Zhey Leguima's Pov Malaki din talaga ang naging pagbabago kay Dark King mula noon. Dati, walang sinuman ang basta lumapit sa kanya dahil lahat ng nagtatangka ay nasasaktan and worst, namamatay. Palagi itong naka-poker face, tahimik at walang pakialam sa paligid yet, heto sya at masayang nagku-kwento sa akin ng mga nakakatuwang bagay tungkol sa iba pang CPO. And I find it cute. Yeah, ang cute nya kapag ganitong side pero may isang bagay ang kanina ko pa napapansin. Na kahit tumatawa at ngumingiti sya ay hindi pa din nawawala ang lungkot sa mga mata nya. "You don't actually need to pretend happy when we both know that you're not." sabi ko na ikinatahimik nya. Nandito kami sa isang fast food chain ng Axel Mall, ang mall na nandito sa loob ng HA. Dito na din kasi naming naisipang tumambay

