Nang magising si Julie ay tanghali pa lamang.
Sinipat niya ang sarili at naramdaman na medyo mainit pa din siya.
Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto niya.
She turned to the door and watched as it swung open. Pumasok si manang na may dalang isang bowl ng chicken soup.
"O anak sakto gising ka na. Kain ka muna bago uminom ng gamot para bumaba lagnat ko." Saka nito linapag ang soup sa may bed tray na nandoon.
Pero nahihiwagaan na nakatingin sa paligid si Julie habang hinahalo ni manang ang soup.
"Manang..." Hindi niya kasi alam kung nanaginip lang ba siya kanina o ano.
"Ano yon anak?" Manang asked as she kept mixing the soup.
"Si Elmo po ba ang naghatid sa akin dito?" Julie asked.
Tiningnan siya ni manang na para bang nagiisip muna saglit. "Ah yung gwapong bata? Nandon sa baba."
"Po?!" Julie's eyes widened at what manang said.
Patuloy lang naman sa paghalo si manang habang tumitingin sa kanya. "Ayun nandun sa baba ginigisa ng mama at papa mo."
Halos tumilapon ang tray ni Julie nang tumayo siya mula sa kama at nagmamadali na bumaba.
"Anak saan ka pupunta?!"
Pero wala na narinig pa si Julie at dali daling bumaba ng hagdanan hanggang sa narinig niya ang boses ng Papa niya sa may kusina.
"Pero hindi ikaw ang nobyo ng anak ko?"
Nalintikan na talaga!
Muntik pa siyang madapa sa hagdanan at gulo gulo na ang buhok niyang nakaabot sa may kusina. She stopped on a dime right in front of the dining table.
At sabay sabay na napatingin sa kanya ang tatlong tao na nakaupo doon.
"Anak gising ka na pala, kamusta?" Tanong ng Papa ni Julie.
Pero parang tuluyan na nawala ang lagnat ni Julie Anne lalo na nang naramdaman niya ang pawis habang nakikita na nakaupo doon si Elmo kasama ang Mama at Papa niya.
"O anak pinagpapawisan ka na!" Masayang sabi naman ng Mama niya at tumayo mula sa kinauupuan para hilain siya papunta sa hapag.
Dumako ang tingin niya kay Elmo na binalik din ang tingin sa kanya. He had this helpless look on his face and if she wasn't that nervous with this meeting, she'd be laughing.
"Bakit nandito ka pa?" she whispered as she looked at him. Kung hindi nga panaginip ang nangyari kaninang umaga, aba ilang oras na nandito si Elmo dahil tanghali na!
"P-pinastay ako ng Mama mo eh." Kinakabahan din naman na sagot sa kanya ni Elmo.
"Pinahintay ko na, kakadating lang din ng Papa mo, sabi ko kay Elmo wag na siya pumasok, ganun din naman at tinulungan ka niya dito." Nakangiti na sabi ni Myrna.
Kung pwede lang siya kainin ng lupa ay malayang iaalay ni Julie ang sarili. Ano ba naman itong nanay niya!
"Ma, Elmo needs to get to work." She reasoned out.
But Myrna won't have any of it. "Aba siyempre anak pinakain ko na dito. Nagabala siya na ihatid ka dito kaya siyempre kailangan magpasalamat. Saka dami mo kuda ayan si Elmo sa harap mo o."
Muiling napalingon si Julie sa lalaki na nakita niyang tahimik lang naman na nakaupo. Sigurado naman kasi siya na kahit ito ay napilitan lang.
"Pero hindi nga ikaw talaga ang boyfriend ng anak ko?" Nakangisi na sabi ni Junico.
Namula ang tainga ni Elmo habang si Julie naman ay napahilamos sa muhka. Hiyang hiya talaga siya.
"Pa hindi po. JR po pangalan ng boyfriend ko." Julie said.
"Gawin mong Elmo." Tawa ni Junico.
Mas lalo lang namula ang tainga ni Elmo.
"Gwapings naman itong isang ito eh o. Parang ako lang nung bata."
"Tumigil tigil ka Junico e ang gwapo gwapo niyan ni Elmo." Komento pa ni Myrna.
"Lalagnatin ulit ata ako." Sabi ni Julie at napailing iling.
Napatingin sa kanya si Elmo. "Okay ka lang? Uminom ka na dapat ng gamot kanina pa."
Julie stopped as she looked at him.
They looked at each other for a while at si Julie ang unang nag-iwas ng tingin.
"Ay ano mga anak nakakagulo na ba kami sa inyo?" Tila kinikilig na sabi ni Myrna.
Julie stood up from the table and faced her parents. "Ma, Pa, Elmo needs to get back to work."
"Wag mo naman tabuyin anak." Biglang sabi ni Junico.
Pero tuamyo na din si Elmo at ngumiti kayla Myrna at Junico. "Tito, Tita, salamat po sa breakfast. Pero kailangan ko na rin po talaga bumalik." He smiled at then.
Ngumiti naman sila Junico at tumayo na din. Nakipagkamay pa ito kay Elmo habang si Myrna ay bumeso.
"Balik ka dito ijo sometime kapag wala na rin sakit itong anak ko okay?"
"Pak tara na." Mabilis na sabi ni Julie at hinila si Elmo papunta sa may pinaka foyer ng kanilang bahay.
Nang masiguradong hindi sumunod ang magulang ay kaagad na hinarap ni Julie Anne ang lalaki.
"Bakit nandito ka pa? Tanghali na. Half day ka na lang sa opisina niyan."
"Okay lang. Wala din ako choice kanina eh." Sabi ni Elmo at napakamot sa may batok. "Pinakain kasi ako ng mama mo. Tapos sabi niya hintayin ko na papa mo. Ibang klase powers ng mama mo ah." Tila nahihiwagaan din na sabi ni Elmo.
Hindi naman masisisi ni Julie ang lalaki. Siyempre kilala niya ang nanay niya. Nanay nga niya diba. Alam niya kung gaano ito ka persuasive.
She sighed. Napasapo siya sa noo at napailing.
"Pero ikaw okay ka na? Wala ka na lagnat?" Elmo asked her with worried eyes.
Muling napatingin si Julie sa lalaki. Kunot ang noo nito pero puno pa rin ng pagalala ang mga mata.
Parang bigla na lamang tumigil ang t***k ng puso niya.
She looked away first before nodding her head and clearing her throat. "Ah oo naman okay lang ako."
Aabutin sana ni Elmo ang braso niya pero siya ang unang umiwas dito.
Nakita niyang natigilan din si Elmo pero ipinamulsa na lamang ang mga kamay sa suot na pantalon.
"Feel better Pak." Elmo whispered as he looked at her.
Hindi na ito nagsalita pa at lumabas na ng bahay nila.
Nalilito pa rin na nananatiling nakatayo doon si Julie. Bakit parang biglang ganun ang nararamdaman niya para kay Elmo?
No. Hindi pwede. Nadadala lang siya sa mga pa-fall moves ng lalaki.
With a small sigh, she closed her eyes for a second before spinning on her heels and making her way back to where her parents were.
Hindi pa nakakapatong ang puwit niya sa upuan nang magsalita nanaman ang kanyang mga magulang.
"Dapat yung mga ganun ang boyfriend mo anak." Nakangiti na sabi ni Myrna. "Ang gwapo eh!"
Nang sumunod na araw ay nakapasok na ulit si Julie. Marahil ay inatake lang talaga siya ng fatigue dahil nagwalwal at kinulang pa sa tulog.
"Bes! Ano okay ka na ba?" Maqui asked as she arrived for work.
She nodded her head as she and Maqui made their way over to the elevators.
Saktuhan naman na nakasakay din doon si Nadine, Maris at Bea.
Nagsiksikan sila sa may likod habang ang mga tao sa ibang kompanya ay nasakay din.
"Jules okay ka na?" Maris asked. "Balita ko bigla ka na lang daw umuwi kahapon."
"Correction." Nakangiti na sabi ni Nadine. "Inuwi siya."
"Ay nakita ko din yun." Sabi pa ni Bea na nakangisi.
Maris' eyes widened. "Inuwi ka ni Elmo? Mygahd."
"Wait hindi niya ako inuwi okay?" Julie said. "Hinatid niya ako sa bahay."
Bago pa makasagot ang mga kaibigan ay dumating na sila sa office floor.
Halos sakupin nila ang buong daanan habang sabay sabay na naglalakad.
"Dali dali! Deretso pantry tayo maaga pa naman!" Maqui said as she pulled the girls to the pantry.
Sila sila lang din naman ang tao na nandoon kaya libreng libre ang magiging tsismisan nila.
Ilang minuto din na hindi nagsasalita si Maqui kahit na siya naman ang nagdala sa kanila doon.
"May secret initiation ba or something?" Tila kinakabahan na sabi ni Julie.
But Maris waved it off. "Wala girl no. Baliw lang talaga ito si Maqui."
"Mamaya ka sa akin Mariestella." Ani Maqui pero kaagad na hinarap ulit si Julie Anne na medyo kinakabahan na talaga.
Kung ganun ka ba naman kasi tingnan ni Maqui hindi ka ba kakabahan eh. "May something talaga kayo ni Elmo no? Umamin ka!" Maqui yelled.
Pati sila Nadine at Bea napatingin na din kay Julie Anne, hinihintay ang sagot niya.
Pakiramdam niya ikukulong siya ng buhay ng mga ito kapag di siya sumagot.
"Di tayo aalis dito sige ka." Pananakot ni Maqui habang nagtitimpla ng kape.
"May trabaho tayo." Tawa naman ni Nadine pero seryoso pa din kasi na nakatingin si Maqui kay Julie.
Might as well. Kaysa yayain nanaman siya ng mga ito at wala siya choice kundi magwalwal.
She sighed as she tried to gather her thoughts about this. "Diba alam niyo naman na magkaklase kami nung high school."
"Yeah. That part we know." Ani Bea habang nakatingin sa kanilang lahat.
Rip it off like a band aid Julie. Kaya mo yan.
So she breathed in as she prepared to say it.
Isang sabi lang naman eh.
"I lost my virginity to Elmo."
Poooohhhtt!
"Mygahd Maq! Muntik na! Muntik na talaga damit ko!" Maris yelled.
Paano ba naman, naibuga ni Maqui ang iniinom na kape.
Mabuti na nga lang talaga at kaagad naman na nakaiwas sa kanya si Maris kundi ang suot nitong puting blouse ay magiging brown na.
Walang pake na pinunasan lang ni Maqui ang bibig at nawiwindang na tiningnan si Julie Anne. "Mygahd bes! Totoo?! Bakit--Omg talaga! Paanong--kayo talaga? Omg!"
"Maq, tapusin mo nga sinasabi mo." Ani Bea. "Ako yung nabibitin eh!"
Magsasalita pa sana si Maqui nang bigla na lamang may pumasok sa loob.
Iñigo was all smiles as he looked at them. "Hi guys! Ui may meeting ba? Bakit hindi ko alam?"
"Alis na tayo. Mayayari tayo dyan." Natatawa na sabi ni Maris. Bago pa may masabi si Iñigo ay sabay sabay din na nagsilabasan ang mga babae.
"Ui teka! Teka! Where are you going?!"
"Di pa tayo tapos Julie." Ani Maqui. Itutuloy natin ito mamaya kapag lunch time na." Sabi ni Maqui sa kanya.
Napalunok si Julie. Muhkang wala na talaga siya magiging takas sa best friend niya.
Sabay sabay na sila nagsipunta sa mga cubicle. Paano ay nauna pa nga sila sa pantry kaysa sa sariling work places eh.
Nakita ni Julie na tahimik nang nagt-trabaho si Elmo pagkadating niya doon.
She stopped but he had already glanced at her.
"Hey." Ani Elmo nang makita siya. "Okay ka na?"
Ayan nanaman po. Kung ano ano nanaman nararamdaman niya na hindi talaga dapat.
"Okay na ako Pak." She replied and sat herself on the chair by her own computer.
Tiningnan ulit siya ni Elmo na para bang naninigurado.
"Eh linalagn--"
"Can you please stop?" Sabi nanaman ni Julie.
Natigila na nang tuluyan si Elmo at hiling ni Julie ay sana hindi na lang niya sinabi iyon pero nadadala na kasi talaga siya.
Elmo looked back at her, his eyes turning steely. "Fine."
At ito na ang unang nag-iwas ng tingin.
Julie sighed as she closed her eyes. She didn't want to do that. Lalo na at tinulungan siya ng lalaki nung nakaraan lang.
A couple of hours passed without them talking though.
Hanggang sa kailangan na nga nila pagusapan yung project.
"Elmo..." Tawag niya.
Hindi tumitingin ang lalaki kaya pinagulong niya ang upuan papunta sa kung nasaan ito.
"Huy." She called out while nudging his arm.
"What." Elmo said, not even looking at her.
Inis na napasimangot si Julie. "Ang sabi ko hindi tayo magpapansinan pero kapag trabaho mag uusap na tayo."
"Kinakausao naman kita ah."
Kinakausap nga pero hindi siya tinitingnan. Paano ay patuloy ito sa pagbutinting ng computer.
"Elmo look at me."
And without a choice, Elmo did look at her.
"I was thinking about..."
"Do what you want." Singit pa ni Elmo. "Basta susunod ako."
"Hindi pwede nang ganun!" Sabi ni Julie Anne. "We need to bounce off ideas."
"Alam mo labo mo eh." Elmo sneered as he looked at her, magkatabi ngayon ang upuan nila. Sa sobrang lapit ay nagtatama na ang mga tuhod nila. "Akala ko ba ayaw mo ako kausapin. Mas hindi mo ako--"
"Trabaho to, trabaho!" Laban pa ni Julie. "Kapag trabaho usap!"
"E ikaw nga itong ayaw mangausap!"
"Paulit ulit! Dahil nga trabaho ito! Impakto talaga!"
"Impakta ka din!"
Elmo yelled one last time.
Nagkatinginan silang dalawa. Hanggang sa sumabog na ang lahat. Hayun at halos masugat ang labi nila sa paghalik sa isa't isa.
"Fuck." Ungol ni Elmo at linaliman pa ang paghalik habang hinihigpitan ang hawak sa muhka ni Julie.
"Elmo..." Julie moaned as she kissed him back with the same fervor he was giving.
He slanted his lips over hers while she opened her mouth and let his tongue in.
Natatauhan na si Julie pero nakakapit pa din. "E-Elmo hindi pwede ito."
"Pwede. Please Julie please." Nadedeliryo na sbai ni Elmo habang linalakbay ang mga halik mula labi papuntang leeg.
"Elmo." Pigil ulit ni Julie.
Siya ang unang lumayo sa halik.
Nalilitong nagkatinginan silang dalawa. Hanggang sa si Julie na ang tumayo at mabilis na dumertso palabas.
=√=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: Hala ka sumabog na haha! Ano na ang gagawin ng mag Pak?
Mwahugz!
-BundokPuno<3