McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece's Dark King) "Ken." Napalingon ako kay Xeric nang maupo sya sa katapat ng sofang inuupuan ko. Nandito kami ngayon sa Headquarters. "I forgot to ask you this last night pero paano mo naalala si Zaire?" "Ibinigay sa akin ni Zea ang antidote." sabi ko. "Well, nalaman ko kasi na may ipinapainom syang gamot sa akin na inihahalo ni Mommy sa pagkain ko kaya kinorner ko sya at pinaamin. And there, sinabi nya na ang gamot na iyon ang dahilan kung bakit nakalimutan ko si Zaire. Hindi na din nakatiis si Mommy at ipinagtapat nya sa akin ang mga plano nyo." "At doon mo hiningi ang antidote kay Zea nang sa gayon ay maalala mo na nang lubusan si Zaire?" Tumango ako. "Kahit naman kasi hindi ko pa sya naaalala alam kong sobrang laki ng parte nya sa puso ko.

