting si Erhan. "Oh. Ikaw pala." "Mukhang malung

