Bella's POV I've been extra positive these past few days after my mother's birthday. Tinitignan ko ang mga litratong sinend niya sa'kin sa party niya noong linggo. Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya sa ganda suot niyang mamahaling bestida. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang caller. "Ma," bungad ko sa kanya ng sagutin ko ito. [Bella! Nakita mo ba ang mga pictures?] halata ang pagkaexcite niya sa tono ng kanyang boses. "Opo, nakita ko po. Ang ganda natin ah!" ani ko atsaka tumawa. Napatawa rin siya sa kabilang linya. Simula nong mismong araw ng kaarawan ni mama, halos araw-araw na niya akong tinatawagan para kamustahin at makipag-usap. Sino naman ako para humindi sa aking ina? Napatawad ko na siya sa nagawa niya noon. We are moving forward on our l

