Chapter 14

2343 Words
Julie groaned as she felt Elmo answering the kiss. She heard him drop the spoon he was holding so he could angle her face to his. A gasp escaped her as he nipped her lip and she was about to circle her arms around his neck when she felt him slowly pulling away but not letting go of her face. "Pak, Pak wait...just wait." He panted as he looked at her. Kapag titingnan silang dalawa ay aakalain mo na tumakbo sila nang ilang milya. Pero hindi. Isang masarap na halik lang ang namagitan dahilan para maubos ang kanilang hininga. "Pak...you're confused." Elmo told her as he caressed her face. Julie stared back at his handsome face and saw how confused and torn her looked. Baka hindi naman pala ganun talaga ang gusto nito. Nodding her head, Julie moved away. "Y-yeah I'm sorry." "Pak, wait it's not..." Nagsimula na siya maglakad paakyat pero mabilis na hinawakan ni Elmo ang kamay niya. "Pak..." She smiled wanly at him. "Sorry. Nabangag lang siguro ako kanina. Masarap nga pala yung sauce ah." Nakita niya na parang gusto pa magsalita ni Elmo pero ayaw na niya pahirapan pa ito. "Let's just...can we eat? Masarap pa naman yung luto mo." Kahit na gusto na niya talaga kaninin na lang ng lupa. Elmo let out a sigh and nodded his head. Nagsimula na ito magbaba ng mga plato at siya naman ay umupo na sa may hapag. She watched him work on the food until he placed a plate on the table. Nakita niya na para bang gusto pa rin siya nito kausapin pero siya na mismo ang umiiwas. Nakaramdam bigla kasi siya ng hiya sa pinagagagawa niya. Ano naman kahunghangan ang biglaang paghalik dito diba? Pero nananahimik lang din naman ang lalaki. Hindi na niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kanila nito ni Elmo. It was like a push and pull kind of relationship. She finished eating. In fairness masarap naman talaga ito magluto. With a small smile she faced him. "Masarap ah. Pero uhm...akyat na muna ako. Napagod ako sa byahe eh." Elmo had this gentle look on his face before he nodded his head. "Ako na maghuhugas ng mga plato. Pwede ka na rin magpahinga." Habol pa ni Julie. Pero mabilis na tumanggi si Elmo. "Wag na. Ako na ang maghuhugas ng plato." "Ano ka ba...ikaw nagluto ako maghuhugas." She said. Nakatayo na siya at papunta na sa may lababo pero pinigilan siya ulit ni Elmo. "Pahinga ka na doon." He said in a firm tone. They stared at each other, as if challenging one with their eyes. Si Julie ang unang bumigay dahil nakakaramdam na talaga siya ng pagod. So she nodded her head and turned around, leaving him with the dishes. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=• It's been a few days since the "kiss". Medyo nagiilangan pa sila ni Elmo lalo na sa trabaho. Parang bumalik sila sa dati na hindi sila nagpapansinan. Pero ayaw naman niya na hindi ito makausap. Naging kaibigan din naman na niya ito. There really was just this unresolved s****l tension between the both of them. Kasalukuyan siyang gumagawa ng kape sa pantry dahil inaatake nanaman siya ng antok habang may inaayos na article na ilalagay sa kanilang web site. Ipapasa pa niya ito mamaya kay Maqui dahil ito ang magchecheck for approval. She absent-mindedly began stirring the coffee she had made when Elmo entered inside. It seemed like he wasn't expecting her to be there. She stopped with stirring and looked at him. Kapag sa trabaho kasi, kahit magkatabi ay pwede ituon ang pansin sa computer. Pero ngayon... Patay malisya na kumuha ng tinapay sa bread basket si Julie at nagsimula gumawa ng peanut butter sandwhich. Elmo cleared his throat before making his way over to the table, situating himself right beside Julie Anne. This was the most awkward silence ever. Laking pasalamat na lang ni Julie nang may pumasok sa loob ng pantry. Pero parang di pala talaga siya ganun na natutuwa lalo na nang nakita kung sino ito. Tinago niya ang irap nang marinig ang nakakarindi na boses ng babae na tumabi sa kabilang bahagi ni Elmo. "Hi Moe!" "Hi Tess." Bati din naman ni Elmo at mahinang ngumiti. "Paabot naman nung peanut butter." Pa-sweet na sabi pa ni Tess. Dahil sa kanya malapit ang lalagyanan ay siya na ang nag-abot sa babae. Pero imbis na matuwa, ay sumimangot pa si Tess at parang pilit na kinuha mula sa kamay ni Julie Anne ang lalagyan ng peanut butter. "Salamat...uhm, ano ulit pangalan mo?" Pinilit ni Julie ang ngumiti. "Julie." "Ah. Salamat Judy..." Itinago na lang ni Julie ang inis at kinuha na ang kanyang sandwhich at kape bago dumeretso pabalik sa kanyang cubicle. Iba talaga magselos mga babae. Alam naman niyang bet ni Tess si Elmo eh. Edi sa kanya na! Gigil siyang napaupo sa may harap ng desk niya. Ayan nanaman naririnig nanaman niya si Tess na hagikhik ng hagikhik sa loob. Hagikhik nga diba?! Bakit ang lakas?! She grabbed her coffee and her sandwhich before making her way over to the other side of the office. Kaya laking gulat na lang ni Maqui nang papalapit na siya sa cubicle nito. "O, bakit umuusok yang ilong mo bes?" Julie grumbled as she sat beside Maqui. Mabuti na lamang at wala sa paligid si James at si Nadine dahil parehong may field work para sa kompanya. "Nakakainis kasi yung Tess." Umismid si Maqui sa sinabi niya. "O bakit, linalandi nanaman si Elmo ano?" "Ano pa nga ba." Julie said as she rolled her eyes. "O e bakit ka nandito?" Maqui asked. "Aba bakuran mo na doon!" "Anong bakuran e hindi naman siya sa akin." Ani pa Julie at umismid na din. May ilang segundo na hindi muna nagsalita si Maqui hanggang sa may itinanong na ito sa kanya. "Ano ba nanaman meron sa inyo ni Moks? Ilang araw na kayo di nagpapansinan ah." Hanggang ngayon ay hindi pa alam ni Maqui ang nangyari sa kanila. "Maq...ako muna magsasalita ah." "OEMDYEE." "Ako nga muna sabi." Julie sighed. Nakita niyang parang sasabog na kasi si Maqui kaya tinapos na niya ang dalamhati nito. "I kissed him--hep! Ako muna ulit!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng kanyang kaibigan. Alam niyang uunahan nanaman kasi siya eh. "Wala ako sa wisyo non okay?" "Lagi ka nasa wisyo Julie Anne." Ani pa Maqui. "Except nung sinagot mo yan si JR." Julie rolled her eyes at that. "Ewan ko ba kasi kung ano ang nangyari. Basta hinalikan ko na lang siya...tapos...siya yung unang bumitaw." "Ay, basted ka kaagad bes." Julie rolled her eyes at that. "Basted ka dyan..." "E kamo umayaw eh. Tanga talaga ni Elmo." Tawa pa ni Maqui. Hanggang sa muhkang napaisip nanaman ito. "Sa totoo lang bes, wala pa kasi ako nakikitang sineseryoso yan si Elmo...di kaya..."  Julie raised one perfect eyebrow. "Ano?" "Wala lang I mean...kasi diba tropa din naman kayo, e wala nga sineseryoso, tapos kakabreak mo lang sa ex jowa mong gago, baka...ayaw ka lang niyang saktan talaga." Napaisip na din talaga si Julie sa pinagsasabi ni Maqui. Maybe. Maybe he really was just looking out for her. "Pero parang basted ka na nga talaga." Tawa pa ni Maqui. Muling inismiran ni Julie ang kaibigan. "I don't like him that way okay? Nabigla lang ako." "Muhka mo maganda bes. Sumasabog kaya ang s****l tension kapag magkasama kayo." "Hanggang doon na lang yon. I don't feel anything for him." Julie replied. Saka niya naisip si JR at napasimangot. "Sobrang wala lang din siguro ako naramdaman doon kay JR. Shet tanga nga ako." "Oo ewan ko ba kasi sayo." Sabi pa ni Maqui. "Wala nga katikas tikas yung lalaki na iyon. Ang lambot!" "Oo na ako na tanga." Julie said. Napatingin siya sa oras. Nako mahuhuli na siya sa ginagawang trabaho. "Sige balik muna ako doon." "Yung sandwhich mo!" "Sayo na yan!" She returned to her cubicle and saw Elmo quietly working. Mas nakakakgwapo talaga minsan kapag nakikitang masipag ang lalaki. Ano ka ba Julie wala nga diba wala? She shook her hrad and situated herself beside him yet again. As always siya nanaman ang di matahimik. Naiipon na ang ilang araw na wala silang imikan. So siya ang unang nagsalita. "Pak..." Mabuti naman kahit paaano ay tiningnan siya nito. "Hmm?" He asked. Natigilan nanaman si Julie. Ang sarap kasi ng timbre ng boses nitong mababa. She cleared her throat and faced him. Kaya ngayon ay magkaharap na ang mga upuan nila sa isa't isa. "Okay naman tayo diba?" She asked. Muhkang nagulat din si Elmo sa tanong niya. Pero nakasagot din naman kaagad. "Oo naman." Okay. That was enough. She looked at him and couldn't really read what he was thinking. Saka niya naalala ang lahat. Ang pagpayag nito sa bilin ng magulang niyang tingnan tingnan siya, yung halik, si Tess...saka yung mga pinagsasabi ni Maqui. Baka totoo nga talaga ang sinasabi ng kaibigan. "Okay then." She replied before facing her computer yet again. "Ikaw ba okay?" Biglang sabi ni Elmo. Medyo nagulat siya na ito ang unang kumausap pa ngayon. So she turned to him yet again and saw that he looked concerned. "Okay nga lang ako." Sagot dinnaman ni Julie. "Ikaw ba okay ka lang?" Paikot ikot na ang usapan nila pero wala na siya pakielam. "Yeah." Elmo answered. "But it was you who kissed me first Pak." Julie answered back with a challenge of her own. "Sino ang sumagot din naman? May pagkagat pa sa labi ko?" Elmo visibly stiffened at that. Kaya natawa na lang din si Julie. "But you're right though. Kaka break ko lang sa boyfriend ko. Magulo lang ang utak ko." "Lahat naman kayong mga babae eh." Tanging nasabi ni Elmo bago dahan dahan na tumayo mula sa upuan at lumabas marahil ay para gumamit ng banyo. Julie c****d her head to the side in wonder. Ano naman nangyari sa lalaking iyon? Mabuti na lang at Friday kaya ibig sabihin ay wala silang pasok kinabuksan. At sa Linggo naman ang balik ng mga magulang niya galing ng Cebu so she had the house all to herself for the next day. Patago siyang bumili ng mga kakainin at dinagdagan na niya ng alak para enjoy na din sa pagnuod niya ng Netflix. Yeah ayun lang naman ang gagawin niya siguro hanggang sa makatulog siya. Pagkauwi ay nagbihis na siya ng simpleng sando at shorts. Siya lang naman ang nasa bahay dahil si manang ay hindi na din stay at home dahil inaalaagaan ang mga apo nito. She was already in the middle of one movie when she heard the front door open. Sobrang bilis ngkabog ng dibdib niya ngayon. Was there an intruder?! Shet! Hindi pa siya handang mamatay! Gusto pa niya magkaanak! "Pak?" Wait... Tumigil siya sa posisiyon niya sa sofa. Hanggang sa si Elmo ang unang sumilip sa loob. "Nakakainis ka!" Asik niya at hinagisan ng potato chip ang lalaki. "O teka! Bakit ba?" Elmo asked. Nakatayo na ito ngayon sa may loob ng entertainment room. "A-akala ko mamamatay tao ka na eh! Paano ka ba nakapasok? Linock ko un ah!" "I have a key." Proud na sabi ni Elmo at inangat pa ang susi na sinasabi. Walanjo talaga ang magulang niya o. Nang kumalma na ang puso ay dumeretso na ulit siya ng upo sa sofa. "What are you doing here?" "Checking up on you." Elmo answered as he sat down beside her on the couch. Nanalaki ang mata nglalaki nang makita na ilang bote na ang nandon. "Grabe naka ilan ka?" "Oi dalawa pa lang." "Tapos may balak ka ubusin ang anim ganun?" He asked. Maya maya ay umupo na din ito at uminom ng alak. Julie looked at him. Ano ba kasi ginagawa ng lalaki dito. "Pak, pwede ba, I'm safe. You can go home now." Sumeryoso na din ang lalaki. Malamang hindi lang ito pumunta para siguraduhin na okay lang siya. At dahil ito ang may sadya, hindi muna siya nagsalita at hinayaan na mauna ito. "Pak gusto mo ba ako?" O diba. Walang preno preno. "Huh?" Gulantang na sabi ni Julie. "Kasi ako gusto naman kita eh." Elmo said with a shrug when Julie didn't answer his question. He grabbed another bottle and drank from it. "Hindi ko lang alam kung ano nangyayari sa ating dalawa." At ibinalik ni Julie ang tingin ng lalaki. "Bakit...ano ba gagawin mo kapag nalaman mo kung gusto din ba kita?" Siya ang naglakas loob na ilapit ang muhka. Pero muhkang siya din naman ang kakabahan. Lalo na nang maramdaman na lumapat ang labi ni Elmo sa kanya. She gasped at the contact. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak ang init ng katawan o dahil kay Elmo. Basta ang alam niya ay umaakyat ang dugo sa buong katawan niya. Napaungol siya nang hapitin ni Elmo ang maliit niyang bewang. Saka niya inikot ang mga braso sa leeg ng lalaki. Sa isang galaw ay natagpuan na lang niya ang sarili na nakakandong dito. "Pak..." Sarap na sarap na ungol ni Elmo at bumaba ang halik sa kanyang leeg. He kissed the mole she had there and she pulled his face away so they could look at each other. His eyes were hazy. "Maduduwag ka nanaman ba?" Tanong ni Julie. "Sabihin mo lang para  handa ako." Binalik ni Elmo ang tingin sa kanya na para bang naninigurado. At sa isang iglap ay binuhat siya nito mula sa sofa. "Pak!" Napatili siya nang hawakan nito ang kanyang puwit. Kumapit siya ng maigi dahil baka malaglag siya. Tiningnan siya muli ni Elmo bago siya halikan ng marahas at napabulong. "Tangina iba epekto mo sa akin Pak." At dali dali siya nito dinala sa kanyang kwarto. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=• AN: Walang magwawala hahaha! Mag cacalisthenics ako para sa susunod na chap. The more the votes the more the bonsai HAHAHAHAHA Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD