Bella's POV Taimtim lang akong nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa atsaka sa mga dala ko rin. "Doing some late groceries, huh?" he said as he fixed his eyeglasses. May plano pa ba 'tong lalakeng 'to na makipagchikahan sa'kin? Kinuha ko na lang ang detergent powder atsaka ito inilagay sa loob ng aking cart. Hindi ko na siya tinaponan pa ng tingin atsaka siya nilagpasan. Ganon na lang ang gulat ko ng bigla niyang hawakan ang isa kong braso atsaka ako iniharap sa kanya. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Salubong ang kilay ko habang nakatingin ng deretso sa kanyang mata. "Bitawan mo 'ko, Lucas," sabi ko na may diin. He's making a scene! Paano kung may ibang customer na mapadaan sa alley na ito ng grocery? Hindi ba 'to nag-iisip?! "Y

