Bella's POV Dalawang linggo na ang nakakalipas. Sa dalawang linggo na 'yon naging mas busy ako sa trabaho, hindi lang sa kompanya ni Althea kundi pati na rin sa iba kung saan kinukuha ako bilang modelo nila. Day-off ko ngayon at ngayon din namin ihahatid si Bea sa dormitoryo niya. Last week, we brought some of her things inside her place. Dalawa sila sa kwarto ng roommate niya, nakilala ko na rin kung sino 'yon. Mukhang magiging masaya ang college life ng kapatid ko dahil may mabait siyang roommate. Nasa bungad na kami ng entrance ng unibersidad at tuluyang pumasok sa loob. Si mama ang may dalang sasakyan, siya ang nagda-drive. Nasa likod lang kami ni Bea habang si papa naman sa passenger's seat. Nakayakap lang sa'kin si Bea habang nasa dibdib ko ang ulo niya. Ramdam na ramdam k

