Chapter 5

2055 Words
Nagpagulong gulong sa kama si Julie habang sinusubukan matulog. Dapat nga antukin siya dahil nakainom pero parang minumulto siya ng mga kaganapan. Unang araw niya sa trabaho. And she really had to deal with Elmo? She wasn't ready. At hindi siya ready na lalandiin siya ng lalaki. Aminado siyang nadadala siya. Kahit na may boy friend siya. Kasalana ito. Paulit ulit niyang pinapaalala sa sarili.  She closed her eyes again as she hugged her pillow close and turned to the side.  Napalingon siya sa bed side table niya at nakitang alas dos na nang madaling araw. Kailangan na niya matulog dahil papasok pa ulit siya kinabukasan. Mabuti na lang at napigilan niya ang mga katrabaho na hamunin ang kapangyarihan ng alak at napagdesiyunan namang umuwi nang mga las nuebe ng gabi.  Pumikit siyang muli para makatulog na pero muhka nanaman ni Elmo ang nakita niya. Muli siyang umikot at napatingin sa kisame.  Binabalik siya ng alaaala sa nakaraan...nung 16 pa lamang sila. Umakyat ang kilabot sa katawan niya nang maalala ang mga haplos ng lalaki sa kanya. They were both inexperienced that time but it didn't matter. She was sure they both felt things that at that time they hadn't felt before. Linayasan niya nun si Elmo dahil hindi naman tama ang ginawa nila. Besides, it was just one of those games for the party. Hindi na rin naman sila magkikita pa dapat. Kaya hindi niya talaga expect na makasama ito sa trabaho. At hindi niya expect na ganun ang magiging pakitungo ng lalaki. Malandi lang talaga siguro at siyempre dahil may past din naman sila ay hindi ito nagalinlangan na patulan ang tadhana. Hindi niya alam kung paano siya nakatulog sa mga iniisip pero sa wakas ay nagpahinga na din ang utak niya. Ang pesteng alarm lang naman niya ang sumira sa mahimbing niyang tulog. Ganito talaga kapag adult na, paalala niya sa sarili. She stood up from bed and quickly went out to the kitchen. Siya ang unang gising sa buong bahay. Malamang mahimbing pa ang tulog ng mga magulang pati na ang kasambahay nila. Nagpainit na siya ng tubig at naglabas ng mga kagamitan para makapagluto para sa kanila. Hindi siya ganun kagaling magluto pero marunong naman siya. Longganisa at itlog lang naman ang hinanda niya para sa buong pamamahay na rin. Nang mainit ang tubig ay pinagtimpla niya ang sarili ng kape. "Aga mo magising ah." She looked at the voice and saw that it was her mother. "Hi ma." Lumapit ang nanay niya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. "Kulang ka nanaman sa tulog. Tapos ka na mag-aral anak." Sabi ni Myrna habang pinagmamasdan ang muhka ni Julie Anne. Sigurado si Julie na halata nanaman kasi ang kanyang mga eyebags pero wala na siya magagawa pa. "Kailan ba namin makikilala si JR?" Muntik na mabuga ni Julie Anne ang iniinom na kape. Ito namang nanay niya bigla bigla na lang nagtatanong. She didn't know what to say. Naik-kwento niya lang ang kasintahan sa magulang niya. Inabot ng ilang buwan na opisyal sila ni JR bago niya maikwento ito sa magulang. "I'll ask him." "Bawas pogi points na kaagad siya sa akin." Himutok pa ni Myrna. Julie sighed as she held her mom's hand. "Ma, malapit na kayo magkakilala. Wala lang talagang time kasi para makapagusap kayo." "Ano ba kasi kailangan niya itago e pareho naman kayong may trabaho na." Myrna said. "Malapit na talaga Ma. Promise." Julie said as she fixed the food on the serving plates in their house. Tahimik naman na umiinom ng kape ang mom niya nang magtanong ulit ito. "Kamusta nga pala sa first day of work? Unang araw pa lang gabi ka na umuwi eh." Myrna said with a slight chuckle. "Nagkayayaan lang kami nila Maq." "Si Maqui miss ko na. Gusto ko na rin makita siya ulit." Julie smiled as she shook her head. "Gusto din non dito. Sarap na sarap sa pagkain ni manang yun eh." "So pero kamusta nga ulit ang work?" Natigilan si Julie Anne dahil naalala nanaman niya si Elmo. "Okay lang." Pero hindi yon ang nararamdaman niya habang papuntang trabaho. Para siyang kinakabahan na hindi malaman habang papasok sa building ng kompanya. She tussled her hair and fixed ber glasses on the bridge of her nose. Hindi gagana ang contacts dahil puyat siya kinagabihan. Sobrang aga pala niya. Siya ata ang una sa opisina. Malamang sa malamang ay mga lasing pa ang iba sa kanila. She situated herself in front of the computer before placing her bag on the hook under her desk. She immediately got to her work but stopped when she heard someone behind. Dahan dahan siyang napalingon. Nakita niyang naglalakad papasok ng cubicle si Elmo pero natigilan ito saglit nang makita siya. Nagtatakang napataas siya ng kilay. Tinititigan kasi siya nito. Gusto ata matunaw na siya para wala na itong kainisan. Well tough. She rolled her eyes and went back to her work. Narinig niyang napatikhim si Elmo bago nakitang umupo na rin ito sa sariling computer desk. Pasimple niyang tiningnan ito mula sa gilid ng kanyang mata. He was wearing a plaid red polo and jeans. Tangina ang gwapo ng hayop. Siya ang unang nagiwas ng tingin dahil baka may gawin siya na hindi pwede. Sighing she faced the computer again. Saka naman siya nagsimula tumipa sa keyboard. She turned on her chair so her back would face Elmo. Binuksan niya ang email sa kanya ni Carmina. It was all the details about the project. Tumingin ulit siya kay Elmo at nakita na seryoso ito sa dinedesign. Best to not disturb him about that. Mabilis siyang tumingin sa kanyang monitor at hiniling na sana hindi niya yun ginawa. Parang nahilo siya bigla. She sighed and cleared her throat before looking at the monitor again. Shit nahihilo talaga siya. Mabilis niyang tinanggal ang suot na salamin at muli ay bumuntong hininga. "Pwede ba...tumigil ka." Lumingon si Julie at nakita na naiinis na nakatingin sa kanya si Elmo. Kahit na medyo nahihilo ay sinimangutan niya ang lalaki. "Problema mo?" "Ungol ka ng ungol dyan eh." Humahaba ang nguso na sabi ni Elmo at nag-iwas ng tingin. Minasahe ni Julie Anne ang sentido at umikot ulit ang mga mata. "Di ako umuungol humihinga lang ako ng malalim." "Well stop. Nakakadistract." Elmo grumbled and went back to work. Inis na mas lalong inikot ni Julie ang upuan para nakatalikod siya sa lalaki at sinubukan ulit magtrabaho pero mas lalo lang lumalala kapag nakatingin siya sa computer. Hindi sinasadyang napabuntong hininga ulit siya. "Okay what is it?" Sabi ni Elmo at iniikot ang upuan. "Wag mo ako pansinin. Walang pansinan diba?" Julie groaned and turned away. Shit. Pangalawang araw pa lang niya tapos may sakit na kaagad siya? She closed her eyes and tried massagingbl her neck. Nahihilo talaga siya. "Come on, up." Elmo suddenly said before holding her arms. "H-huh?" She said, already dizzy. Binunot ni Elmo ang bag niyang nasa ilalim at inalalayan siya patayo. "Anong ginagawa mo?" Julie asked. "Iuuwi kita. You're sick." Saka nito sinapo ang noo niya. "You're hot." "Matagal na akong hot." Biro pa ni Julie habang patuloy siyang inaalalayan ni Elmo na maglakad. Napatingin ang iba nilang katrabaho na nagsisimula pa lang ng araw nila. "What's wrong?" Tanong ni Nadine nang makita silang dalawa. Si Bea ay napasilip na din sa kanyang desk. "Ui, okay lang ba si Julie? What's wrong?" "Iuuwi ko si Julie. She's sick." Mabilis na sagot ni Elmo at hindi na hinintay pa ang sagot ni Nadine habang patuloy na inaalalayan si Julie Anne. Sa sobrang pagkahilo ay hindi naman na umimik ang huli at daham dahan lang na naglakad. "Pak you don't have to." Wala sa sarili na sabi ni Julie habang patuloy na naglalakad. Pero nakaalalay lamang sa kanya si Elmo hanggang nasa elevator na sila. Sa sobrang hilo ay napasandal na siya sa matipuno nitong dibdib. Hinayaan lang siya ni Elmo at naramdaman pa niyang hinahaplos nito ang buhok niya. Sa sobrang hilo ay hindi niya namalayan na nadala na siya ng lalaki sa may parking at pinapasok siya sa kotse nito. Inayos pa ni Elmo ang passenger seat para nakahiga ito at inayos ang pwesto niya. "Pak anong address mo?" Elmo asked as he readied his phone for the instructions. Julie vaguely remembered slurring her address. Sobrang naginhawaan lang talaga siya sa paghiga hanggang sa naramdaman niyang napapapikit na siya. Pagkabalik ng ulirat niya ay nasa bahay na sila. Mabuti na lamang at may Waze. "Pak nandito na tayo." Elmo said, softly nudging her awake. She slowly got up from the car chair and felt her head. Medyo nabawasan na ang hilo niya pero ramdam naman niya ang trangkaso ng kanyang katawan. Hindi siya dapat masyadong nagpagod. She felt Elmo helping her out of the car. "Julie? Anak?" Medyo napapapikit na tumingala si Julie at nakitang palabas ng gate ng kanilang bahay ang mama niya. "Nako anak ano nangyari!" "May lagnat po siya mam." Napatingin si Myrna kay Elmo. "Ikaw ba si JR?" Nanlaki ang mga mata ni Elmo at mabilis na umiling. "H-hindi po." "Ma hindi yan si JR, katrabaho ko yan." Julie said in a haze. "Opo mam katrabaho niya po ako." Tila kinakabahan na sabi ni Elmo kay Myrna. "Well patulong na lang ako kung sino ka man. Payat yang anak ko pero mabigat." "Ma." Sabi ulit ni Julie. Para siyang nalalasing sa lagnat. Napapapaikit ulit si Julie hanggang sa napaigik siya nang maramdaman na binuhat siya ni Elmo na parang bagong kasal. "Pak!" She squeed but Elmo continued carrying her to the top of the stairs and into her room. "Julie wag ka nagmumura!" Narinig niya pang tawag ng mama niya sa kanya. Natatawang kumapit si Julie kay Elmo dahil baka malaglag siya sa ibabaw ng stairs at okay na magkalagnat wag lang mabalian. "Elmo, okay na ako...salamat." She groaned as she fell back on the bed. "Jusko itong batang ito." Sabi ni Myrna. Sa totoo lang ay wala na nakikitang matino si Julie dahil sobrang bigat ng talukap ng kanyang mga mata. "Palamigin po natin ulo niya." Sabi ni Elmo. Nakangiting tiningnan ni Myrna si Elmo. "O siya ikaw na bahala. Kung hindi man ikaw boyfriend ng anak ko sana ikaw na lang." "P-pero tita!" Julie closed her eyes as she laid back down on the bed. Nakita niyang binuksan ni Elmo ang air con ng kanyang kwarto. Nakapikit siya habang naririnig niyang gumagalaw sa kwarto ang lalaki. Kung ano man ang ginagawa ng lalaki ay hindi niya alam hanggang sa naramdaman niyang may malamig na telang lumalapat sa kanyang noo. "Ayan, better?" Elmo asked. "Hmmm..." Julie replied. Lintik na lagnat talaga ito. Elmo chuckled as he looked at her. "You need to rest." "Thanks Elmo." She murmured. "You didn't need to do this." "Ungol ka ng ungol kasi kanina." Elmo kidded. Nakapikit pa din si Julie hanggang sa naramdaman niyang kinukuh na siya ng tulog. "Sleep tight, Pak." Elmo whispered but Julie reached out and held his arm. Napatingin ulit ang lalaki sa kanya. "Tapos ba nito...hindi pa rin tayo magpapansinan?" She asked. Her eyes were heavy and hooded as she looked back at him. "Gusto mo ba na hindi pa rin magpansinan?" Tanong naman ulit ni Elmo na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kanyang kama. Julie shrugged as she held the cold towel on her forehead. "Being around you isn't good for me, Pak. And I'm thankful for you doing this." With heady eyes she looked back at Elmo who just stayed quiet while she kept talking. "Pero...ayun, I really don't want to make this more complicated than it already is." She saw Elmo smiling softly at her. "If that's what you say Pak, get some rest, I'll see you at work." Hindi alam ni Julie kung imagination lang ba niya iyon o dahil sa lagnat pero naramdaman niyang hinahalikan ni Elmo ang noo niya bago ito nawala sa kanyang paningin. She breathed in one last time before closing her eyes. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Update muna bago pumasok sa trabaho! Haha napapaaga ang update kapag night duty ako eh haha! Pano ba yan nauna pa si Elmo makilala magulang ni Julie hahaha! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD