"Julie!"
Julie stopped walking when she felt Elmo reaching for her arm.
Nasa bandang tago naman na parte ng opisina ang hall way na iyon. Mabuti na lang. Siyempre ano sasabihin ng iba kung makita na ganun sila.
"Don't walk away." Elmo said. Mabibigat din ang paghinga nito habang nakatingin sa kanya.
They were so close that Julie could see her reflection in his eyes.
"E-Elmo...that was a mistake. I'm with JR. I'm not a cheater." Naiiyak siya dahil kahit anong gawin niya ay nangyari na.
"You feel it too." Pilit naman ni Elmo. "Ramdam mo, alam ko iyon."
"It's s****l tension Elmo, I know." Sagot ni Julie. "Pero please, respetuhin mo yung fact na may boyfriend ako. At nagkasala ako sa kanya." She wiped a stray tear and walked away, leaving Elmo to himself.
Sa banyo ulit siya dumeretso. Doon lang naman kasi siya makakatakas mula sa lalaki.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa niya.
She'd never looked at another guy ever since she'd been with JR. Pero dumating lang si Elmo ay nawalan na siya ng laban.
Ano bang meron si Elmo?! Dahil ba nakuha nito ang virginity niya?
She shook her head and wiped the stray tears from her eyes. Napakasama kasi ng loob niya na nangaliwa siya. That was a mistake but she already considered it cheating because...she felt things.
Mga bagay na hindi niya nararamdaman kapag si JR ang kasama niya.
But she couldn't hide in the bathroom forever.
She needed to face this.
Fixing her hair, she made her way back to their cubicle.
Laking gulat na lang niya nang makitang wala doon si Elmo. Pati ang gamit nito wala. Nakapatay na din ang mga electronics sa area nito.
So he left.
Hindi niya alam kung magiginhawaan ba siya o ano. But she needed a break from him.
Ang kaso lang ay hindi nila masimulan ang project.
It was unprofessional but she just needed a break. Pati siguro ni Elmo. Bukas ay kakausapin na niya nang masinsinan ito. For now, she could work on some things to get her jump started.
Mabuti na lamang at sa umaga na iyon ay nakatrabaho siya. Kahit na maya maya ay pasulyap sulyap siya sa desk ni Elmo. Siguro naman ay umuwi na nga ito diba? Kunbaga hindi naman siguro ito lumibot libot sa kung saan diba?
Papalapit na ang lunch time nang marinig niya na may mga naglalakad sa bandang likuran niya. Nandon nga pala kasi ang papuntang pantry kaya expect na niya na maya't maya ay may pupunta talagang tao doon.
"Ay, wala si Elmo?" Narinig niyang sabi ng dalawang babae na malamang sa malamang ay mga empleyado din ng kompanya nila.
"Umuwi na. Masama daw pakiramdam. Baka inaallergy kasi nakita ko medyo namumula yung lips. Baka may nakain."
Napaubo si Julie at mabilis na binunot ang baso ng tubig na tabi ng kanyang desk. May kinain si Elmo pero hindi yung nakakaallergy. s**t naman talaga o.
Hindi pa natapos, medyo nakaawang kasi ang pinto ng pantry kaya naririnig pa din ni Julie ang sinasabi ng dalawang babae.
"Ang gwapo gwapo talaga ni Elmo no?"
"Oo muhkang masarap."
"Sa tingin mo bes daks?"
Julie scrunched up her nose in disgust. Parang naiinis siya na pinagiisipan ng mga babae ng ganun si Elmo.
"Hindi siya sayo Julie." She reminded herself and went back to working.
Kagaya nung kinahapunan ay pinasakan niya ang tainga ng earphones. Tapikin na lang siya ng mga tao kung may kailangan ang mga ito sa kanya.
Nakita nanaman niya ang email sa kanya ni Ma'am Carmina. Hindi pa din nila masimulan kasi yung project.
She and Elmo needed to sort things out first because their jobs were in jeopardy.
"Ha?" Gulat na sabi ni Julie nang napatingin sa kanyang orasan. Ala una na! Nakalimutan niyang kumain!
She sighed stopped with her work for a moment.
Saka siya napatingin sa kanyang telepono.
She checked for any messages, from JR maybe pero wala din naman binigay ang lalaki.
Napabuntong hininga siya. Nang ipikit niya ang mga mata ay naalala nanaman niya ang nakaraang eksena.
Naalala niya ang pakiramdam ng lambot ng labi ni Elmo sa labi niya.
With a shake of her head she went back to her work. Mamayang gabi na lang siguro siya kakain.
"Baklaaaaaaaa!"
Julie shifted in her seat. Napatingin siya sa nagsalita at nakita si Maqui na nakangiti ngayon sa kanya.
"Maq." Tila wala sa sarili na sabi niya.
Nagugulumihan siyang tiningnan ni Maqui.
"Bes bakit hindi ka pa nagaayos! Alas singko y media na!"
Sa sinabi ng kaibigan ay nagamamadaling tumingin si Julie sa kanyang orasan. At totoo nga! The long hand was on its way to 30!
Hindi pa siya nakakapag ayos e kanina pa nga siya pwede umuwi.
"T-teka mag iimis lang ako ng gamit dito." She replied.
"Okay ka lang? Bakit distracted ka ata?" Sabi ni Maqui habang siya naman ay patuloy na inaayos na ang gamit.
Hindi naman na hinintay nito na magsalita siya at napatingin pa sa may tabi kung saan nakita nitong wala si Elmo.
Muling tumingin sa kanya si Maqui at nangiintriga na ngumiti. "Nako nako. Mag didinner tayong dalawa at wala kang takas."
Julie groaned. Pwede bang deretso uwi na lang siya?
Ang kaso ay wala na siyang magagawa dahil hinihila na siya ni Maqui papunta sa isang malapit na resto bar.
Sakto ay may tumutugtog na local act kaya kahit papaano ay may ambiance din naman.
Saka lang naramdaman ni Julie ang gutom nang makakain na ng inorder na pasta.
"Gutom na gutom ang bakla. Ano ba nnagyari kanina bakit biglang umuwi si Elmo?" Maqui asked with her arms crossed. "Ay teka wag muna yun. Gusto ko malaman kung totoo ba talaga yung sinabi mo sa amin kanina."
Sighing, Julie set down her utensils. Nasa kalagitnaan naman na siya nang pagkain eh.
"Magkaklase kami nung high school."
"Tapos? Tapos?" Naeexcite na sabi ni Maqui habang nakahawak pa sa gilid ng lamesa.
Kaya itinuloy na ni Julie ang kwento nang wala nang paligoy ligoy pa. "Graduation party namin yun. Pinagtripan kami nung mga kaklase namin tapos kinulong kami sa isang kwarto...d-dapat tutulugan ko lang siya hanggang sa palabasin na kami e. Kaso ayun. One thing led to another."
"OMG malandi ka!"
Napatingin ang ibang tao sa kanila kaya sinimangutan ni Julie ang kaibigan. "Sigaw mo pa Maq hindi ka narinig nung buong bar."
"OMG malandi ka!"
Mas lalong lumaki ang simangot ni Julie Anne. Kakaltukan talaga niya itong kaibigan niya eh. Napapatingin na kaya ang ibang tao na nandoon!
"Grabe ang bata niyo pa non!" Hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Maqui habang inaabsorb ang ikinukwento sa kanya ni Julie Anne.
"I know. But it was a one time thing. Kasi after, umalis na ako at hindi na kami nagkita pa ulit. Until now..."
Nahihiwagaan siyang tiningnan ni Maqui na para bang nagiisip muna habang nakapatong ang baba sa may kamay sa ibabaw ng lamesa.
"So kaya pala kapag tiningnan ka niya parang gusto ka niya simutin?"
"Maq!" Naeeskandalo na sabi ni Julie.
But Maqui was unfazed as she looked at Julie Anne.
"E totoo naman eh." Sabi ni Maqui.
Pinili ni Julie na wag na lang sabihin ang nangyari kaninang umaga dahil siya ang mayayari.
"Baka naman s****l tension lang yan? Or dahil wala kayo closure non?" Napapaisip sa sarili na sabi ni Maqui pero sinasabi din naman nang malakas.
Julie looked at her friend. Could be. But they just needed to get it over with right? Naghahanda pa siya kung papaano niya sasabihin kay JR ang nangyari. She didn't know if he would forgive her or not. But the guilt would eat her up.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Julie imbitahin mo si Elmo sa birthday ng Papa mo ah."
Nanlaki ang mata ni Julie sa sinabi ng mama niya nang umaga na yon.
"Ma naman! Bakit?!"
"E gusto daw niya eh. Tanong mo tatay mo don sa may patio." Sagot ni Myrna habang nagtitimpla ng kape.
Pero alam naman ni Julie na kahit anong kumbinsi niya sa tatay ay hindi nito siya pipigilan. So she decided to just not tell Elmo. Saka magsisinungaling na lang din siya sa magulang na hindi pwede ang lalaki.
Saka balak niya kasi dalhin si JR sa araw na iyon.
Ewan ba niya kung ano pianinom nito ni Elmo sa mga magulang niya eh.
Lalabas na sana siya para dumeretso sa kanyang kotse nang dumaan ang sasakyan ng tatay niya sa harap.
"Nak tara hatid na kita!" Maligalig na sabi sa kanya ni Junico sa driver's side. "May lakad ako sa Maynila e. Saktuhan lang din tara!"
"O tama anak para makapahinga ka sa pagmaneho." Sang ayon pa ng mama niyang nakasunod din pala.
Kaya wala na nagawa si Julie kundi ang tumango at sumabay sa Papa niya.
"Anak si Elmo imbitahin mo sa birthday ko ah?" Nakangiti na sabi ni Junico habang nagmamaneho.
"Ang gaan kaagad ng loob niyo sa kanya?" Sabi pa ni Julie.
Junico merely shrugged as he continued driving. "Muhkang mabait naman na bata eh. Saka siyempre tinulungan ka niya nung may sakit ka so plus points sa akin yun."
"Pa ipapakilala ko na din po si JR sa birthday mo."
"Hindi siya invited."
"Pa!"
"Biro lang anak." Natatawa na sabi ni Junico.
In no time they'd reached the building and was just in time to see a dark blue orange tinted motorcycle pulling up.
"Thanks Pa." Bati ni Julie at hinalikan sa pisngi ang papa niya.
Saktong pagkababa ah siyang hubad naman ng helmet ng lalaking bumaba sa motorsiklo.
"Oh shit." Bulong ni Julie.
Dahil sino pa nga ba...
"Hi Elmo!"
"Ah good morning po Mr. San Jose." Bati ni Elmo nang sumilip ang Papa ni Julie mula sa sasakyan.
"Nako. Tito na lang ang itawag mo sa akin Elmo."
"Ah tito po." Nakangiti naman na sabi ng lalaki.
Bago pa makasalita si Julie ay humirit naman ang Papa niya muli.
"Anak punta ka sa birthday ko sa Sabado ah!"
Julie closed her eyes and breathed in. Wala na. Sira na ang balak niya.
"Of course po tito." Sabi pa ni Elmo.
"Good! Lunch time! I'll see you!" Maligalig na sabi ni Junico nago nagmaneho na palayo.
Ngayon na wala na ang Papa ni Julie ay malayang nagkaharap ang dalawa.
Elmo had this blank expression on his face. And so did Julie.
Muhkang matira matibay talaga silang dalawa ngayon.
Walang umiimik sa kanilang dalawa hanggang sa nakarating na sila sa kanilang cubicle.
The silence was definitley deafening.
At hindi pa rin mapakali si Julie. Kaya siya na ang unang nagsalita. If she learned anything from her existence was to just rip the band aid off. Like pak ganern.
"Elmo I'm sorry for what happened yesterday. It was a mistake."
Mula sa kinauupuan ay tumingin sa kanya ang lalaki na blangko pa rin ang ekspresyon sa muhka.
Pero maya maya lang ay tumango din naman ito. "Okay. Nakapag isip isip na din naman ako. I guess this s****l tension is killing us both and we should just ignore it right?"
Julie nodded her head. At least they were on the same page. Kahit na wari niya ay mahihirapan pa din siya.
She looked at Elmo and he looked back at her.
His eyes a bit hazy and dark.
Kaya siya na ang unang nag-iwas ng tingin.
She decided to talk to him about the project they had together.
"So naisip ko na ang pinaka magiging lay out. Pero siyempre imagination mo pa rin ang gagamitin." She said as she showed him her ideas.
Pinanuod niya itong binabasa ang layouts and drafts niya bago ito tumingin at bahagyang napangiti.
Naweweirduhan na tiningnan din niya ito pabalik. "Bakit?"
"Di ka lang maganda eh no. Matalas din utak mo." Elmo said. He looked at her longingly. Hanggang sa ito ang unang nag-iwas ng tingin at napailing. "Anyways let's get started with this." And he went back to work.
The remainder of the morning was better than the past couple of days.
Pagdating ng lunch time ay si Elmo na ang nagyaya na kumain.
"Pak nagugutom na talaga ako. Manaya na natin ituloy."
"Sige kain ka na. Mamaya na ako." Julie said as she concentrated on the article she was typing.
Tuloy pa sana siya sa pagtitipa sa keyboard ang kaso kang ay hinila na siya patayo ni Elmo.
"Pak ano ba." Gulantang na sabi ni Julie.
But Elmo was already grabbing her things. "Kain na tayo. Mamaya na yan. Sabi sa akin ni Maqui nakalimutan mo daw mag lunch kahapon. It's your first week Pak. Wag ka masyado magpaagod." Sabi pa nito at iginiya na siya palabas papunta sa food court.
Pinaupo na ni Elmo si Julie habang ito ang bumili ng pagkain.
"Di mo kasabay sila James?" Julie asked when he came back with their food.
Muhka kasi ito ang usual na kasabay ng lalaki.
Elmo shrugged. "Minsan si Nadine ang kasama."
Naiintirga na tiningnan ni Julie ang lalaki. "O? Sila pala?"
Elmo smirked as he looked at her. "Nanliligaw pa lang."
At mahinang natawa si Julie partner partner pala mga tao doon eh. Si Iñigo at Maris din kasi. Well...except for her and Elmo that is.
"Hi Elmo."
"Hi." Ngiti ni Elmo sa mga babaeng bumati.
Ngingiti ngiti ang mga ito pero nawala nang makita na nandoon din si Julie Anne.
Dali dali ang mga ito na naglakad palayo.
"Famous ka ah." Julie smirked as she ate her pasta.
"Gwapo lang talaga." Balik pa ni Elmo.
At hindi napigilan ni Julie ang matawa. Okay na yung ganito sila. Pwede naman pala na magkasundo din sila. At least makakapagtrabaho sila nang maigi.
"Wala ka pa ba sineryoso sa mga babae mo? Ang flirt mo eh." Naiintriga din na tanong ni Julie.
Elmo took a bite from his chicken first before wiping the side of his lips.
There was a pensive look on his face. Muhkang malalim ang iniisip talaga. Hanggang sa sumagot ito.
"May girlfriend ako simula nung 3rd year college. Naka two years din kami nun."
"What happened?" Intriga pa ni Julie Anne.
There was that same pensive look on Elmo's face. "Ayaw nung pamilya niya sa akin." With that, he shrugged and continued eating.
Dito na napaisip si Julie. Dahil habang pinapanuod niya si Elmo, ay kita niya ang nararamdaman nito sa muhka.
Di kaya yung babae na iyon ang dahilan kung bakit ganito ngayon si Elmo?
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Wop! Gusto niyo ba makilala ang first love ni kyah Pak? Wahaha! Hanggang dito muna! Masaya ang susunod na chapter! Huehuehuehue! Kapag ako nasatisfy talaga bukas sa boto at comment, promise may update HAHAHA!
Mwahugz!
-BundokPuno<3