Kabanata 34 ________________________________________________________________________ Baliw. A word that can describe me. Hindi ko maipaliwanag itong aking nararamdaman sa ngayon. Siguro dahil ito sa aking narinig mula kay Gustav kahapon. Wala pa akong nasabihan na sinabi 'yon sa akin ni Gustav, kahit na si Hannah. Alam kong tutuksiin niya ako. Hindi din naman ako sumagot sa kanya. It is better to be silent, than to say some weird things to him. Baka madulas pa ako at may masabi ako sa kanyang mali. Sa tingin ko naman ay tama ang naisip kung gawin. Ang tumahimik. Linggo ngayon at sumama ako kay Mama magsimba. Gusto kong bigyan din ng oras ang diyos. Dagdasal ako sa panginoon na bigyan niya ako ng lakas. Gabayan niya ako sa desisyong tatahahin ko. Pagkatapos naming magsimba ni Mama ay um

