Kabanata 33 ________________________________________________________________________ "It means, he loves you." Inirapan ko ng tingin si Hannah. Hindi nga ako nagkakamali. Nagsisimula na nga niya akong asarin. Hinarap ko nalang muli ang tingin ko sa salamin dito sa loob ng comfort room ng mga babae dito sa isang restaurant. "H'wag ka na nga'ng oa diyan. Ang swerte mo kaya dahil may Gustav ka na." ani pa niya sa akin. "Stop it." nasabi ko. Hindi ko gustong pag-usapan iyon lalo na pag si Hannah ang kausap ko. "Ayaw ko na 'yang pag-usapan sa ngayon." dugtong ko. Matapos kong ayusin ang aking sarili ay napaharap na ako sa kanya. Aalis na sana ako ngunit nakikita kong hindi pa siya ready kaya nanatili mo na ako. "Kailangan talaga natin 'yong pag-usapan dahil sabi mo nga sa akin, pumunta

