3rd Person's Pov "Ack!" T-tama na." pagmamakaawa ng dalawang lalaking halos naliligo na sa sariling dugo dahil sa dami ng sugat nito sa buong katawan. Bakas na ang matinding paghihirap sa kanilang mukhang puno na din ng pasa at luha ngunit hindi pa din sila tinitigilan ng isang babaeng nasa kanilang harapan. Nasa isang abandonadong building sila na hindi kalayuan sa Underground. Walang kahit anong ilaw ang nagbibigay liwanag sa paligid nila kundi ang isang kandilang malapit-lapit na din maubos. "M-maawa ka sa'min! Huwag mo kaming patayin." pagmamakaawa pa ng isa na ikinailing ng babae. "Awa? May nakapagsabi ba sa inyo na hindi marunong maawa ang isang tulad ko?" Iwinasiwas nito ang matalas na katanang hawak tsaka itinutok sa lalamunan ng unang lalaki. "Naglakas loob kayong magpasok ng

