Chapter 13

2370 Words
Tahimik lang sa loob ng kotse si Julie pagkagaling nila sa grocery. Dahil hindi sila nakabili ng pagkain ay napagdesisyunan nilang mag drive thru na lamang sa isang fast food. "Julie alam ko kakakilala lang natin pero ang gago ng ex mo ah." Ani Joe na nakasakay sa may likuran. Julie sighed as she shook her head. "Ang kapal lang ng muhka niya e no." "Who knew we'd see him there." Napapailing na sabi ni Elmo. Nakabalik na sila sa bahay nila Elmo at mabilis na bumaba si Joe dahil nasa kanya ang pagkain at ilalapag na nito ito sa may dining area. Medyo tulala pa rin si Julie sa nangyari. And Elmo was just there because he knew he needed to be there for her. They proceeded to walk up the front steps to Elmo's house. Pagkabukas pa lang ng kanilang pinto ay bumungad kay Julie ang dalawa pa na lalaki na wala kanina doon. "Ui pare! Nagpaburger ka? Bakit--oh." Natigilan ang lalaking may maamong muhka na nakaupo sa may sofa nang makita si Julie. May isa pa na lalaki na nakaupo din sa may sofa at simpleng ngumiti lamang kay Julie Anne. Elmo turned to Julie then back to his friends before introducing them. "Pak, si Jhake saka si Gino." He said as he looked at the two guys on the couch. "Jhake, Gino si Julie..." "Hi Julie." Sabi nung Gino na nakangisi. "Ikaw na ba magpapatino sa kaibigan namin na ito." "Ikaw lang yung babaeng pinakilala niya sa amin." Tawa pa ni Jhake."Usually deretso lang sa kwarto kapag naguwi yan ng babae eh." "Jhake!" At tumawa lang naman si Jhake sa pagsaway sa kanya ni Elmo. "Hello hello." Bati naman ni Julie Anne sa mga lalaki. "Kain na tayo guys!" Tawag pa ni Joe mula sa kusina. Wala pa ilang segundo at napatayo mula sa sofa si Jhake saka si Gino. Inilapat ni Elmo ang kamay sa likuran ni Julie at iginiya ito papunta sa pinaka kusina. "Tara let's eat!" Mailaglig na sabi ni Joe. Magaan kaagad ang loob ni Julie sa mga katrabaho ni Elmo. Si Jhake ay isang musician na may sariling banda at laging may mga gig. Apparently they were on their way to signing a record deal. Si Gino naman ay isang photographer na may sariling studio. Nung college ay sila sila ang magkakaibigan kaya ngayon na grumaduate ay sila pa rin ang magkakasama. "Mabait tong si pareng Moe kasi hindi niya kami sinisingil ng renta sa bahay. Share share lang kami sa bill ng tubig, kuryente pati na sa pagkain." Share pa ni Gino habang lumalamon ng french fries. "Oo nga." Segunda naman ni Jhake. "Nako Julie di ka magsisisi dito kay Elmo. Gago lang yan pero mabait hahahaha ano daw?!" At nagtawanan pa ang mga lalaki habang si Elmo ay iiling iling na uminom ng coke. "Oh uh. Hindi kami ni Elmo." Medyo nahihiya na sabi ni Julie. "Awts pare basted kaagad!" "Mga gago." Bulong ni Elmo bago batuhin ng fry si Joe. "Pano kakabreak lang ni Julie sa boyfriend niyang gago." Sabi naman ni Joe at tumango tango. Windang na napatingin si Gino kay Julie. "Ha? Tangina may bumitaw pa sayo? Ang tanga naman non!" "Thank you." Julie smiled bashfully. "Pero ayaw ko na siya pagusapan." "Si Elmo na lang tsismisin natin!" Excited na sabi ni Joe. Pinanlakihan ng mata ni Elmo ang mga kaibigan. "Nako Julie matakot ka na. Sobrang pangit sa umaga niyan ni Elmo parang sumabog ang buhok!" "Baho din ng utot niyan!" "Manahimik nga kayo!" Asik ni Elmo sa mga kaibigan. Pero mas lalo lang nang gago ang mga ito. All the time Julie found herself just laughing. Kahit papaano ay gumanda naman na ang pakiramdam niya mula sa pagkakakita kanina kay JR. Matapos kumain ay huningi ng tour si Julie kay Elmo. "Bilis na ang ganda ng bahay mo eh. Ang laki pa." Ani Julie. "Sige na nga." Ang tatlong itlog ay nasa game room na at naglalaro ng NBA kaya hindi maistorbo. Una ay sa garden sa labas siya dinala ni Elmo. They stood there just enjoying the fresh oxygen around them. "So nakailang babae ka na pala na dala dito?" Julie asked with a knowing smirk on her face. Elmo sighed and shook his head. Bahagyang natatawa pa ito. "Naniniwala ka naman sa mga bugok na yon?" "Bakit...hindi ba totoo?" Elmo smirked as he placed his hands in his pockets and looked at the back street where a few kids were playing. "Matagal na akong hindi naguwi ng babae dito no. Those were...the dark time then." Hindi na tinanong pa ni Julie kung ano man ang sinasabing dark times ni Elmo. Alam naman niya na may pagka playboy nga talaga ang lalaki and she'd just leave it at that. "Tara pakita mo yung loob." Sabi na lang niya. Elmo let Julie walk first as he brought her to different parts of the house. Hanggang sa umabot na sila sa ikalawang palapag. Medyo mas madilim sa bandang iyon dahil medyo tago. Elmo was walking in front of her and she was just following close behind. "Ipapakita ko sayo yung veranda." Elmo said. Pero distracted si Julie dahil nahuki ng mata niya ang ilaw na nanggagaling sa isang kwarto sa kaliwa niya. Wala sa sarili na pumunta siya sa loob kahit na naglalakad na si Elmo. She gasped slowly at the paintings around the room. Madaming easel at siyempre mga pintura. Medyo makalat pero expected naman niya iyon. She smiled as she saw the paintings that Elmo had. Lumapit siya sa isang painting ng Makati skyline at may pirma sa bandang kanan na bahagi. E.M. "Pak." Sa gulat ni Julie ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Hayun at nakita niya si Elmo na nakatayo sa likod niya. He had a passive expressionon on his face as he stood there. His hands were inside his pockets and he was biting the inside of his cheek as he too was looking at the painting in front of them. "S-sorry na." Kinakabahan na sabi ni Julie. "Curious kasi ako eh." "No it's alright." Elmo said with a slight shake of his head. "I'm just not really comfortable with anyone looking at my art." "Why not?" Julie asked. Magkatabi na sila ngayon habang nakatayo sa harap ng sinasabing painting. Elmo bit the inside of his cheek yet again before answering. "Ewan? Kasi takot ako majudge?" "But your works are brilliant." Ani pa Julie. Pero tumungo lang si Elmo. Wala sa sarili na tumayo si Julie sa harap ng lalaki at hinawakan ang dalawa nitong pisngi para ipatingin ito sa kanya. Kilala niya si Elmo na mayabang at minsan ay presko talaga pero muhkang tumitiklop ito pagdating sa art. "O saan na yung impakto ko na kakilala?" She asked. Bahagyang napangiti pa si Elmo kaya napangiti na din si Julie Anne. "Kapag mahal mo ang ginawa mo Pak, walang dapat makapigil sayo. Kung sino man ang nangjujudge sa art mo, that's their problem okay?" There was that moment where the two of them were just looking at each other. Julie's hands on Elmo's face as she looked up and smiled at him. Pero maya maya lang ay nawala na ang ngiti sa muhka nila pareho. Napalitan ito nang malalim na tingin. "Pak I..." "Moe pare bilis tingnan mo ito!" They pulled away from each other at the voice. Para silang napaso sa isa't isa. Elmo cleared his throat and smiled at her. "Uhm. Ano tara baba na tayo?" "S-sige." Julie replied. Nanahimik na silang dalawa hanggang sa bumaba na sila papunta sa game room. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=• Nakailang tingin na si Julie sa kanyang orasan. Paano late na sila at wala pa rin si Maqui. "Besss! Sorry na di ko maiwan sila Nanay kanina ang dami pa kasi gawa!" Bungad ni Maqui nang lapitan siya nito. Nasa may entrance na kasi siya ng Jollibee at ayaw niya mauna sa taas. Dadalo sila sa isang birthday party ng inaanak nila. Sa wakas ay nakaakyat na sila sa may ikalawang palapag ng fast food chain kung saan nandoon na din ang kaibigan nila nung college. "Maq! Jules!" "Barbie!" Bati nilang dalawa sa kaibigan nilang nasa may bandang likuran na ng party hall. Yumakap sila dito at napangiti nang nakita ang asawa nitong si Jak na lumalapit sa kanila habang dala dala ang anak nila. "Hi Maq! Hi Julie!" Bati din ni Jak sa kanila. "Say hi Brina!" The baby girl giggled as she waggled her chubby fists at Julie and Maqui. "Grabe nakakagigil itong anak niyo!" Sabi ni Maqui habang pinanggigigilan nga si Brina. Napatawa din naman si Barbie habang inaakay na si Julie at si Maqui papunta sa isang lamesa. "Kamuhka mo Barbie grabe!" Julie said as she looked at the baby girl. Hindi nga maipagkakaila na anak ito ni Barbie. "Babe palitan ko lang muna ng diaper ah." Sabi ni Jak at binuhat ang anak nila papunta sa may banyo. Marami na rin bata ang nandoon at kumakain. "Sorry di kami nakaabot sa simula." Ani Julie. "Yung isa kasi dyan eh." "Sorry na okay bawi ako." Ani Maqui bago tingnan si Barbie habang nakaupo silang tatlo sa isang lamesa. "O te kamusta naman ang buhay madersk?" "Ito. Nakakapagod din." Ani Barbie. "Pero makita ko lang muhka ng anak at asawa ko masaya na ako eh. Mag-asawa na kasi din kayo!" "Hay nako Barbara e wala pa pumapatol sa beauty ko." Sabi naman ni Maqui. "Ikaw na kasi maghabol okay lang naman yun." Pangaasar pa ni Barbie sa kaibigan. "Nako palibhasa ikaw may Papa Jak na." "Oo nga eh. Sarap ng abs nyan!" At nagtawanan silang tatlo sa tinuran nito. Saka naman napatingin si Barbie kay Julie na medyo nananahimik. Pero alam na din naman nito kung bakit. "Hay nako Jules, kalimutan mo na si JR. Mr.Engineering nga...gago naman." Of course alam na rin nito kung ano ang nangyari. It's been a few days. And Julie has slowly been healing. Thanks to her family and friends of course. "Ayoko na rin kasi isipin. Basta masaya ako na nawala na ako sa toxic na relationship." "Hanap ka na lang din ng lalaking magpapatibok ulit dyan." Barbie said with a large smile on her face. "Muhkang meron na..." Bulong pa ni Maqui. Siyempre bago pa mapigilan ni Julie ay narinig na ito kaagad ni Barbie. "Ha? Anong meron na?" "Maq ano ba. Wala naman..." "Meron te teka ipapakita ko sayo ang picture." Ani Maqui at inilabas ang telepono. "Ito ito ayan yung katabi niya, yan si Elmo." Sakto ay ang litrato na iyon ay sa pantry kung saan sila nagtitipon. Sa likod banda nakapwesto si Julie at si Elmo at nakangiti sa camera habang halos lahat ay nasa bandang harap na kuha ng litrato. "Ay pogi ah." Nangiintriga pa na sabi ni Barbie. She looked at Julie with a sly smile on her face. "Look, close lang kami kasi magkaklase kami nung high school." Julie said. May gusto pa sana sabihin si Maqui pero matalim itong tiningnan ni Julie kaya nanahimik na lang. "Malay niyo kayo talaga!" Barbie said. "Lalo na at pareho pa kayong dalawa na single!" "Ayoko muna pumasok ulit sa isang relationship." Sabi pa ni Julie Anne. Masakit pa rin kasi ang nangyari sa kanila ni JR. "Basta masaya lang ako na kasama pamilya at kaibigan ko. Okay na ako sa ganun." She sighed to herself. Totoo naman eh. Ayaw muna niya. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Hindi alam ni Julie kung sinasadya ba ito ng Papa at Mama niya o ano e. "Elmo salamat ah." "No problem po tito and tita." Nakangiti na sabi ni Elmo. Ito kasi ang nagmaneho sa kanila papunta sa airport. Si Julie ay nakahalukipkip sa isang tabi. Magbabakasyon kasi sa Cebu ng ilang araw ang magulang niya. Gusto sana niya sumama pero hindi pwede dahil kabago bago pa lang niya sa kompanya. Ayaw muna niyang gamitin ang mga leave niya. "O smile na anak. Aalagaan ka niyan ni Elmo." "Ma naman. Kaya ko naman mag-isa." Julie said. Tumawa si Myrna at hinalikan ang pisngi ni Julie. "We know anak. Pero siyempre mas panatag kami na may kasama ka diba?" Natigil ang usapan dahil napatingin na si Junico sa orasan. "Nako baka malate tayo tara na. Bye anak. Bye Elmo." Sabi nito at pinatakan ng halik ang tuktok ng ulo ni Julie bago tapikin ang balikat ni Elmo. "Ingat kayo ah!" Paalala ni Julie sa magulang. Kumaway lang naman sa isang gilid si Elmo hanggang sa di na nila makita ang dalawa. "Tara na?" Elmo asked. Julie nodded her head. Tahimik lang ang byahe nila hanggang sa makauwi. Medyo napagod sa byahe si Julie kaya nagpaalam kay Elmo na magpapahinga muna. "You can eat. At home ka naman na dito sa amin eh." Sabi ni Julie. Hindi na niya hinintay pa ang sinabi ng lalaki dahil nagbihis muna siya at nagwash up bago muling bumaba. Parang biglang kumulo ang tiyan niya sa gutom nang makita si Elmo na nagluluto ng pasta sa may kusina nila. Humarap ang lalaki sa kanya nang marinig ang tapak niya. "Hindi ako nakapagluto para sayo nung isang araw kaya ngayon na lang." Sabi nito at tinapos ang ginagawa. Pasimpleng pinagmasdan ni Julie ang lalaki. Sa ginagawa nito ay mas lalong gumagaan ang loob niya dito. And to think she could be who she wanted to be whenever she was with him. She was just that comfortable. Pwede kayang...baka...hindi eh, sabi ko ayaw ko muna. Pero baka... Tumabi siya dito nang natapos ito sa linuluto at pinatay na ang apoy sa kalan. He reached out with a spoon and tasted the pasta sauce before facing her again. "Tikman mo..." Maybe she will. "Sige." Julie replied before she reached out and pulled his head down then planted a fervent and firm kiss on his lips. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=• AN: Op pampabitin muna! Hahahaa! Nakaabot ako! Happy JuliElmo day! Stay tanga ang matatag everyone! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD