Julie splashed some water across her face before she looked at herself in the mirror. Jusko ano ba itong ginagawa niya. Kamuntikan na. Kamuntikan na talaga. Siguro isang segundo na lang ang lumipas at malamang ay pinatos na niya si Elmo at baka pinatungan ito o kung ano man!
"Get a grip Jules, get a grip." She told herself as she kept looking at her reflection in the mirror.
Huminga siya ng malalim bago nagdesisyun na bumalik na sa may opisina.
Pagkapasok pa lang niya ay bumungad si Iñigo na nakangisi sa kanya. Sa may bandang harapan kasi ang cubicle nito.
"It's not what you're thinking." Kaagad na sabi niya kaya naman napangisi sa kanya ang lalaki.
"Bakit? Wala naman ako sinasabi ah? Pero iba naman talaga kamandag ng tropa ko na yon kaya wag ka magala--"
"Wala nga kasi." Kaagad na sabi ni Julie. "Natapon lang yung kape sa kanya kaya napaso dibdib niya okay? I-I was just helping."
"Okay." Simpleng sabi ni Iñigo habang nakangisi.
Naningkit ang mata ni Julie habang nakatingin sa lalaki. Sabi na nga ba niya mahihirapan siya dito eh.
Dumeretso na lang siya papunta sa cubicle nila ni Elmo at nakitang nakasuot na ng hoodie ang lalaki habang linilinis ang natapon na kape.
"Okay ka na?" She asked him.
Elmo looked up at her voice and smiled softly. "Yeah all good."
"Yung dibdib mo...?"
Elmo playfully smirked at her. "Gusto mo ulit makita?" At saka umaktong huhubarin ang suot.
"N-No!" Kaagad na sabi ni Julie Anne.
Dito na napatawa si Elmo at binaba ang mga kamay na handa na sana hubarin ang suot na asul na hoodie.
"Just joking." At saka ito umupo na ulit.
Julie shook her head as she also sat down.
"Labhan ko na lang damit mo." She told him.
Kumunot ang noo ni Elmo habang nakatingin sa kanya. "What? Okay lang yun. It's just a stain."
"Sure ka?"
Elmo smiled again.
Kaunti na lang ay malulusaw na si Julie sa pagngiti nito eh.
"Gusto mo lang ba makuha damit ko? Ako na lang kunin mo." Ani pa Elmo.
Napailing na lang si Julie at tinuon na lamang ang pansin sa ginagawa. Delikado ito. Hindi ba pwedeng sa iba na lang siyang cubicle?
Paano naman kasi siya iiwas diba kung nandyan lang sa tabi niya?
Nakita niyang magsasalita sana ito kaya mabilis siyang napatayo at nagmamadaling lumakad palayo.
Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya namalayan na may makakabangga na pala siya.
"Oi!"
"Oh I'm so sorry!" Ani Julie nang maramdaman ang nabangga. She looked up and saw that it was a girl right about her age.
"Okay ka lang?" Tanong pa nito sa kanya.
Pero bago pa makasagot si Julie ay may sumilip na ulo mula sa isang gilid.
"Oh! Hey Jules! I see you've met Maris!"
Hindi pa rin umiimik si Julie Anne nang tumayo na mula sa si Iñigo at linapitan silang dalawa.
"Maris, si Julie bagong editor dito. Julie si Maris, she's in charge of our website." Ani pa Iñigo habang iniikot ang isang braso sa balikat ni Maris.
"O bakit may pagakbay?" Natatawa na sabi ni Maris at pasimpleng tinanggal na ang braso ni Iñigo.
"Aww you're breaking my heart Mamameh." Ani pa Iñigo pero nakangisi pa rin.
Maris simply shook her head before turning to Julie yet again. "Sorry di rin kasi ako nakatingin. Okay ka lang?"
"Oo okay lang naman." Julie smiled. "Sorry din. Nagmamadali kasi ako."
"Bakit saan ka ba pupunta?" Iñigo asked.
"Pak!"
Julie stilled when she heard the voice calling. Kaagad siyang nagpaalam sa dalawang nasa harap niya.
"Sige una na ako." Nagmamadali siyang dumeretso sa banyo at naupo sa nakatakip na inodoro.
Bumubuntong hininga siyang napatakip sa muhka.
She gave herself a pep talk as she sat there.
Nabibigla ka lang Julie. Siyempre makita mo ba naman ulit ang lalaking nakakuha sa virginity mo diba? Tapos linalandi landi ka pa. Hay nako how to win diba?
"Kaya mo ito Julie." She whispered to herself. Napatingin siya sa oras. Mabuti na lamang at kakaunti na lang ay pauwi na sila.
Lumabas na siya mula sa stall at muntik na mapasigaw nang makita ang pigura na nakatayo sa may mga lababo.
"Maq naman!" Julie yelled.
But Maqui wasn't fazed and was just simply looking at her nails.
"Umihi ka ba talaga? Bakit wala ako naririnig na patak?" Tila nangaakusa na tanong ni Maqui.
"Yung totoo binantayan mo pag-ihi ko?" Tanong ni Julie habang nakapatong ang kamay sa bewang.
"Alam ko maliit bewang mo magtigil ka dyan." Sabi ni Maqui. Saka naningkit ang mga mata nito. "E nakakahalata na kasi ako. Akala mo lang hindi ko nakikita pero shunga ka maliliit lang naman ang cubicle dito. So ano yung nakita kong pagtakas mo kanina kay Elmo?"
Natigilan si Julie. s**t nakita ba ni Maqui ang nangyari kanina? "Y-yun lang nakita mo?" Yari na. Baka pareho sila nang nakita ni Iñigo.
At kung my isisingkit pa ang mata ni Maqui, nangyari na. "Bakit...may dapat ba ako nakita?"
"Ha? Wala. Ano ba pinagsasabi mo dyan." Sabi ni Julie Anne habang nag huhugas ng kamay.
"Ay nako Julie Anne Peñaflorida San Jose sinasabi ko talaga sayo ah."
"Wala nga." Sagot pa ulit ni Julie at hinarap na si Maqui. She thought for a bit and finally spoke up. "Ang landi lang kasi talaga ni Elmo...e nakita na nga si JR."
"Ay talaga? Nagkita na sila? At hindi ka tinigilan ni Elmo?" Tila nahihiwagaan na sabi ni Maqui.
Julie raised an eyebrow as she looked at her best friend. "Bakit, anong meron?"
"Eh hindi naman kasi ganun si Elmo." Maqui replied, still with a thoughtful look on her face. "I mean, malandi siya pero hindi siya nanunulot ah."
Sa sinabi ni Maqui ay napaisip nanaman si Julie Anne. "So bakit siya ganun? Hay nako ayaw ko na isipin."
"Ganda mo kasi eh no." Maqui teased.
Julie smirked. Well, nung high school, nung mga panahon na hindi pa siya maganda, Elmo still saw her.
Sabay na sila ni Maqui na lumabas ng banyo. Pauwi na din naman ang mga tao dahil alas singko na ng hapon. Ang iba na nagpapaiwan ay hindi pa rin nakakaalis sa harap ng computer.
Ayaw pa ni Julie bumalik sa cubicle niya dahil nandon nga si Elmo. Pero nandon kasi ang gamit niya so ano pa choice niya diba?
"Bes sasama ka sa amin sa Margin ah." Sabi ni Maqui sa kanya. "Ipapaalam kita kayla Tita."
"Pero Maq..."
"It's your first day! Kailangan mag celebrate!"
"But we have office again tomorrow." Julie said.
"Kaya mo yan!" Maqui cheered her. "Basta mamaya ah. Aabangan kita sa lobby kung tatakas ka man." At iniwan na siya nito para pumunta sa sariling cubicle.
Muling bumuntong hininga si Julie Anne at naghanda para makita ulit si Elmo.
Aminado naman kasi siya. Aminado siyang nadadala siya sa kalandian ni Elmo.
But she wasn't a cheater. She wouldn't cheat on JR. She loved her boyfriend.
Nakita niyang seryoso na nagt-type ito sa computer bago tumigil. Malamang ay naramdaman nitong nandun siya dahil napalingon ito.
May nakahandang ngiti sa muhka ng lalaki pero kaagad kinuha ni Julie ang kanyang bag at nagmamadali na pinatay ang kanyang computer.
Magsasalita pa sana si Elmo pero inunahan siya ni Julie.
"Uhm. Bye Elmo. See you tomorrow." She said before she quickly grabbed her things and walked away.
"Teka teka!" Habol ni Elmo hanggang sa naramdaman ni Julie na nakahawak na ito sa kanyang braso.
Hinarap niya ang lalaki at hiniling sa sarili na hindi na lang ganun ang kanyang ginawa. Paano ba naman sobrang lapit ng muhka nila sa isa't isa.
They were both breathing hard as they faced each other. Nakatingala si Julie sa lalaki habang kunot noo itong nakatingin din sa kanya.
"What's wrong. Iniiwasan mo ba ako?"
"Ha?" Maang maangan na sabi ni Julie. "Ano ba pinagsasabi mo dyan? Uuwi lang ako."
"You're avoiding me." Pilit pa ni Elmo.
Sinubukan ni Julie umalis pero hinaharangan ni Elmo ang daanan niya. Nandoon pa man din sila sa kanilang cubicle kaya sila lang ang tao doon.
"Bakit ba ayaw mo maniwala na uuwi lang ako? Hindi kita iniiwasan."
"E bakit ka tumakas kanina?" Elmo asked as he looked at her. "May ginawa ba ako?"
Pinilit iiwas ni Julie ang pagtingin sa kanya ng lalaki. She sighed as she looked at him. "Just stop...I mean please Elmo, tama na ang landi. May boyfriend na ako pakirespeto iyon."
Elmo scoffed as he looked at her. "Bakit, sigurado ka na ba talaga sa boyfriend mo na yan? Muhkang mayabang."
"You don't even know him." Naasar na sabi ni Julie. "At pwede ba. Hindi lahat ng babae mapapasayo okay? You may be charming to others pero ako hindi mo makukuha."
"Sa pagkakaalam ko Pak, matagal na kita nakuha."
Pak!
Huminga ng malalim si Julie habang bahagyang napatagilid ang muhka ni Elmo sa lakas ng sampal niya dito.
Fuming, she grabbed her bag and started for the elevators.
Nakababa na siya at lahat nang bumungad sa kanya si Maqui kasama si Nadine, Maris at si Bea.
Bago pa siya makasalita ay inunahan na siya ng pinakamatalik na kaibigan.
"Akala mo makakatakas ka ah." Tawa pa ni Maqui sa kanya.
And so she found herself heading for a nearby club. According kayla Maqui hindi naman daw sila magpapakalasing. Kakain at iinom lang naman.
Since may tiwala naman siya sa kaibigan ay sumunod na lang din siya dito.
"Juled ganito na ba si Maqui kahit dati pa?" Natatawa na tanong sa kanya ni Bea habang nakaikot na sila sa booth.
Pinanliitan ng mata ni Maqui si Bea. "Ano ibig sabihin niyan Binene."
At natatawang umiling lang din naman si Bea.
Dito napili ni Maris na sundan ang sinasabi ni Bea. "Sinisgurado lang kay Julie kung dati ka pang baliw."
"Muhka naman." Tawa pa ni Nadine habang napapailing.
"Grabe talaga kayo sa akin." Ani pa Maqui. "Order na lang tayo ng isa pang round."
Nagtawag si Maqui ng waiter habang si Julie ay naplinga linga sa paligid. Maingay ang bar at medyo mainit sa pakiramdam kahit na aircon dahil lang din sa sobrang rami ng tao sa paligid.
Napalinga linga lang siya hanggang sa may nahagip ang kanyang mata sa bandang pinakabar ng club na iyon.
Naningkit ang kanyang mga mata nang makita na si Elmo ito. And he wasn't alone.
He was sitting while chatting with some girl. Sobrang lapit ng muhka nito sa isa't isa.
Nakaramdam nanaman siya ng inis.
Inis dahil may katotohanan na ang dati niyang nerd na kaklase ay playboy na ngayon.
Pero hindi na siya magpapaapekto. He can do whatever he wants to do right?
"Ui easy lang Julie!" Gulat na sabi ni Maris nang bigla niyang lantakan ang isang shot.
The alcohol drew its path down her throat but she didn't really care.
"Teka diba si Elmo yon?"
Ah. So hindi lang pala siya ang nakakita. Pati pala si Maqui.
Nakita niyang sumilip silip na din ang mga kaibigan niya sa pwesto kung nasaan si Elmo.
Kausap pa rin nito ang kasamang babae kaya mas lalong nainis si Julie tumingin.
"Ladie's man talaga." Napapailing na sabi ni Nadine.
"Wala eh. Alam niyang gwapo siya eh." Maqui smirked as she drank from her beer.
"Teka akala ko ba susunod dito yung mga lalaki?" Biglang singit ni Maris.
"Whoo miss mo lang si Iñigo eh." Tawa pa ni Bea.
"Oi hindi ah. Kaibigan ko lang yun." Kaagad na deny ni Maris pero sumagot din naman si Maqui sa sinasabi niya.
"Hindi kaibigan tingin non sayo no."
Magsasalita pa sana sila nang magulat sila at lumapit sa kanila si Elmo.
"Hi ladies." Sabi ng lalaki at ngumiti. Bumaling ang tingin nito kay Julie at ngumisi. "Pwede ba makijoin?"
"Don't you have a lady friend to converse with?" Nagulat din si Julie sa sinabi. She didn't mean to say it out loud pero ano pa nga ba magagawa niya nasabi na niya eh.
"Selos ka Pak?" Elmo said. Pero hindi rin naman nito pinasagot ni Julie dahil kaagad na nagsalita muli pagkainom sa hawak na baso ng alak. "Early call time daw siya bukas so hindi pwede."
"Hmp." Julie muttered.
Their small banter didn't escape the other girls. Nagkakatinginan nga ang mga ito na para bang enjoy na enjoy sa nangyayari.
"Girls, medyo napapagod na din ako eh. Una na lang ako." Sabi pa ni Julie at tatayo na sana pero si Elmo ang nanguna.
"Oh hey. Don't leave on my account. Sige ako na lang ang aalis." His eyes were hazy as he looked at them all but then back to Julie. Nakatayo na ito at ininuman muli ang baso bago dahan dahan na yumuko at bumulong sa bandang tainga ni Julie Anne. His hot breath fanned against her ear.
"Fine Pak, if this is how you want it. Wag mo na lang ako kakausapin kung hindi din tungkol sa trabaho."
He pulled up into a standing position and looked at them all before bidding them good bye then heading straight out.
Natahimik lahat ng babae hanggang sa nagsalita na si Maqui.
"Pucha bes, yung bulong ni Elmo sa tainga mo parang akala mo bubuntisin ka!"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Aww hindi na magpapansinan ang mag Pak hahaha! Ano na kaya mangyayari sa project nilang dalawa hehehe! Maghanda sa susunod na kabanata dahil...may bibisita hehe charot! Sana ganahan ako para meron ulit bukath!
Mwahugz!
-BundokPuno<3