Hindi alam ni Julie kung saan siya dadalhin ni Elmo basta ay nakasakay siya ngayon sa kotse nito.
Tumigil na ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya sasayangin pa ang luha sa lalaking iyon.
Nakita niyang sa subdivision nila siya dinadala ni Elmo pero hindi sa bahay nila. Tumigil ito sa may playground doon.
She looked at the man but he only exited through his door and made his way over to her side where he opened the door for her.
Nagdalawang isip pa siya kung lalabas na ba siya pero sumunod naman kay Elmo na naglakad papunta sa bandang swings ng playground.
Sighing, they both sat down on the swings and stayed quiet. When a few minutes had passed, Elmo was the first one to speak.
"Ano nangyari?" He asked.
Julie sniffed. But it was mostly because of the cold night air surrounding them. Kumapit siya sa dalawang bakal na kadena ng swing na iyon. Then she started pushing against the sand.
Napapikit siya dahil naalala nanaman niya ang eksenang dumaan sa kanyang utak.
She shivered before she stopped swinging, her feet against the sand.
"I saw him...with someone else."
Mabilis na napalingon si Elmo kay Julie Anne na nakatingin lang sa mga paa niya.
Elmo leaned forward, his swing getting closer to her. "What do you mean?"
Julie sighed as she kept looking at her feet before she turned to face him.
"With someone Elmo...may kasamang babae Elmo, may kahalikan na ibang babae!" Okay she snapped.
Sobrang bigat ng hininga niya matapos sabihin ang lahat ng iyon.
Walang sinabi si Elmo pero nakatingin lang sa kanya. Pero nakikita na ni Julie na umiigting na ang panga ng lalaki.
Hanggang sa umiwas ito ng tingin at bumulong. "Tangina."
She breathed in again as she looked at Elmo who was now looking back at her.
"I mean... di ba ako jowable? Dati panget ako oo pero ngayon hindi na! O talagang di lang ako sapat?" She said.
Elmo stood up from the swing and knelt down in front of her so he could take a good look at her face. "Pak look at me."
Julie looked back at him.
"You will not let JR bring you down like this okay? Problema na niya na hindi siya nakuntento. It's not your fault."
Pero parang walang naririnig si Julie dahil patuloy lang ang litanya nito.
"I mean what is it, is it because he wasn't getting any s*x from me?! Edi tangina niya pakalunod siya doon sa pekpek ng babae niya!"
Elmo chuckled at that as he looked at her.
Hingal pa rin si Julie matapos sabihin ang lahat ng iyon. She turned back to Elmo who was simply smiling up at her.
"Ngumingiti ka pa dyan! Nakakainis ka!" Julie yelled.
Elmo was still smiling as he cupped her cheek and caressed it one thumb. "Kasi palaban ka pa din. Hindi mo siya iniiyakan. Impakta ka talaga."
Mahinang napatawa na lang din si Julie saka umiling.
"I told you." Simula pa ni Elmo nang hindi tinatanggal ang kamay sa muhka ni Julie Anne. "You should stop wasting your time on scum like him okay?"
"Nakakadegrade pa rin kasi." Julie said and shook her head.
"Malaki kang kawalan Pak." Elmo whispered. He opened his arms wide. "Hug na lang kita?"
Kumawala na ang tawa kay Julie Anne at yumuko naman para yakapin ang lalaki. "Thanks Pak." She whispered, her face buried against his neck.
Elmo pulled away slowly so he could look at her.
Minsan totoo na nakakatigil ang mundo kapag titigan ka ng ganun.
Si Julie ang unang lumayo at nag-iwas ng tingin.
Elmo cleared his throat and stood up from his kneeling position. "You should get some rest. Tara na. Uwi na."
Julie finally got up from her position from the swings. Elmo put a hand on her back and guided her back to the car.
They were both quiet as Elmo drove on to the San Jose residence.
Nakita nilang nandun sa may veranda ang tatay ni Julie at nagpapahangin lang habang umiinom ng alak.
"Hi anak!" Bati ni Junico habang tumatayo mula sa maliit na stool na inuupuan.
Julie smiled as she got down from the car and made her way over to her dad who was now opening the gate for her.
"Hi Elmo!" Masayang bati din nito nang makita si Elmo na naglalakad sa likod ni Julie Anne.
"Good evening po tito." Ani Elmo habang maliit na kumakaway.
"Ginabi na kayo ah. Nagdate pa kayo?" Tawa pa ni Junico. Pero tumigil din at inakbayan ang anak. "Biro lang anak alam ko naman na may nobyo ka na eh."
Halata na natigilan pareho si Julie at si Elmo sa sinabi ni Junico at hindi naman lumagpas iyon sa huli.
Muling napadako ang tingin ni Junico sa unica hija. Saka nito pinagmasdan ang muhka ng magandang dalaga.
"Bakit ano nangyari anak?" Tila nagaalala na sabi nito. Tumingin muna ito kay Elmo bago ibalik ang tingin sa anak.
Pero dahil hindi nagsalita si Julie ay si Elmo na ang sumagot sa tanong ng tatay ni Julie. "Wag na po natin pagusapan ang gagong iyon tito."
"Bakit?!" Biglang asik ni Junico at napatingin ulit kay Julie Anne. "Anong ginawa ng lalaki na yon?! Elmo tara samahan mo ako kailangan ko ng taga sapak!"
"Papa wag na po!" Sabi ni Julie Anne. She stopped her dad.
Pero sa pagiingay ni Junico ay napasilip na din sa labas si Myrna na takang taka ang muhka.
"Anong nangyayari dito?"
"Love hindi ko pa alam kung ano ginawa ng JR na yun sa anak natin pero makakapatay na talaga ako ng tao!" Asik ni Junico.
"Bakit anong ginawa ni JR?" Asik na rin ni Myrna.
"Tito, tita, papahingain po muna natin si Julie." Elmo said, napapansin na kasi nito na wala na emosyon ang muhka ni Julie.
Kumalma na si Junico pati na rin si Myrna.
"Ma, Pa, inaantok na po ako. Bukas na lang po." She replied as she kissed her parents' cheeks. Then she turned to Elmo and smiled softly. "Thanks Pak."
"Tulog na Pak." Elmo whispered, squeezing Julie's hand.
Smiling, Julie pulled her hand away before walking inside the house.
Dumeretso na siya sa kanyang kwarto habang patuloy na nakatingin sa kanya ang magulang niya at si Elmo.
She tiredly went up to her room and washed up before getting dressed and crashing on to the bed.
Ngayon na mag-isa lang siya ay bumalik nanaman ang luha sa kanyang mata. She sobbed unto the bed and held her pillow close.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Halos hindi nakapag ayos si Julie ng sarili pagkapasok niya sa loob ng opisina.
She didn't even bother with make up. Her eye glasses were perched on top of her inclined nose.
Medyo mugto kasi ang mga mata niya kaya kailangan niya itago ito. Hindi na rin siya naglagay ng make up.
Wala din siyang binigay na effort para sa kanyang buhok. Itinali lang niya ito.
Umupo na siya sa may cubicle niya. Medyo napaaga ang kanyang pagpasok dahil gusto niya makaalis na sa bahay para hindi na siya magisa ng magulang sa nangyari.
Wala pa si Elmo, siya lang naman talaga ang pinakamaaga sa trabaho ngayon.
"Bes..."
She gasped and turned at the voice to see Maqui there. Alam na nito ang nangyari dahil tinext niya kagabi. Pero hindi nito alam ang buong kwento. Nang nakita ang muhka ng pinakamatalik na kaibigan ay hindi na niya napigilan at mabilis na tumayo mula sa upuan at yumakap dito.
Hindi niya napigilan ang muling pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Sshhhh shhhh."
"Maqqqq." Julie sobbed like a four year old. But that was the best thing about having a best friend, they won't judge you.
"Ako bubugbog don bes sabihin mo lang sa akin." Nanggigigil na sabi ni Maqui habang hinihigpitan ang yakap sa kanya.
Umupo na si Julie sa kanyang swivel chair at hinila naman ni Maqui ang upuan ni Elmo para doon pumwesto.
Lumuluha pa rin si Julie kaya hinubad na niya ang kanyang mga antipara bago ilapag iyon sa taas ng kanyang lamesa.
"Gago siya Maq sobrang gago talaga niya!" Julie shrieked. Sa gigil niya ay halos mamuti na ang kanyang mga buko. "Pucha! Di man lang ako bigyan ng dignidad! Nakita ko na nga tapos may gana pa ipagtanggol ang sarili! And to think na sabi ng babae matagal na daw nila ginagawa yon!"
Maqui scoffed. "Kainin sana siya ng lupa! Alam mo, yung part na ito dapat sasabihin ko na baka may ekslanasyon ang lahat! Pero ayaw ko! Kasi gago siya! Hay nako! Dapat nakita ko na din bes e. Napakayabang kasi!"
"Ako din..." Tila napapagod na sabi ni Julie. "Pucha apat na nga mata ko hindi ko pa rin nakita."
"Umibig ka eh." Maqui replied. "Nagoyo ka sa mga mabubulaklak na salita ampotah."
"Tangina niya."
"Tangina niya talaga."
"Uhh..."
Natigil silang dalawa nang marinig ang nagsalita at nakitang nandoon pala si Elmo at nakatayo sa may gilid ng cubicle wall.
"Lumayas ka muna dito Elmo." Taboy ni Maqui.
But Elmo answered. "That's my chair."
"Nakaupo ako dito ngayon. Maaga pa. Doon ka muna sa cubicle ko. Magtiis ka kay James at Nadine na naglalandian lagi sa tabi ko mga bastos!"
Elmo sighed but turned to face Julie who was now wiping her tears.
"Pak, are you alright?"
"I'm fine. Thanks Pak." Julie answered. She smiled at him while dabbing more tissue on her face.
Elmo nodded his head. Muhkang may gusto pa sana ito sabihin pero nauna na si Maqui na palayasin ito. So with no choice, Elmo had to get out of there but not without giving Julie one last look.
Umiling si Julie habang sinusuot muli ang kanyang antipara.
"Anong meron kay Elmo?" Bigla na lamang sabi ni Maqui.
And Julie looked to her best friend with a curious look on her face. As if she had no idea what Maqui was talking about.
"Nako Julie hindi gagana sa akin yung ganyan ganyan mo ah. Bakit parang kung wala ako e hihilain ka niya sa pantry at bibigyan ng bata sa sinapupunan?"
"Maq!" Naeeskandalo na sabi ni Julie Anne. Mabuti na lang talaga at medyo tago ang lugar ng kanilang cubicle.
"I know it when I see something!" Pilit pa ni Maqui. "Kaya nga nagduda na din ako kay JR! Alam mo kung paano ka tingnan ni Elmo? Ganun tumingin ang jowa bes!"
"Nagaalala lang siya sa akin okay?" Julie answered. "He was there when I went to JR's office."
Tiningnan lang siya muli ni Maqui na muhkang hindi naniniwala ang ekspresyon. Tipong hiwagang hiawaga ito sa pinagsasabi niya. "Mygahd nandon din siya?! Malala na yan bes!"
"Hinatid lang niya ako kasi nga wala ako kotse kahapon diba? Yun lang."
"Yun lang." Maqui mocked. "Ako Julie Anne Peñaflorida San Jose wag mo gaganyanin, madaldal lang ako pero di ako tanga!"
Muhkang wala talaga siya mararating dito kay Maqui. So she explained it to her. "Bes...naging close din kasi siya sa parents ko. So they trust him."
Sayang. Tuloy tuloy na sana ang litanya ni Maqui nang sumilip na ulit si Elmo sa kanila.
"Magalona gusto mo talaga masinghalan eh no."
"They're looking for you." Ani pa Elmo.
Maqui groaned. Kahit na ayaw nito ay kapag oras ng trabaho, trabaho lang kaya wala siya nagawa kundi tumayo na. Pero hindi nito nakalimutan na harapin muna si Julie Anne. "Di pa tayo tapos bes okay." At umalis ito bago tapunan din ng tingin si Elmo.
Nang masiguradong nakaalis na si Maqui ay umupo na ulit si Elmo sa sariling upuan at kaagad na iginulong ito papunta sa kung saan nakaupo si Julie.
"Hey." Elmo said. He reached out and caressed her face yet again. He seemed to like doing that a lot.
At heto naman siya at inilalapit pa ang muhka sa kamay nito. Parang sobrang nakakaginhawa kasi maramdaman ang init ng balat nito.
Pakiramdam niya mayroon siyang kakampi.
"You should take your mind off him. Para tama na kakaiyak."
"It's still fresh." Sagot pa niya sa lalaki. "Hindi ko naman makakalimutan ng ganun lang yun Pak."
"I know." Elmo smiled comfortingly. "You can take your mind off of things though."
Ito nanaman yung tinginan ni Elmo na parang nalulunod siya na di malaman.
"So paano?"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
Julie got her answer when it was time to go home.
Para silang dalawa na bata na tumatakas. Kay Maqui. Sa sobrang busy kasi nito sa sinusulat na article ay hindi rin nito nagulo si Julie Anne.
Kaya heto ngayon sila at akala mo ay dalawang batang tumatakas sa magulang.
"Tara!" Natatawa na sabi ni Elmo at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
They crouched down low so their movements wouldn't be that visible.
Hanggang sa dinala na si Julie ni Elmo papunta sa motor nito.
Tinaasan ni Julie ng kilay ang lalaki. "Akala ko ba ayaw mo ako pinapasakay sa motor mo?"
"Well you need a thrill." Ngisi pa sa kanya ni Elmo. At muhkang handa talaga siya nito pasakayin dahil nakita niyang may ready itong helmet na kulay kahel. "Diba mahilig ka sa orange?" Ani pa nito.
Julie blushed at that. Was he always paying attention to her? At ayaw niya mag-assume na binilhan siya nito ng helmet na may paborito niyang kulay pero wala na siya magawa dahil sa loob loob niya ay inaassume na niya talaga.
"Let's go Pak!" Excited na sabi ni Elmo at ito pa ang naglagay ng helmet sa ulo ni Julie Anne. Ngumiti ito sa kanya. "Hahaha ang cute mo!"
"Tseh! Pinagtatawanan mo ako eh!" Amok ni Julie at napanguso. Pero nawal iyon nang makita na anapakagat labi si Elmo habang tinitingnan siya. Pero maya maya lang ay ngumiti na ulit ito at sumakay na sa may motor.
"O dali tara na!" Elmo said.
Julie had no idea where they were going. But she had faith in this guy, and she had no idea why too.
Umangkas siya sa likod ng lalaki at ipinatong ang mga kamay sa balikat nito.
Smirking, Elmo reached out and pulled her arms around his waist.
Napaigik pa si Julie Anne.
"Iikot mo na sa bewan ko. Malalaglag ka kapag nakapatong lang yan sa balikat ko."
At bago pa makasagot si Julie ay binuksan na ni Elmo ang makina. Sa kaba ay napakapit nga nang mahigpit si Julie.
"Let's go Pak!"
"Ahhhhhh!" Tili ni Julie habang si Elmo ay tumatawa at mabilis na pinatakbo ang motorsiklo.
Elmo waved through the not so traffic roads. Himala at wala masyadong traffic.
"Sigaw ka Pak! Ilabas mo lang!" Elmo yelled and revved the engine.
So Julie held on to his waist and yelled. "TANGINA MO JR!!!!" Okay that felt good.
Elmo laughed and yelled too. "Whoooooo!"
He maneuvered his motorcycle until he reached a residential area. Tahimik lang si Julie habang tinitingnan ang dinadaanan nila. Hilera ang mga ito ng bahay at hanggang ngayon ay wala pa irn siya ideya kung saan ba siya dadalhin ni Elmo.
Hanggang sa tumigil na sila sa isang malaking bahay. Hindi naman ito mansyon o kung ano man pero malaki talaga at ang ganda pa ng pagkakagawa.
"I-Is this your house?" Namamangha na sabi ni Julie. Ang laki kasi talaga!
"Yeah." Elmo smiled before he helped her down on the motorcycle.
Julie got another good look at the house in front of her. Saka niya naalala na galing nga pala sa mayaman na pamilya si Elmo.
"So anong gagawin natin dito?" She asked him.
Elmo shrugged his shoulders. "Kakain, gutom na ako eh!"
"Ikaw magluluto?" Julie challenged.
Siyempre, gaya ng dati ay hindi magpapatalo si Elmo. "Ako pa ba? Huh, baka ma in love ka sa akin kapag nalasahan mo luto ko."
"Sa luto mo lang in love na agad ako? Di din." Julie laughed.
"Tara na nga nang mahulog ka na ng tuluyan sa akin."
"Yak kadiri Elmo ano ba!"
Mas lalo lang natawa si Elmo at iginiya na ang babae papasok sa bahay nila. Entrance pa lang ay ang ganda na ng mismong interior. It was a very masculine house but not too much so that it was boring. Maganda nga ang style at may pagka modern Japanese house.
Kakabukas pa lang ni Elmo ang pintuan ng bahay nang magulat si Julie sa lalaking bigla na lamang sumilip mula sa dulo.
"Moe wala na tayo pagkain!!!!!" Pero tumigil magsalita ang lalaki nang makita si Julie Anne. "Wowwwww! May magandang dilag!"
"Quit it Joe." Elmo said. Naglakad ito pagitna sa hallway at deretsong pinuntahan ang lalaki. "Anong pinagsasabi mo na wala na pagkain?"
"Ha? Ah eh..."
"Huy!" Asik ni Elmo.
Paano, tingin ng tingin ang lalaki kay Julie na nakatayo lang naman sa gitna ng corridor.
"Eh ang ganda kasi talaga pare eh. Girlfriend mo? Kaya pala lagi ka nawawala."
"Ungas." Elmo said before turning to Julie. "Pak, sorry ah, may topak lang talaga itong kaibigan ko."
"Hallo! Jose Carpio nga pala pero Joe na lang tawag mo sa akin! Best friend ako ni Elmo!" Bati pa nito at ngumiti.
Julie smiled back at the young man. "Hi Joe."
"Bro ang ganda ng boses nagsasalita pa lang yan!" Tila kinikilig na sabi ni Joe.
"Teka nga Joe!" Tawag pa ni Elmo sa kaibigan. "Anong sinasabi mo na wala na tayo pagkain?"
"Inubos namin ni Gino saka ni Jhake." Ngisi pa ni Joe.
"Pucha naman o!"
"Pak, it's alright, kain na lang kaya tayo sa labas?" Julie said, slightly caressing Elmo's arm so he would calm down.
"Sama ako!"
At kahit ayaw ni Elmo ay kasama nila si Joe na pumunta sa grocery. Gusto pa rin kasi ituloy ni Elmo ang pagluto para kay Julie kaya bibili na lang daw sila ng pagkain. They used Elmo's car this time to get to the supermarket.
Papasok pa lang ay kumuha na kaagad si Joe ng basket at nagsimulang magbububnot ng pagkain.
"Nakilala ko yan si Joe sa Batangas, may bahay kasi Papa ko doon." Elmo explained as they followed closely behind. "Siya yung kasama ko talaga kapag umuuwi doon tapos nagtrabaho din siya dito ngayon sa Maynila, IT siya ngayon sa isang malaking kompanya."
"He seems like a fun guy." Julie said as she watched Joe grabbing some produce.
"Basically we're room mates." Elmo said. "Wala pa kanina sa bahay yung dalawa ko pang kasama, si Jhake saka si Gino, parehong nasa trabaho pa."
Tuloy tuloy ang lakad nila hanggang sa matigilan si Julie sa nakitang pigura sa dulo ng isang aisle.
She stopped waling when said figure lifted his head up and looked at her.
Noong una ay parang sinsigurado din nito na siya iyon.
Pero nakalapit na kasi banda si Joe dito. Kaya maging si Elmo ay napansin na ang lalaki.
"Hmm, kumakain din pala yan. Akala ko di naman kumakain ang mga demonyo." Asik ni Elmo.
JR put the can of beans he was holding back unto the shelf before he faced them. Napansin din ni Joe na nakatingin na si Julie at Elmo sa lalaki kaya napatigil na din.
"Kita mo naman." JR smirked as he looked at Julie. "Yung totoo Julie Anne? Lakas mo ipasa sa akin yung kasalanan e ikaw itong may kinakalantari nang iba!"
"Watch your mouth!" Elmo said. Halatang nagpipigil lang ito.
"Sabi ko na may gusto ka sa girlfriend ko eh!" Bintang ni JR habang dinuduro si Elmo. "Tangina niyo pareho! Ikaw Julie! Malandi ka din eh no!"
Pak!
Nagulat pareho si Julie at Elmo nang makitang napaatras si JR sa lakas ng suntok. Suntok na nanggaling kay Joe.
"Hindi ganyan kumausap sa babae!" Ani Joe habang nakatingin kay JR.
Pinunasan ni JR ang nagdudugo na labi. "You can have her anyways." Anito at ngumisi pa kay Elmo. "Di naman yan bumibigay eh, matitigang ka lang dyan."
At si Elmo na ang hindi napakapgpigil at sinugod din ng mag-asawang suntok si JR.
Halos mahilo hilo ang lalaking napasandal sa shelf na nandoon.
"Tangina mo respetuhin mo si Julie, pipigil lang ako ngayon kasi nandito siya pero kung wala, sigurado ako deretso ka ICU at wala na ako pake kung kasuhan mo pa ako." Elmo yelled.
He looked at Julie who was still silent at what was happening. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ng babae at iginiya ito palabas ng grocery.
Sumunod naman si Joe na iniwan na lang ang dalang basket habang si JR ay hilo pa rin na nakakapit sa shelf sa tabi.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
AN: Op! Nakatikim na si JR! Mula kay Joe! Napahaba ito at nag request ng cameo yung isa dyan haha! Happy ka na friend? Haha! Thanks for reading everyone!
Mwahugz!
-BundokPuno<3