McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece's Dark King) Matapos kong makapagluto ay lumabas ako ng bahay para puntahan si Zhey at nakita ko syang nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa syudad ng Shiganshina na tanaw mula dito. "Mukhang nag-eenjoy ka huh." Naupo ako sa tabi nya. "Yup." sagot nya. "Matagal-tagal din akong hindi nakapunta sa ganitong lugar. At tulad nga ng sinabi mo, stress ako nitong mga nakaraang araw at malaking tulong ito para makapag-relax naman ako." Bumaling sya sa akin at ngumiti. "Kaya thank you." Napatitig ako sa mukha nya, especially sa mga labi nyang nakangiti dahil ito ang unang beses na nakita ko iyon sa kanya. At hindi ko ide-deny na mas nagagandahan ako sa kanya ngayong nakangiti sya. Pero agad din akong natigilan at umiwas ng tingin. s**t! "Dito na ta

