Kamuntikan na mabagsak ni Julie ang hawak na baso ng tubig nang bigla na lamang sumara ang pintuan sa likod niya.
She stilled when she saw that it was Elmo.
The guy had this smirk on his face as he was looking at her.
No. He wasn't looking at her. He was staring.
Parang bigla siya na conscious. Hindi naman siya nakahubad.
"Elmo..." She whispered.
"It's really you." Sabi ng lalaki nang tumigil na ito sa pagtitig sa kanya.
He was wearing a dark red polo shirt. Puputok na ata ang sleeves sa laki ng braso ng lalaki habang naka-cross arms ito.
"Alam ko iba na itsura ko." Julie said.
Iba din itsura ng lalaki. Puberty literally hit them both hard.
"Oo iba nga." Elmo said. Nakangisi pa rin ito sa kanya. "Mas gumanda ka pa."
Kalma heart kalma.
Nung una ay natulala lamang si Julie. Hanggang sa inismiran niya ang lalaki.
"At ang landi landi mo no. Nginitian ka lang nung babae sa coffee shop kanina nagpasingit ka naman."
Kaagad na natawa si Elmo at linapat ang kamay sa dingding habang nakatingin sa kanya. He smirked.
Tangina ang gwapo.
"Ganun talaga. Sayang naman ang kagwapuhan ko diba? Di na tayo panget ngayon Pak."
"Impakto ka pa rin." Ngisi ulit pabalik ni Julie.
"Ikaw pinakamagandang impakta na nakita ko." Ani Elmo at nakakalokong ngumiti.
Julie rolled her eyes at the man and shook her head. "Gumwapo ka lang lumandi ka na."
And Elmo's eyes twinkled at that. "So aminado ka na gwapo ako?"
So ayun lang talaga ang narinig nito sa sinabi niya? Hindi talaga yung lumandi na part?
"Gwapo ako. Maganda ka. Tara date tayo." He said as he stepped closer.
Bahagyang napahigit ng hinga si Julie nang maramdaman ang dulo ng counter sa likod niya.
"Rason na yon?" She challenged. Siyempre di siya papatalo kahit na pakiramdam niya natutunaw na binti niya dahil sa pagtitig nito.
"Kung hindi yon rason..." Elmo started until his lips were already next to her ear. "Pwede bang rason yung...ikaw nakakuha sa akin?"
Julie slightly pushed the man away who only laughed and continued looking at her. "For your information. Ikaw an nakakuha sa akin."
"It's the same thing." Elmo said, shrugging his shoulders. Saka naman sumeryoso ang muhka nito kaya kinakabahan na tiningnan ni Julie pabalik ang lalaki.
"You left." He said. Natigilan ito na para bang iniisip lahat ng nangyari nung nakaraan. "Kung hindi ko pa maririnig yung halakhak nila Nick."
Julie breathed in. "I-It was a mistake Elmo. Hindi nga tayo ganun na naguusap noon diba? Saka lasing lang tayo."
And after that they really didn't see each other since they went their separate ways and into their respective universities.
Nakita ni Julie na umigting ang panga ni Elmo bago siya nito muling tingnan.
"Hindi tayo lasing non. Alam mo yon." Ani Elmo. "Unang una hindi ako titigasan kung lasing ako."
What a vulgar mouth this guy had.
Pero tameme pa rin si Julie habang nakatayo doon.
"Saka...ginusto ko yun. Ginusto mo yon." He said.
Julie challenged him back with a stare of her own. "Oo ginusto ko yun pero matagal na yon Elmo. Bata pa tayo non."
"I know." Elmo said, sounding lighter again. He smirked at her as he crossed his arms. Napakayabang, gusto lang naman ipakita ang nagpuputukan na braso. "Come on...go on a date with me." Sabi pa nito.
Umangat ang isang kilay ni Julie habang nakatingin sa kanya. "Kakakit mo lang ulit sa akin date na agad ang hangad mo?"
"Hey, you're hot, wala na marami pasikot sikot." Elmo said.
Well then he really was a flirt.
"May boyfriend na ako." Sabi pa ni Julie.
Kumunot ang noo ni Elmo sa sinabi niya pero hindi na niya ito pinasalita pa at mas pinili na lumabas na lamang ng pantry.
Pakiramdam niya ay inuubos ni Elmo ang hanging sa loob. Bakit ba kasi ito sumunod.
Inayos lang niya ang sarili at bumalik sa kanyang cubicle. Wala talaga siyang takas dahil si Elmo pala ang makakasama niya doon.
"Bes tagal ah!" Biglang sabi na Maqui na tila kabuteng bigla na lamang sumulpot sa kung saan. "Tara ipapakilala kita sa team!"
At wala na nagawa si Julie dahil hinila na siya ng kanyang pinakamatalik na kaibigan sa gitna ng parte na iyon ng opisina.
Dahil iba din naman ang presensya ni Maqui, tumingin na din sa direksyon nila ang mga tao na nandoon.
Tinigil ng mga ito lahat ng ginagawa bago nanahimik.
"Hi guys! Gusto ko lang mameet niyo ang best friend ko from college at ang bagong editor natin, si Julie Anne!" Unang pumalakpak si Maqui at tila mga tuta na sumunod ang iba.
"Hi Julie!"
"Hey!"
"Hello!" Sabay sabay ba bati ng mga ito sa kanya.
"Bes ito si James isa din siyang graphic designer."
A young man about their age stepped up and shook hands with Julie Anne.
"Hey Julie. Welcome to the team." May kaunting slang pa ang pananalita ng lalaki at halata naman na may halo ito.
"And this is Nadine. Editor din siya kagaya natin."
Isang babae na maganda at morena ang ipinakilala ni Maqui sa kanya.
"Welcome Julie! Kami bahala sayo." Ani Nadine habang nakikipagkamay sa kanya.
Magsasalita pa sana si Maqui nsng muli ay may sumingit na lalaki sa eksena.
"Hey there!" Nakangiting bati nito. Naalala kaagad ni Julie na ito si Iñigo. Ang kausap kanina ni Maqui bago sila pumasok sa loob ng kwarto ni Mam Carmina. "Iñigo nga pala. Wag ka maniniwala sa pinagsasabi niyan ni Maqui ah."
"Bes siyempre sa akin ka maniniwala diba? At kung ayaw mo ng sakit sa ulo lumayo ka dito kay Iñigo." Maqui said, smirking as she looked at them.
Halos hindi makasalita si Julie dahil sabay sabay na nagsasalita ang mga ito. Pero mas lalo siyang natameme nang makita na nakabalik na si Elmo mula sa pantry.
Tahimik lang silang lahat hanggang sa sumingit si Iñigo.
"Maq bakit si Elmo hindi mo pinapakilala kay Julie Anne?"
Ngayon pa lang alam na ni Julie Anne na magiging problema niya ito si Iñigo.
Magsasalita na sana siya nang nanguna nanaman ang tila Armalite na bibig ni Maqui.
"Edi sinayang ko lang naman laway ko kasi kilala na nga nila isa't isa. Buong pangalan pa nga gamit. May tawagan pa!"
Parang mga bata na sabay sabay pumihit ang ulo ng mga ito paharap sa kanila ni Elmo.
"Mag ex kayo?" Nahihiwagaan na sabi ni Nadine habang nanlalaki ang mga mata at napatakip pa ang kamay sa bibig.
Si James naman ay ngiting ngiti at nattawa tawa pa. "Dude! Really?!"
"Hindi kami mag ex." Mabilis na sabi ni Julie Anne. She looked at Elmo first who had this blank expression on his face. Saka niya muling hinarap ang mga kaibigan. "Magkaklase lang kami nung high school."
"Talaga?" Nakangisi na sabi ni Iñigo.
Julie looked to Elmo as if asking for help. Nung una ay parang ayaw magsalita nito pero di naglaon ay napabuntong hininga na lamang at umayos ng tayo bago tingnan ang mga katrabaho. "What Julie is saying is true. Magkaklase kami kasi nung high school." He smirked then turned to her as if asking if she was content with his answer.
"Ahhh akala ko pa naman." Tawa ni Nadine. "Bagay sana kayo kung di lang playboy ito si Elmo eh."
"Hindi ako playboy ah." Mabilis na sabi ni Elmo.
Pero tinawanan lang ni Maqui ang sinabi nito bago muling nagsalita. "Hindi ka playboy e lahat ata ng babaeng makita mo linalandi mo. Bukod na lang sa amin na mga ka-team mo."
Nakaramdam ng inis si Julie sa narinig. Naalala nanaman kasi niya yung eksena sa coffee shop. Kaya naman pala.
"Anyway highway, tara bes iikot muna kita bago i-orient sa gagawin mo." Hinawakan ni Maqui ang kamay ni Julie at hinila ito palayo ng area na iyon.
Tuloy sila sa paglakad hanggang sa hindi na natiis ni Maqui at nagsalita na din.
"Bes umamin ka kung ano ba talaga kayo ni Elmo?" Biglang sabi na lamang nito.
Kaya naman gulat na gulat na tiningnan ni Julie Anne ang kaibigan. "Ha? Wala nga. Pramis magkaklase lang talaga kami."
Isang kilay ang umangat. "Magkaklase? E bakit may tawagan? Saka bakit parang gusto ka niya papakin habang tintingnan kanina? Mygahd doon ba nanggaling yung Pak? Maharot!"
"O ayan nanaman armalite mo e. Malandi nga! Diba ikaw naman nagsabi din?" Takas pa ni Julie. Wala siya balak ipaalam sa mga katrabaho nila ang nangyari sa kanila ni Elmo. Masyadong magiging komplikado.
Parang napaisip din naman si Maqui sa sinabi niya kaya natigilan din ito. Pero naningkit pa din ang mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nako bes sinasabi ko sayo siguraduhin mo lang talaga. Malandi nga talaga yan si Elmo. Basta ata may boobs papatusin niyan. Ganyan ba talaga yan kahit dati pa?"
Julie didn't need to think on how to answer that question. "Hindi eh. Nerd nga yan kagaya ko nung high school. Kaso yan nung naging gwapo e ginamit na nang tuluyan ang itsura."
"Sinabi mo pa." Natatawa na sabi ni Maqui. "Wala ako alam na naging girlfriend yan. Puro mga date saka fling lang ganun."
"Teka nga bakit ba natin siya pinaguusapan? Diba i-oorient mo pa ako?"
"Ay oo nga tara!"
The whole morning Maqui filled her in on what to do and what the company policies were. An hour before lunch she went back to her cubicle where she could review the company history and know all about the restaurants under them.
She stopped right outside their cubicle.
Malaki kasi iyon at saktong sakto lamang para sa kanila ni Elmo.
Sa may dulong bahagi din sila banda, malapit sa pantry.
She saw her old classmate already working. He was drawing something on his draw pad.
Masyado itong nagcoconcentrate at dahil nakatalikod ay hindi nito alam na nandoon siya at nagmamasid.
She stepped closer, carefult not to make a sound and saw that he was drawing a person.
He was drawing her!
"Hoy!"
Napapitlag si Elmo sa ginagawa at lumingon sa kanya. Nang makita na siya nga iyon ay saka naman ito ngumisi at binitawan ang pen.
"Hi Pak. Ayos ba drawing ko? Sabi nila kapag maganda yung ginuguhit madali lang daw."
Muli nanaman umikot ang mata ni Julie sa sinabi ng lalaki. "Ang landi mong impakto ka."
Imbis na mainis ay mas lalo lamang napangiti si Elmo.
"Ang gwapo ko naman na impakto. Ikaw...maganda ka nga napakasungit naman. Wag ka na don sa boyfriend mo. Sa akin ka na lang."
"Argh!" Inis na sabi ni Julie at umupo na sa may desk niya na katabing katabi lang nang kay Elmo. Isang maliit na divider nga lang ang nasa gitna nila. Naglagay pa ng divider e isang dangkal lang naman ata ang taas.
She opened the company's web page and tried reading it but felt the weight of something.
Nang lumingon siya ay hindi nga siya nagkamali sa naramdaman at nakitang nakatitig si Elmo sa kanya.
He was doing it so casually, his head on top of his palm while he looked at her.
"Ano nanaman?" Inis na sabi niya.
"Wala. Masama bang titigan ka?" Nangaasar pa rin na sabi ni Elmo.
Naningkit ang mata ni Julie habang nakatingin sa lalaki. "Kaya pala ang bigat nung pakiramdam. Kasi diba ganun kapag impakto daw nakatingin sayo."
Dapat matuto na si Julie na siyempre ay hindi magpapatalo si Elmo sa sinasabi niya. "Ganun ba? Titigan mo nga din ako. Para kilabutan din ako ng masarap."
"Elmo!"
And Elmo laughed yet again. "Pak, hindi mo ba naalala yung kiss natin noon? Kasi ako nagiinit talaga kapag naalala eh."
Julie quickly looked around. Mamaya may makarinig sa pinagsasabi ng impakto na ito. "Pak, wag ka maingay. Mamaya may makarinig. Walang dapat makaalam."
Pero nakangisi lang si Elmo sa kanya matapos niya sabihin lahat ng iyon. "Tinawag mo akong Pak."
"Pucha yun lang talaga narinig mo sa lahat ng yon?"
"Oo eh. Ano ba yung iba mo pa sinabi?"
"Argh!"
Tumayo si Julie at akmang maglalakad palayo nang hawakan ni Elmo ang kamay niya.
"Ui Pak, joke la--oi!"
"Elmo!"
Bago pa masalo ni Julie ang sarili ay may iba nang sumalo sa kanya.
She opened her eyes and saw that she was on top of Elmo.
Paano ba naman, nadapa ito sa paa ng swivel chair at dahil nakahawak sa kanya ay nadala pa siya nito pababa.
"Augh..." Elmo groaned from beneath her.
"Elmo! s**t! Okay ka lang?" Julie said and moved on top of him.
Muli ay napaungol ang lalaki kaya nagaalalang tiningnan ni Julie Anne ito.
"Elmo! Anong masakit?"
She looked at him and he had his eyes closed still groaning.
Saka naman ito nagsalita.
"Pak, tangina wag ka gagalaw nadadali mo kasi eh."
Doon lang napagtanto ni Julie ang posisyon nila at napansin na parang may nagsisimulang bumukol sa ilalim niya.
She quickly stood up and frowned at the man.
"Impaktong bastos 'to!"
Tumayo na din si Elmo. "Eh ikaw kasi eh. Gagalaw galaw ka sa ibaba ko..."
"E higit ka kasi ng higit dyan!"
"O wag na pikon." Ani Elmo. His face softened as he looked at her. Shet. Parang iba epekto nung ngiti na iyon. Hindi ito pwede. May boyfruend siya! "Nagbibiro lang ako kanina..."
Saka naman biglang tumunog ang telepono ni Julie.
Nagkatinginan silang dalawa bago sinagot ito ng babae.
"Hello?"
"Mam good morning po. Sa lobby po ito. May Mr. JR Faranilla po dito hanap po kayo."
Julie stilled. Her boyfriend was here. Napalingon siya kay Elmo na nakatingin lang din naman sa kanya.
"Sige po kuya. Bababa na po ako."
She ended the call before turning back to Elmo.
"I have to go."
"Teka--"
"Wag ka susunod! Dyan ka lang." Mabilis na sabi ni Julie. That came out a little harsher than she thought it would.
Nakita niyang natigilan din si Elmo bago ito bahagyang napasimangot at walang sabi sabi na bumalik na lang sa pagupo.
Julie sighed. She wanted to apologize but JR was downstairs. She turned on her heel before walking to the elevators.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Bitin I know ahaha! Maghanda na po tayo sa dalawang ito hehe! Anyways...sorry dapat kagabi pa ito kaso nakatulog ako ahahaha! Hope you liked it! Comment and vote please? Nagsisimula ako magsulat kapag pumatak siya ng certain number of votes hehe! Thank you!
Mwahugz!
-BundokPuno<3