Chapter 10

2292 Words
Simula nung party ay bumalik sa pagwawalang pansinan si Julie at Elmo. It's almost been a week then. Kay Julie ay okay lang naman ang lahat pero si Elmo ang mas ilap. Literal na tungkol lang sa trabaho ang kanilang pinaguusapan. Mabuti na din dahil mas nagagawa naman nila ang ginagawa. "Very good sa brochure Julie and Elmo." Nakangiti na sabi sa kanila ni Mam Carmina habang tinitingnan ang sample brochure na ginawa nilang dalawa. "Okay din team up niyo e no? Di ako nagkamali sa pagiisip." Saka naman ito umupo at nagsimula magsulat sa mga post it na nandoon. "I papa approve ko na ito. Great job Julie and Elmo!" "Thank you po mam!" Naliligayahan na sabi ni Julie habang si Elmo ay ngumiti nang malawak. Nauna si Julie lumabas ng kwarto at nakasunod naman si Elmo na sinasara ang pinto. "Kamusta?" Nakangiting bungad sa kanila ni Bea habang nakaupo sa sariling desk. Elmo simply raised his thumb while Julie smiled widely. "Mam Carmina loved it!" "I knew it." Ani pa Bea sa sinabi ni Julie. "Kayo pa. Congrats!" Julie turned to Elmo with a joyous look on her face but the man had already started walking back to their cubicle. Nalilitong napatingin naman si Bea kay Julie Anne pero napakibit balikat lang siya at sumunod na lamang sa lalaki. She sighed and saw that he was already with whatever he was designing. Ngayon kasi na tapos na sila sa project na ito ay balik na sila sa ibang trabaho. Which means they wouldn't be talking to each other that much. Nakaramdam nanaman ng inis si Julie. Napaakarte kasi ng lalaki. Ano nanaman ba pinuputok ng buchi nito e okay naman sila diba? "Elmo ano nanaman ba problema mo?" She asked the man. Lumingon lang sa kanya si Elmo at tiningnan siya na may blangkong ekspresyon sa muhka. "Ha? Anong problema? Walang problema." Oh so he was going to be like that. Wala naman na sa mood si Julie na makipagkompitensya pa sa lalaki. Hindi naman siya tanga. She knew this was all about JR pero wala naman na nnagyari pa nung birthday nung Papa niya eh. Pero hindi na siya mag eeffort diba. Bakit pa? She didn't owe Elmo anything. And why the heck would she be the one to grovel right? Kaya hinayaan na lang niya ang lalaki sa kung ano man ang gusto nito gawin. Nakatulong ang pagtalikod niya dito at ang pagsalpak niya muli bg earphones para lang hindi siya madistract sa presensya nito sa tabi niya. Pero minsan ay pasimple niya itong sinisilip at nagugulat na lang din siya minsan dahil nakikita niya na nakatingin sa kanya ang lalaki. Ang kaso ay ito din namanangunang nag-iiwas ng tingin kapag napapansin na napapalingon siya. Parang gusto na niya hilain ang buhok sa pagkagulo sa lalaki na ito. Ang labo! Wala naman kasi siya ginawa dito pero hindi niya alam kung bakit parang may nana ito sa pwet na hindi mapakali. Akala niya kaya niya tiisin pero nang tumagal pa ang araw at kung kailan malapit na sila umuwi ay siya namang sabog niya. She grabbed her earphones and faced Elmo. "Ano ba Elmo bakit hindi mo ako pinapansin?" Kung anong ikinabahala niya ay siyang ikinalma naman ni Elmo. He turned to her with a blank look on his face. "Wala naman dapat pagusapan ah." Well that hurt. Sabihin man niya o hindi, Elmo was a friend of hers now. Inimbita nga sa birthday ng tatay niya diba? Tapos ganito? "May ginawa ba ako?" Julie asked. Nakita niyang natigilan si Elmo habang nakatingin sa kanya. Marahil ay sa lungkot na ipinapakita ng mga mata niya. Napahilamos sa muhka si Elmo. "Julie don't look at me like that." "E tinatanong ko nga kasi kung may nagawa ba ako." Mahinahon na sagot naman ni Julie. And again Elmo looked at her. Ang tagal nito nag isip bago umiling lang. "Wala okay? We're good. I'm just having an off day." Julie wasn't satisfied with the answer. Hindi naman siya tanga. She knew it was about how JR treated her. But it wasn't that bad. Sanay lang talaga si JR na siya ang nagaalaga dito. But it seemed like she wouldn't be able to let Elmo understand that. Lalo na na parang sarado ang utak ng lalaki sa sinasabi niya. She sighed. He'll get over it eventually. She returned to facing her desk and saw that JR had texted her. From Hon: Hey hon! Dinner tayo mamaya? She smiled softly at that and texted a quick reply. To Hon: Sure hon! What time? Saglit lang at nag reply din naman ito kaagad sa kanya. From Hon: Pagkaout na lang, sunduin kita dyan sa office mo. To Hon: Okay see you! Love you! "Laki ng ngiti o!" Muntik na mabitawan ni Julie Anne ang telepono nang marinig niya ang nagsalita. Nakatayo doon si Maris at nakaantabay sa ginagawa niya. "Yan yung jowa mo? Pakilala mo naman sa amin." "Wag na." Napalingon silang dalawa sa nagsalita at nakita na si Elmo pala ang bumubulong bulong. Pero kunwari ay nakatingin pa rin ito sa computer. Nagugulumihan na tiningnan ni Maris si Julie na umiling lang at binalik ang tingin kay Maris. "Uhm sure! Mamaya susunduin niya ako dito."  "Sakto magdinner tayong lahat!" Ani Maris. At bago pa makasagot si Julie Anne ay umalis na kaagad ang babae.  She was still dumbfounded with the whole situation when Elmo started talking.  "Sasama ba talaga siya?"  "Bakit kasama ka din ba?" Irap ni Julie. "Impakto talaga." "Malamang kasama ako. Mga kaibigan ko yun eh. Impakta din." Sagot naman ni Elmo. "Jejejejejejejejeje." "Jejejejejejejejeje." Irap lang ang sinagot ni Julie at inayos na ang kanyang gamit. Wala siya panahon makipagasaran sa lalaking ito. Pake ba niya kay Elmo. She texted JR and let him know about the dinner. Hindi na niya sinilip pa ulit ang telepono hanggang sa naayos na niya lahat ng kanyang gamit. Umikot siya sa kanyang posisyon at nakita si Elmo na sinusuot din ang sariling bag pack. Sabagay. Kaunti lang naman ang gamit nito kaya mabilis na din naman nakapagayos. Umikot ulit ang mata niya habang si Elmo ay napangisi lang. Magkasunod silang dumeretso sa mga elevator kung saan nandoon na ang buong barkada.  "Bes promise wala munang inuman ngayon, kain lang talaga at mahina ka sa tunggaan." Tawa ni Maqui nang humarap silang lahat sa dalawa.  "Ui makakasama nga pala natin yung jowa ni Julie! Gusto ko na siya makilala." Sabi pa ni Maris na may malaking ngiti sa muhka.  "Ah yung JR?" Singit pa ni James at medyo tumango tango. "He's seems okay."  "Pfft."  Julie glared at Elmo's way who was only looking to the sides.  "Uhm..." Iñigo muttered and looked to all of them. Sino bang hindi makakpansin na medyo awkward ang ere na umiikot. "Ano uhm, tara na ba? O hintayin natin si JR?" "Mauna na ako doon sa restaurant." Sabi ni Elmo at nagsimula maglakad palayo. "Text niyo na lang sa akin yung address."  "Anong meron kay Elmo?" Bea asked. They all looked at each other after that. At si Julie naman ay umirap na lamang bago harapin ulit silang lahat. "Uhm...okay lang hintayin natin dito si JR?"  "Uh sure sure." Nadine replied. "Sa lobby na lang?"  And so they did wait down by the lobby.  Mga ilang minuto lang naman ang lumipas hanggang sa nakita na ni Julie ang pamilyar na pigura ng nobyo na papasok sa loob ng kanilang building.  He smiled at all of them showing his dimples. "Hi hon, sorry I'm late." He said as he kissed Julie's cheek. Saka ito humarap sa barkada na nandoon.  "Ah hon, you've met Iñigo and James, this is Bea, Nadine and Maris." Pakilala pa ni Julie sa mga katrabaho. Si Maqui ay tumango lang naman kay JR. Matagal naman na silang magkakilala. "Hi! Hello! Nice to meet you people!" Nakangiti na sabi ni JR sa kanila. "Finally nakilala ka na namin." Sabi ni Maris sa lalaki. "So ano let's get going na ba?" "Tara, nagugutom na din ako eh." Nakangiti na sabi ni JR sa kanila bago nito hinawakan ang kamay ni Julie Anne. Sa isang malapit na resto bar sila dumeretso para na rin may entertainment habang kumakain. Papasok pa lamang ay nakita na nila si Elmo. Mag-isa itong nakaupo sa may mahabang lamesa. He was talking with a waitress who was obviously flirting with him. He smiled back though and was seemingly asking the waitress some questions before he noticed them. "Ah. Nandito din pala siya." Ani JR kay Julie Anne. Pero masyadong busy si Julie na tingnan ang paguusap ni Elmo at ng malanding waitress. The place was a bit dim and had a smoky atmosphere to it. An acoustic band was already on stage and was serenading them with some songs. "Yo Moe!" Iñigo greeted happily and gave Elmo a one armed hug before sitting down beside the man. "Hey." Bati pabalik ni Elmo at ngumiti sa kanilang lahat. "Moe si JR nga pala." Ani Bea habang umuupo sa isang tabi. "Boyfriend ni Julie." "Yeah we've met." Simpleng sabi ni Elmo. There was that awkward atmosphere again. Ramdam ng lahat iyon but JR brushed it off and smiled at Elmo. "Kamusta pare?" Hindi na sumagot pa si Elmo hanggang sa naupo na silang lahat para makapag order. "So JR matagal na ba kayo ni Jules?" Maris asked as they were in the middle of eating. "Matagal na niya akong crush." Tawa pa ni JR pero mabilis din naman binawi. "Deh biro lang. Ang totoo kasi niyan sobrang nagandahan ako kay Julie nung college kami. Siyempre gwapo ako edi bagay lang kami diba?" Mahinang natawa si Elmo kaya napatingin pa ang mga kasamahan nila dito. "Oh don't mind me." Ani Elmo. "Sige pare tuloy mo lang kwento mo." Unfazed, JR continued telling them about college life. Pangiti ngiti lang si Julie habang nagkkwento ng mga achievement si JR hanggang sa naramdaman niyang tinatawag na siya ng kalikasan. Kaya inexcuse niy ang sarili niya sa mga kaibigan para pumunta sa pinaka banyo ng bar. Ewan ba niya dito kay Elmo kung ano ang problema sa nobyo niya e mabait naman. He was also very friendly to her co-workers so she saw no wrong with JR. Matapos makaihi ay dumeretso na siya pabalik sa lamesa nila. "Hi sexy." Natigilan siya sa nagsalita at napalingon sa nadaanang lamesa. It was a group of guys right about their age. May isang kumindat pa nang mapalingon siya. "Ano sabi mo?" Balik niya dito. Ngumisi ang lalaki habang pinagmamasdan pa siya. "Sabi ko sexy mo..." And then he licked his lips. Umakyat ang init sa ulo ni Julie. "Gago ka di ako pinalaki ng nanay ko para bastusin mo." "Ayaw mo magpabastos e ang ikli ng skirt mo. Kita ko na singit mo o!" Tawa nito bago pa daluhan ng mga kabigan. Mas lalong nag init ang ulo ni Julie at magsasalita pa sana siya nang may humarang na sa harap niya. "Anong nangyayari dito?" It was Elmo. Tumigil sa pagtawa ang mga lalaki at sabay sabay na napatingin kay Elmo. "Aba aba. May jowa pala kasama mga brad. Ganda kasi ng girlfriend mo pare e no." Ngisi ng isa pang lalaki sa lamesa din na iyon. "Aba putang ina--" Susugod na sana si Elmo pero pinigilan ito ni Julie Anne. "Pak, that's enough. They're not worth it." "What's going on?" Napalingon ulit silang dalawa nang makita na nandoon na si JR. "Aba dalawa ang boyfriend pare! Malandi nga!" "Kanina pa kayo ah!" Ani Elmo at gusto na sana sumugod pero nakakapit si Julie dito. Sumimangot naman si JR sa mga lalaki. "Kung ako sa inyo manahimik na kayo. Mga lasing lang kayo." "Sa tiyan linalagay ang alak ah hindi sa utak." Julie said. "Palibhasa mga muhkang bobo at walang pinagaralan!" "Hon wag ka na magsalita. Tara na." JR said and held her hand.  "Aba mayabang tong chika babe na ito ah!" Sabi ng unang lalaki at tumayo na sa lamesa. "Palibhasa dami mo jowa. Pokpok? Patikim din!" JR chose to ignore what was happening and was already pulling Julie away when Elmo snapped and threw a punch right at the guy. SOCK! "Aba gago ka!" Sumugod na rin ang lalaki na nalandingan ng sapak ni Elmo pero mabilis na nakailag ang huli at binanatan pa ulit ito hanggang sa nakahiga na ang lalaki sa may lamesa at sinunod sunod ng suntok ni Elmo. Julie pulled away from JR and quickly aided Elmo. Ang mga kasamahan ng lalaki ay sinusubukan ilayo si Elmo pero tuloy tuloy lang ang pagsapak nito. "Pak enough! Enough!" Julie yelled and held Elmo back who was finally pulled away by JR and the bar's security. "Paalisin niyo yang mga bastos na yan dito!" Elmo yelled. His knuckles were turning red from the guy's beat down but it matched said guy's face. "Mygahd ayos lang ba kayo?" Nadine asked as all of them approached. "Elmo wag ka kasing basgulero." Ani pa JR. "Kalma lang tayo." Sa inis ay parang unakyat lahat ng dugo ni Elmo sa batok habang nakatingin kay JR. "Kalma?! Binabastos girlfriend mo?! Kalma?! Gago ka ba talaga o ano?!" "Ulitin mo sinabi mo." Hamon pa ni JR. Mas matangkad ito ng kaunti kay Elmo pero wala pake ang huli. Hanggang sa humarang na si James at Iñigo sa eksena. "That's enough. Let's all just cool down." Pero si Elmo ang unang umiling. "Uuwi na ako." "Pak wait." Julie called out and Elmo looked back at her. "Dito ka lang Julie." JR said with a firm voice and held Julie back. Elmo glared their direction before finally walking out of there. =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0 AN: Hallo people! Hahaha wala bayag si JR chos hehehe! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD