Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess Piece's White Queen) Wala na talaga akong planong umalis. Hindi na din ako magtatago pa sa kanya dahil kahit ako, hindi ko na din alam ang gagawin kapag nalayo pa sa kanya. Aba, sobra-sobra na ang pagtitiis na ginawa ko at alam ko naman sa sarili ko na kahit ilang beses kong subukang lumayo, kung gago ang tadhana, ibabalik at ibabalik nya ako dito. Ang kailangan ko nalang talagang gawin ay paghandaan ang bawat mangyayari dahil siguradong mas marami pang problema ang posible naming kaharapin lalo na ngayong nagsisimula nang lumabas ang mga kalaban. "Gem." Tumingin ako sa kanya. "Ahm. Girlfriend pa din naman kita, di ba?" Tumaas ang kilay ko sa tanong nya. "I mean, kahit naman siguro binura mo ang alaala ko sayo, hindi naman ibig sabihin noon ay nakipa

