Chapter 11

3126 Words
Tahimik lang sa loob ng kotse si Julie at si JR. Iniwan nila ang sasakyan ni Julie sa opisina at si JR na lang ang naghatid sa kanya pauwi. The car came to a silent stop in front of the San Jose residence. They hadn't talked to each other the whole ride and they were still both very silent up to now. Hanggang sa si JR na ang unang umimik. Una ay napabuntong hininga ito bago nagsalita. "Ayos ka lang?" Pinipigil ni Julie ang inis. She turned to JR with a disbelieving look on her face. "Now you're worried?" "Bakit? Hindi naman kita iniwan sa mga lalaking iyon ah!" "You still didn't do anything!" Julie said in an exasperated tone. "Ano gusto mo, gayahin ko si Elmo na manggugulpi!?" Laban naman ni JR. Inis na sumagot na si Julie Anne. "At least may ginawa siya." "Violence won't solve anything." Sagot sa kanya ni JR. "Kung nambugbog ako may iba ba mangyayari? Wala diba? Saka alam mo ba kung anong consequence sa kompanya kapag nakita na bugbog muhka ko?" Julie rolled her eyes in disbelief as she looked at her boyfriend. "Ayun lang ba talaga iisipin mo? Kahit na binabastos na ako?" "Hon it's not like that." Mahinahon na sabi ni JR habang hinahawakan ang kamay ni Julie. "Ayaw ko lang umaksyon ng nagiisip okay?" Pasimpleng inalis ni Julie ang kamay ng lalaki sa pagkakahawak sa kanya. She just sighed and finally took her seat belt off. "Bukas na tayo magusap. Pagod ako." Binuksan niya ang pintuan ng kotse bago mabilis na lumabas at dumeretso sa loob ng bahay. "O anak...kumain ka na?" Myrna asked once she saw her daughter. Nasa may foyer sila ng bahay at medyo gabi na pero siyempre ayun pa din ang unang tanong ng kanyang Mama. She gave her mom a comforting smile. Para lang hindi na rin ito mag alala. "Nakakain na po ako Ma." "Parang hindi ko narinig ang kotse?" Myrna asked as she sat down on the sofa. Pagod na binaba din ni Julie Anne ang kanyang bag at tumabi sa mama niya. "Hinatid po ako ni JR. Iniwan ko muna po yung kotse ko sa office." "So paano bukas? Susunduin ka niya dito?" Dito na natigilan si Julie Anne. She and JR didn't part in good terms. Nakakahiya naman kung magpapasundo siya dito. Isang buntong hininga ang sinagot niya sa kanyang mama bago umiling. "Mag commute na lang siguro po ako." Nag-aalalang tiningnan ni Myrna ang anak. "Nag-away ba kayo?" Straight to the point itong Mama niya eh. She smiled sadly and nodded her head. "Hindi ko kasi malaman Ma, parang ako yung effort ng effort sa relationship namin na ito." Myrna moved forward and put a comforting arm around Julie's shoulder. "Mahal mo pa ba?" Pinakanakakaloka ang hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon. "Hindi ko po alam." And again, Myrna simply rubbed her arms. "Well, kung pagod ka na anak, let go. Pero kung gusto mo pa lumaban, pwede pa rin naman, basta gawin mo kung saan ka sasaya." =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0 Muntik nang tuloy tuloy ang tulog ni Julie ng umaga na iyon. Hindi nanaman kasi maayos ang kanyang pagtulog nung gabing nakaraan. Basa basa ang buhok niyang bumaba ng hagdanan ng kanilang bahay. She stopped though when she saw a familiar figure sitting at their dining table enjoying some rice and corned beef. "Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan lang siya pabalik ni Elmo bago ibinaba ang mga kubyertos at simpleng ngumisi. "Anak ano ka ba, tinext ko siya." Napatingin si Julie sa nagsalita na kakapasok lang ng dining area mula sa may living room. "Ha? Bakit naman Pa?!" "E wala ka kotse edi pinasundo ko siya." What the!? Nakakahiya kay Elmo! Ang laking abala! Ang hunghang na lalaki...pumunta rin naman! She glared at Elmo's way who was busily drinking from his glass of orange juice. "Pa naman..." "Ang hirap mag commute ngayon anak. Amin na ang susi mo. Kukunin ko muna kotse mo kasi nasa talyer pa ang sa akin. Magcommute ako mamaya papunta sa office niyo." Sabi pa ng Papa niya na katabi ngayon si Elmo. Binigay naman niya ang mga susid sa ama. "Kumain ka muna, di naman kayo malelate." No choice, Julie sat down in front of Elmo who was only smirking her way. "Kain na Pak." Ani Elmo at pinagsandukan siya ng ulam at kanin. Gulong gulo si Julie sa nangyayari pero nauuna na din kasi ang gutom niya. "Ay teka may nakalimutan ako gawin, maiwan ko kayo." Biglang sabi ni Junico. Pero pinigilan ito ni Julie. "Ano naman nakalimutan mo Pa?" "Basta may nakalimutan ako kumain ka na lang dyan bata ka. Manang mana ka sa nanay mong maganda." Sabi ni Junico at tuluyan nang lumabas sa may kainan. Kaya hayun at naiwan silang dalawa ni Elmo na tahimik na kumakain. Hindi sinasadya na napatingin si Julie Anne sa kamao nito. Nakita niyang medyo sugat sugat ito at bahagyang namamaga. She put her utensils down and absent-mindedly reached for his hand. Nakita niyang napakislot bahagya si Elmo pero kumalma din. She ran the tips of her fingers on the welts and looked back at him. "I wasn't able to thank you for last night." One corner of Elmo's lips lifted up as he looked at her. "Hindi naman pwede na wala ako gawin diba?" He held her hands too and they just stayed there, holding hands while looking at each other. "Mga bata malelate na kayo go go na. Maaga din ang klase ko." Biglang pasok naman ni Myrna sa loob ng dining area habang inaayos ang suot na relo. "Hatid ko na rin po kayo tita." Elmo offered as he and Julie pulled their hands away. "Nako okay lang anak dadaanan ako nung isa ko na kaibigan kasi dederetso din kami sa isang house party pagkauwi." Ani pa Myrna at inakbayan si Julie Anne. "Go na malate pa kayo." Julie bid goodbye to her parents and so did Elmo before they went outside. Gulat na lang ni Julie nang makita ang isang royal blue na Ferrari. "Kotse mo ito?" Natawa si Elmo sa tanong ng dalaga. "Bakit parang di ka makapaniwala?" Tanong pabalik ng lalaki bago buksan ang passenger side. "S-sanay kasi ako doon sa motor mo." Elmo smirked as he opened the door wider. "Malamang hindi kita papasakayin doon sa motor. That's too dangerous." Julie merely chuckled and shrugged her shoulders before she got inside the passnger seat. Pumasok naman sa kabilang side si Elmo at inayos na ang sarili. Napatingin ito kay Julie at bigla na lamang lumapit. Saglit na natigilan si Julie pero nakita na isinuot lang pala ng lalaki ang kanyang seatbelt. "Bakit? Akala mo ba ikiss kita?" Nangaasar na tanong ni Elmo. Pasimpleng tinulak palayo ni Julie ang muhka ng lalaki na napatawa lamang. "Impakto talaga 'to." Still laughing, Elmo started the car and headed off for the road. "So...kamusta kayo ni JR?" Tanong ni Elmo habang nagmamaneho. Tiningnan ni Julie ang lalaki at nakita naman niya na seryoso ang pagkakatanong nito sa kanya. "We're not speaking at the moment." She replied while looking to the window. Tumingin din saglit si Elmo sa kanya kaso ay ayun nga at sa labas nakatuon ang kanyang pansin. Pero tinuloy pa rin nito ang gusto sabihin. "I know it's out of my business, but J really don't like the way he treats you...di ko nga alam bakit ka nahulog doon eh." Akala ni Elmo ay aawayin lang siya pabalik ni Julie. But it was the opposite. Julie actually nodded her head as she looked back at him. "I'm not superficial if that's what you're thinking. Dati naman kasi, okay na okay kami. Kapag kausap ko siya masaya naman. And he actually exerted effort when he was courting me. Hindi ko alam kung dahil ba sa magkalayo kami ngayon o ano." "Malay mo nasa honeymoon period lang kayo." Sagot naman ni Elmo. "Masaya naman talaga sa simula eh. Pero siyempre kapag dumating na ang problema, doon niyo talaga natetest kung gaano niyo kamahal ang isa't isa." "Lalim non ah." Nangaasar bigla na sabi ni Julie. "Bakit naransan mo na ba?" Imbis na sumagot ay ngumisi lang si Elmo at saka binuksan ang radyo. Hey now let me hold you It'll be OK Cause I will love you Till they take my heart away Julie bobbed her head softly as she sung to the song. Nagulat siya nang kumanta din si Elmo. Remember when you called And said goodbye You thought we'd lost it all And so did I Humarap sila sa isa't isa at sabay na kumanta. Even if I lost you I would feel the same I will love you Till they take my heart away..... "Maganda pala boses mo?" Natatawa na sabi ni Julie. "Grabe...muhka ba akong boses palaka?" Elmo said with a small smile on his face. Julie laughed. "O wala ako sinabi ah." Ngumiti lang ulit si Elmo saka nagpatuloy sa pagmaneho. They got to the office in the nick if time at sakto sa may lobby ay nakita sila ni James at Iñigo na papasakay na sana sa elevator. Lumaki ang mata ng dalawang lalaki nang mapansin na sabay silang pumasok. "Hala kaaaa sulutero ka Moe!" Ani Iñigo sa kaibigan at nakaturo pa dito habang nakatakip ang isang kamay sa bibig. Parehong kunot noo na tiningnan ni Julie at Elmo ang kaibigan habang napailing si James. "Sorry, naka drugs yan." Sabi pa nito. "Grabe ka sa akin." Iñigo said. "Pero bakit nga sabay kayo?" James asked. Kitamo, malisyoso din. "Mga ungas." Elmo replied. "Naiwan nga kasi kotse ni Julie dito kagabi diba? Sinundo ko lang sa kanila." "Hina mo pala bro eh." Mabilis na binatukan ni James si Iñigo. "Labo mo." "Haay mga ungas talaga." Irap ni Julie at pumasok na sa loob ng elevator. Sumunod naman ang tatlong itlog. Patuloy na nagusap si James at Iñigo habang tahimik lang si Julie at Elmo. They got to the elevators and settled into their cubicles. Napadaan naman si Nadine at Maris dahil papunta ang mga ito sa pantry. "Ui guys, naka pagbreakfast na ba kayo? Tara kain." "It's okay nagbreakfast na ako kayla Julie." Kung may dumadaan lang siguro na kotse ay rinig ang pagpreno nito at ang pagkaskas ng gulong sa semento. Dahil ayun ang itsura ngayon ni Nadine at ni Maris. "OMG." Ani Maris. Pero mabilis na sumenyas si Julie na siya muna ang magsasalita. "Naiwan kotse ko remember? Tinext siya ni Papa na sunduin ako." "OMG. PA. RIN." Nadine said. Hindi napigilan ni Elmo ang matawa habang si Julie ay umikot na lamang ang mga mata. Tila kinikilig na nagkatinginan si Nadine at si Maris. "Break na kayo ni JR?" Tanong pa ni Nadine. "Cool off." Sagot ni Julie. Marahil ay hindi nila pinagusapan pero intindi naman iyon sa nangyari eh. "Hala sige Elmo go go go!" Natatawa na sabi ni Maris. "Akala ko pa naman okay yung JR nakakairita lang pala." Sabi nito at hindi na pinasalita pa ang iba bago hilain si Nadine papunta sa loob ng pantry. Napabuntong hininga si Julie. Ito na at pati mga katrabaho niya ay ayaw kay JR. Hindi naman kasi ganun talaga ang boyfriend niya. Well sa pagkakakilala niya ay hindi iyon ganun. Julie moved to start up her computer as Elmo was already drawing something on his drawpad. Wala sa sarili na napatingin siya sa lalaki. Kung tama ang pagkakaalala niya ay ang gusto talaga nitong course noon ay Fine Arts. Hindi lang talaga niya alam kung ano ang naging balita. "Huy. Gwapo ko no?" Lintik nahuli. Kunwari ay hindi talaga siya nakatingin at tumikhim. "Excuse you. May impakto bang gwapo?" "Ako." Simpleng sabi ni Elmo. Julie rolled her eyes at narinig niyang napatikhim pa si Elmo. "O..." She said. "Problema mo?" "Hilig mo umirap." Ani Elmo at mabilis na binalik ang tingin sa pagguguhit. Tiningnan na ni Julie ang kanina pa nito ginuguhit. It was a pair of wings. A sort of intricate design woven with patterns. "Ang ganda niyan ah." Mabilis na napatingin sa kanya si Elmo na para bang gulat na gulat. "A-ano ba! Don't look at the art." "Arte nito. Ang ganda kaya ng drawing mo." Elmo cleared his throat as he turned his computer monitor off. "Ayaw ko lang na jinujudge kaagad yung mga drawing ko. They're my babies okay?" Imbis na asarin si Elmo ay ngumiti lang si Julie. "Wag ka na mahiya. Diba high school pa lang tayo alam ko na na magaling ka talaga sa arts?" Elmo smiled back. Okay na sana e kaso nangasar nanaman ito. "Kasi nga crush mo ako noon." Pero siyempre ay hindi papatalo si Julie. Linapit niya pa ang kanyang upuan sa lalaki. Napalunok pa si Elmo nang kaunting layo na lang sila sa isa't isa. And then Julie whispered. "Crush mo din ako noon, umamin ka. Kasi kung hindi..." She kept her lips next to his ear. "Hindi ka makakapigil kunin ang virginity ko non." Elmo visibly stiffened from that. Natatawang inilayo ni Julie ang sarili at bumalik sa pagtatrabaho. "You tease." Elmo grumbled from the side. Julie laughed yet again and Elmo looked at her. "What?" She asked still with a giggle. "Nothing..." Elmo said. "Just keep smiling." Then he went back to what he was doing. Julie turned away to hide the redness of her cheeks. The whole day went by smoothly until a few minutes before 5 in the afternoon. "Mam Julie may package po para sa inyo." Napatigin si Julie nang may lalaking lumapit sa kanya. May dala dala itong isang bungkos ng bulaklak. She stilled as she looked at the man with the flowers. "Galing po kay Mr. JR Faranilla." "Give me a break." Bulong ni Elmo sa tabi. Julie ignored him and took the flowers from the delivery guy who bid her goodbye. Napatingin siya sa card sa may bulaklak. Hon, It is darkness that I finally see the light you fill for me. I'm sorry. Please forgive me. I love you. Wala sa sarili na napangiti si Julie. That was actually sweet. "Don't tell me magpapadala ka nanaman sa ganyan niya." Biglang sabi ni Elmo na nakasimangot sa kanya. Julie cleared her throat as she looked at him. "He's sorry naman Pak, I mean, relationships are always about chances right?" "Whatever." Elmo said as he looked away. Napabuntong hininga si Julie. Alam niyang muhkang tanga na talaga siya sa mga kaibigan niya pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Isang taon din naman ang relasyon nila ni JR. And if people always gave up, then there wouldn't be any happiness. Tumayo na si Elmo at nagsimula na magayos. "Ready ka na ba? Tara na ihahatid na kita pauwi." Julie sighed yet again as she watched the man turn his computer off and fixed his things before leaving her there. Okay inis nanaman sa kanya ang lalaki. Oo alam niya nagpapakatanga siya sa nobyo. But she really wanted to give JR a chance. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin kay Elmo habang pasakay sila ng kotse nito. But she already made a decision. "Pak...idaan mo ako sa opisina nila JR." At sa sinabi niyang iyon ay hindi makapaniwala siyang tiningnan ni Elmo. "Sigurado ka?" He asked with a blank look on his face. Julie slowly nodded her head. Nakikita na niyang napaapiling si Elmo at hindi naman niya masisi ang lalaki. "Iwan mo na lang ako doon. Sa kanya na lang ako magpapahatid pauwi." Muli ay tiningnan siya ni Elmo na para bang may gusto ito sabihin. Pero umiling na lang bago sinimulan paandarin ang kotse. She gave him the directions to JR's firm and he didn't ask any questions. Buong byahe nga ay nakasimangot lang ito eh. Hanggang sa wakas ay nakadating na sila sa harap ng building nila JR. They were both silent as she took her seat belt off and looked at him. "Pak salamat ah." "Yeah go ahead." Sabi na lang ni Elmo. Julie sighed. She made her way out of the car and watched as Elmo looked at ber one last time before he backed away and circled out. Muli ay napabuntong hininga siya bago pumunta sa may lobby kung saan binigyan siya ng visitor's pass paakyat. She went up to his office floor. Muhkang ang ibang empleyado ay wala na dahil nga uwian na pero ang isang nag paiwan din ay sinabi na nag overtime din daw si JR. Napangiti siya. Balak niya itong sorpresahin. Dumeretso na siya sa tinurong opisina pero napatigil nang may marinig na kakaibang mga tunog. "Oooooh JR!" "Ah oh s**t!" Napakunot noo sa narinig si Julie at sa isang iglap ay mabilis na binuksan ang pinto.  She gasped at the scene. Nakaupo sa office chair si JR habang may babaeng nakapatong dito at marahas silang naghahalikan. Tumigil lang ang mga ito nang marinig ang pagbukas niya ng pinto.  "J-Julie!" Kinakabahan na sabi ni JR at kaagad na tinulak ang babaeng nakapatong sa kanya. "I-It's not what you think! S-she kissed me!" "Gago ka ikaw ang nauna!" Sabi ng babae at kaagad na sinampal si JR. "Ilang beses na tayo nagsesex dito! Tangina mo sabi mo makikipagbreak ka na sa kanya!"  Parang gusto dumuwal ni Julie sa nalalaman. JR looked at her with fear in his eyes. "Hon wag ka maniwala sa kanya!" Pero bago pa muling makasalita si JR ay mabilis na tumakbo paalis doon si Julie. Agad agad siyang sumakay sa elevator at napasandal pa sa dingding nito. Walang tumutulong luha sa kanyang mata. Para lang talaga siyang nasa ibang dimensyon. She was like a zombie as she walked out of the office building. "Pak?" She gasped as she heard the voice. Nakita niya sa may parking si Elmo na dumedertso mula sa pagkasandal sa kotse.  "E-Elmo?" She asked as she approached him. Nanginig ang labi niya habang nakatingin dito. "Wh-what are you doing here?" "Sabi ko hihintayin ko mga 10 minutes bago ako aalis talaga kasi baka di mo alam nakauwi na pala si JR." Elmo explained as he looked at her. The bother in her face was evident. "Asan si JR Nakauwi na nga ba?" Tanong pa ni Elmo. But Julie merely shook her head and reached out to wrap her arms around Elmo's middle. She sobbed unto his chest. Ngayon lang lumabas ang mga luha. "Alis na tayo Pak, please alis na tayo." And Elmo didn't need to be told twice. "Okay okay." He said and reached out to kiss the top of Julie'e head before pulling her to the car. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Kamusta mga friendship! Ang haba ng chap na toh in fair hahaha! Anyways puro ako pang gabi ngayon sa sana may buhay ang mata ko mga fwend haha! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD