Zhey Leguima's Pov Hindi ko alam kung anong nangyayari sa dalawang kasama ko sa unit. Pareho kasing wala kanina paggising ko at hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Samantalagang nitong mga nakaraan, nagsasabi naman sila kapag hindi umuuwi. Mga pasaway lang eh. At dahil nga wala akong kasama, naisipan kong mag-stay nalang muna dito sa fast food chain ng Axel Mall. Na-cancell na din naman ang klase ko kaya naisipan kong dito na kumain nang breakfast at dito na din tumambay hanggang sa susunod na klase. Busy ako sa pagkain nang may kung sinong maupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko kaya nilingon ko iyon at bumungad sa akin ang nakangiting si Erhan, one of my friends na nakilala ko sa Japan nang minsang magbakasyon ako doon. "Long time no see, Zhey." masaya nyang bati. Tinaasan

