Derederetso ang lakad ni Julie mula sa elevator area hanggang sa pinakalobby ng building.
She stopped mid-way when she saw a familiar face at the lobby. He was looking at the painting displayed around, his hands in his pockets as he did so.
Kinikilig na napangiti si Julie bago mabilis na naglakad papunta sa lalaki. Nakaside view kasi ito at muhkang naka-focus sa tinitingnan.
"Huy!" Bati niya at pinindot ang tagiliran nito.
Napapitlag ang lalaki bago humarap sa kanya at automatic na napangiti.
"Hi hon!" Bati ni JR. Matangkad ito st maputi, talagang gwapo ito sa pagtingin ng iba. Naging Mr. Engineering nga ito eh.
"Hey!" Bati din ni Julie while JR leaned in and kissed her cheek.
"Kamusta ang first day?" JR asked.
Julie smiled as they stood to the side. "Okay naman. Mababait katrabaho ko. Pero wala pa kami masyado ginagawa."
"Ah ganun talaga. Doon sa amin ang busy eh." Pagmamalaki ng lalaki. "Ano tara? Lunch tayo? Marami kainan dito diba?"
Sa isang floor kasi ng building nila ay talagang may food court para sa mga empleyado.
"Sure tara." Ngiti ni Julie. JR took her hand in his before they headed to the elevators right to the 7th floor where the food court was.
Sakto kasi na lunch time kaya naman halos lahat ng tao ay nandoon ngayon. Pero hindi naman ganon ka crowded dahil marami pa rin naman talaga ang mga stall na nagbebenta.
"Saan mo gusto?" JR asked her.
She was just about to answer when she heard someone calling from the far side of the food court.
"Hey Jules!"
She lifted her head up and saw Iñigo waving at her. Nasa isang booth ito sa pinaka gitna ng court.
Julie stopped when she saw that he was with Elmo and James.
Hindi niya tuloy sigurado kung dederetso ba sila ni JR o ano. Pero bakit naman hindi diba? Wala naman issue kung makilala ng mga katrabaho niya ang kasintahan niya.
"Hon ayun yung mga katrabaho ko. Let's sit with them."
Nakita niyang bahagyang natigilan si JR pero tumango naman at mahinang ngumiti. "Ah sige tara."
Magkahawak kamay silang dumeretso sa kung saan nakaupo ang tatlong lalaki.
James, Elmo and Iñigo were seated side by side in that exact order.
"Hey." Bati ni James ng dahan dahan hanggang sa nakatayo na sa harap nila si Julie at JR.
"Hi guys." Nakangiti na sabi ni Julie. Iniwasan niya tumingin kay Elmo lalo na at parang sisindakin nito sa tingin si JR.
"Boyfriend mo?" Nakangisi na sabi ni Iñigo.
Pumitlag si Julie at kaagad na pinakilala si JR. "Oh. Uhm guys si JR, boyfriend ko. Hon, si James, Iñigo and Elmo."
"Hi pare." James greeted.
"Mag lunch na din kayo?" Iñigo asked.
"Ah oo tapos balik na rin si JR sa work." She answered.
"Moe pare bakit ang tahimik mo?" Biglang sabi ni Iñigo.
Saka naman sila napatingin kay Elmo na tahimik lang kumakain ng fries. "Wala naman." Sagot nito bago tinuon lang ang pansin sa kinakain.
Nagkatinginan si Iñigo at James habang si Julie ay nananahimik lang pati na rin si JR.
Parehong hindi makagalaw si James at si Iñigo dahil hindi rin naman alam kung ano ba ang nangyayari. Saka naman hinarap na lang ulit ni Julie si JR.
"Ah tara hon kain na tayo." Then she faced her co-workers. "Ah. Maya na lang guys."
"Later!" Iñigo waved good bye.
Muling tiningnan ni Julie si Elmo at nakitang tintingnan din siya nito. Pero nang makita na binabalik nga niya ang tingin ay ito ang unang nag-iwas at patay malisya na tinuloy ang pagkain.
"Parang ang sungit nung isa?" Natatawa na sabi ni JR habang umuupo sa isang booth. "Yung Elmo ba yun? Di bagay sa pangalan niya."
Pasimpleng liningon ni Julie ang mga katrabaho. Nakita niyang nananahimik pa rin si Elmo habang si James at Iñigo ay patuloy na naguusap.
"Uhm...ewan ko doon." Tanging nasabi na lang niya.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Julie bid JR good bye as they finished with lunch. Hindi na niya hinatid ito sa lobby at dumeretso na lamang pabalik sa 30th floor kung nasaan ang office nila.
Dumerederetso siya papunta sa cubicle kung saan nakita niyang may ginuguhit si ulit si Elmo.
Tumayo siya sa likuran nito at muhkang napansin naman nito ang anino niya kaya napalingon.
"What is your problem?" She asked.
Elmo looked back at her but then returned to what he was doing. "What are you talking about?"
"With JR?" She pried. "You were rude to him."
Sa pagkakataon na ito ay binaba na ni Elmo ang gamit na pen at saka siya hinarap. "Hindi ko nga kinausap eh."
"That's the point. Pinakilala kita and you didn't even acknowledge him."
"Bakit kailangan ba? Sino ba siya?" Sagot ni Elmo bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.
Nanggagalaiti na napapikit na lamang si Julie bago umupo sa katabing desk. Asar talaga siya sa lalaki na ito.
Tinuloy na lamang niya ang pagbabasa tungkol sa kompanya nang marinig niya ang isang katok sa gilid.
Sabay sila ni Elmo na napalingon at nakitang si Nadine pala ito.
"Hey guys, uhm pinapatawag kayo ni Mam Carmina saglit."
"Both of us?" Nagtatakang tanong ni Elmo.
At tango lang naman ang sagot ni Nadine bago ito naglakad na palayo.
Sabay na nagkatinginan si Julie at Elmo na parehong napasimangot.
Kaagad na tumayo si Julie at nakasunod naman si Elmo. Siya na ang kumatok sa pintuan ni Carmina.
"Pasok..."
The door clicked open just as Julie pushed.
Umangat ang ulo ni Carmina mula sa pagkakabasa sa computer. There was a ready smile on her face as she looked at them. "Ah ayan Julie, Elmo, pasok kayang dalawa."
The two took their seats in front of Carmina who immediately discussed what she needed from them.
"Bale pinatawag ko kayong dalawa dito dahil may bago akong project na prinopose. Approval na lang naman ni sir Joey ang kailangan natin bago ito maideretso pero formality na lang iyon."
She looked at them and smiled.
"Anyways, balak kasi namin gumawa ng brochures na magiging give away sa mga diners sa restaurant. Magiging small info lang ito tungkol sa Just Eats, dagdag advertising na din talaga."
Tahimik lang pareho si Julie at Elmo na pasimpleng tumitignin din sa isa't isa hanggang sa dineretso na ni Carmina ang gusto sabihin. "Anyways Julie I want you to write the first article and Elmo ikaw ang mag dedesign so it's a team effort for the both of you."
Gulat pa rin si Julie dahil unang araw niya ay may assignment kaagad na ganito pero excited din siya. Kung hindi lang sana si Elmo ang magiging katambal niya.
Irita pa rin kasi siya sa lalaki.
"Count on us mam." Ani Elmo at tumayo na.
"Great!" Carmina said. "I'll email you both the details."
Sabay na silang dalawa bumalik sa kanilang cubicle.
"Ako na bahala sa designs. Sa susunod na tayo mag brain storm." Sabi sa kanya ni Elmo at naupo na ito bago bumalik sa ginuguhit.
"May problema ba tayo?" Biglang sabi ni Julie kaya napatingin sa kanya ang lalaki.
"Problema? What are you talking about?"
"Elmo kanina linalandi landi mo ako tapos ngayon nanahimik ka dyan."
Elmo smirked as he looked at her while he played with his lips. "Bakit, gusto mo ba landiin ulit kita?"
"Ang kulit mo." Julie said as she placed her hands on her waist. "May boyfriend na nga ako. Nakilala mo na nga diba?"
Nawala ang ngisi sa muhka ni Elmo at napalitan ng ismid. "Mas gwapo naman ako don."
"O edi ikaw na gwapo, pake ko." Julie replied. Saka siya umupo ulit sa sariling upuan.
For the next few minutes they both stayed quiet. Hanggang sa nagsalita ulit si Elmo.
"Saan mo nakilala boyfriend mo?"
Julie raised an eyebrow as she looked at the man. "Nung college...bakit?"
"No reason." Elmo shrugged. "Curious lang...gano katagal na kayo?"
Hindi kaagad nakasagot si Julie dahil naweweirduhan siya sa lalaki. Pero maya maya lang ay nagsalita din naman ulit. "Malapit na nag one year."
"Oh. Congrats." Tila nangaasar na sabi ni Elmo.
Mas lalo lang naiinis si Julie pero hinayaan na lang niya ang lalaki dahil wala naman siyang panahon makipagasaran dito.
Hindi niya kasi malaman kung ano ba problema nito sa boyfriend niya eh.
The rest of the afternoon was quiet for the both of them. May ibang trabaho kasi na inaasikaso si Elmo at siya naman ay patuloy pa rin sa pag review sa kompanya.
Nag email na din si Carmina ng detalye para sa binigay nitong project sa kanila.
"Hi Elmo."
Bahagyang napalingon si Julie sa boses at nakitang may babaeng dumaan sa likuran nila.
Umikot din si Elmo sa inuupuan na swivel chair at ngumiti dito. "Hi Tess." He greeted back.
At kinikilig naman na pumasok sa loob ng pantry ang babaeng tinawag nitong Tess.
Hindi natiis ni Julie na tingnan ang lalaki. "Iba..." She chuckled.
"Bakit?" Ani Elmo.
Julie merely shrugged in reply. "Uhm. Wala naman. Talagang napaka friendly mo lang e no? So tama nga sinasabi nila Maq?"
"Bakit? Ano ba sinasabi nila?" Hamon pa ni Elmo habang nakakalokong nakatingin sa kanya.
"Na flirt ka daw talaga."
"Nag hi lang ako flirt na kaagad?"
"Hey buhay mo yan. Kung gusto mo maglandi edi go. Wala naman ako pake." Julie said as she rolled her eyes.
"Selos ka?" Nangaasar na sabi ni Elmo sa kanya.
Ito nanaman sila. Julie sighed as she looked at him. "Kulit mo eh no?"
And then she saw him smiling softly at her.
"Pak..." Simula ng lalaki habang nakatingala sa kisame na para bang iniisip nito ang sasabihin. "Sige sabihin ns natin malandi ako...pero itong paglalandi ko sayo...galing ito sa panahon na iniisip ko, ano kaya kung hindi ka tumakbo noon?"
Napasinghap si Julie sa sinabi nito at sakto naman ay lumingon din ang lalaki sa kanya.
They looked at each other, a certain buzz in the air lingering as they did.
"Kung di ka kaya umalis noon Pak, ano kaya nangyari?"
"I-It was a mistake Elmo..." Julie whispered as she looked away. Ito nanaman kasi at tutunawin nanaman siya ni Elmo sa tingin eh.
"It felt right at that time though." Sabi ni Elmo habang nakatingin sa kanya. He smiled and shrugged. "Oh well...di natin malalaman kasi...may boyfriend ka na nga." Tila nangaasar ulit na sabi nito.
Saka naman ito tumayo mula sa kinauupuan.
Pinanuod ni Julie na pumunta ito sa loob ng pantry.
Grabe, at talagang sinundan pa sa loob si Tess.
Bakit ka ba naasar Julie, pake mo ba.
Minsan talaga, yung maliit na boses sa likuran ng utak natin? Nakakainis talaga yun eh.
She sighed as she massaged her temples while staring at the computer. Sa trabaho na nga lang siya mag coconcentrate.
"Ihihihi loko ka talaga Elmo...sige na sama ka na kasi mamaya."
Lintik na. Hindi ba pwede bawasan man lang ang volume ng boses kung maglalandian?
Sa inis niya ay binunot ni Julie ang ear pods sa loob ng dalang bag at nakinig na lamang ng music sa kanyang telepono.
Ayan at least hindi na niya maririnig pa kung ano mang landian ang nagaganap.
Lintik na Elmo yon. Matapos siya ang landi-landiin...
O teka Julie diba wala ka nga dapat pakielam? Bakit ka ba affected?
She just sighed. Medyo nandon pa rin siguro ang shock sa muling pagkikita nila ni Elmo.
He was the one who took her virginity after all.
She breathed in as she looked at the computer. Nang makapag focus na ulit ay nagsimula magtrabaho.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtipa sa keyboard nang maramdaman na parang may sumisipa sa bandang baba ng swivel chair niya.
Mabilis siyang napaikot sa gulat.
"Pak!"
"Oh s**t ang init!"
Nanlalaki ang mga mata na napatayo si Julie. Kailan ba siya hindi magiging clumsy?!
"s**t sorry sorry!" Julie panicked.
Mabilis na binaba ni Elmo ang hawak na dalawang tasa ng kape. Actually tasa na lang sila dahil ang kape ay natapon sa damit ni Elmo.
"Sorry Pak sorry talaga!" Nagpapanic na sabi ni Julie at sinusubukan punasan ang damit ni Elmo ng tissue pero pinigilan siya ng lalaki.
"No Pak it's okay." Sabi ni Elmo.
At sa gulat ni Julie ay bigla na lamang nito hinubad ang suot na polo shirt.
Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa matipuno nitong katawan.
"That was hot though." Elmo chuckled as he hang his shirt on the back of his chair.
Namumula ang dibdib nito ngayon dahil sa init ng kape.
Pero ito si Julie at parang timang na nakatingin sa katawan ni Elmo. Paano ba naman...nakita naman na niya ang katawan nito dati pero bata pa sila noon.
Ngayon...well...maglalaway talaga ang mga babae. At kaunti na lang isa na siya sa mga babae na iyon.
"Your chest is red." Wala sa sarili na sabi niya at mas lalong wala sa sarili na linapat ang kamay sa dibdib ni Elmo.
"Pak..." Elmo muttered, his voice low as he looked at her.
"Elmo sama ka ba mama--whoa! Oh! Oh s**t wala ako nakita wala ako nakita pramis!"
Huli na para mapigilan nila si Iñigo na bigla bigla na lamang sumulpot pero naglakad palayo habang nakatakip ang mata.
Mabilis na inalis ni Julie ang kamay sa dibdib ni Elmo. Kung namumula ang dibdib ng lalaki pwes namumula din ang pisngi niya.
"T-teka may panyo ako dito." At mabilis siyang gumalaw para kunin ang panyo. Saka naman siya dumeretso sa pantry at binabad ito sa tubig.
Pagbalik niya ay tahimik lang na nakaupo si Elmo. Wala pa rin ito pantaas.
She placed the handkerchief on his chest, her hand on top as she looked back at him.
Both if their eyes were heady as they looked at each other.
Nagulat na lang siya nang hawakan ni Elmo ang kamay niyang nakalapat sa dibdib nito.
"P-Pak." She muttered.
"Pak kung ako sayo umalis ka muna kasi di ko mapapangako na hindi kita hahalikan..." He whispered.
Natigilan si Julie. Bakit parang...ayaw niya umalis. Napasinghap siya nang dahan dahan tumungo si Elmo pero nasalo niya ang sarili at kaagad na tumayo.
She sputtered as she looked at him. "U-uhm...keep that hanky on your chest for a few more minutes."
He was only looking at her so she quickly turned around and walked further up the office area. Kailangan niyang maghilamos. Ang init ng muhka niya.
Nasa may bandang gitna na siya ng opisina nang makita si Iñigo.
Ngumiti lang ang lalaki sa kanya kaya siya naman ay mabilis na lumabas pa deretso sa comfort room.
Muntik na!
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Hallo peeps! Sorry ngayon lang ulit nakapagupdate! Ang saya kasi magpalab pagkatapos ng undas ahahaha! Thank you for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3