Chapter 8

2434 Words
"Bes nagugutom na talaga ako." "Saglit nga bakla malapit na ito o." Julie said as she was skimming through some polo shirts. Pumipili kasi siya ng damit para sa Papa niya. Ayun na lang din kasi ang magiging gift niya para dito.  Bukas na ang birthday nito at inimbita na din niya si JR. "Going strong pala kayo ni JR no?" Sabi ni Maqui habang tumitingin na din ng mga damit sa paligid. "Hmm?" Absent minded na sabi ni Julie habang patuloy na tumitingin. "Oo naman."  Maqui turned from her position and looked at her yet again. "Hindi lang kayo talaga ganun ka showy no? I mean, di kayo masyado din nagsasama."  "E happy naman kami sa ganun." Julie said as she too turned from her position.  Nakita niyang pinagmamasdan lang siya ni Maqui habang nakahalukipkip.  "What?" She asked as she looked at her best friend.  "Wala..."  "Meron eh." Nakaismid na sabi ni Julie Anne.  Maqui sighed. Tinanggal na nito ang pagkakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. "Ang sa akin lang bes, naiintindihan ko yung pag ka ganun niya nung graduating na kayo. Siyempre school first muna diba? Pero itong may trabaho siya..." "Deretsuhin mo na kasi ako." Medyo naiinis na sabi ni Julie.  Imbis na magimbal ay ngumisi lang sa kanya si Maqui. "Basta bes parang iba eh."  "Wala okay? You're just imagining things." Sabi na lamang ni Julie at nagsimula na ulit maglakad.  Kung tutuusin, siya ang may kasalanan kay JR. Because she kissed Elmo. But she wanted to be honest with him. Siyempre saan pa ba pupunta ang isang relasyon kung hindi kayo honest sa isa't isa?  "Tara kumain na kasi tayo." Sabi pa ni Julie at nauna na maglakad palabas ng shop na iyon. Wala naman siya nagustuhan para sa dad niya. Kain na muna siguro sila para naman mahimasmasan ang utak niya sa pagpili ng gift.  "Bes Sbarro tayo wala nang tanong tanong." Siyempre wala na choice si Julie dahil hinihilia na siya ni Maqui papunta sa sinasabing restaurant.  Tahimik lang siya habang pumipili ng kakainin at si Maqui naman ay rumaratatat na ng oorderin. Sarap panuorin ng kaibigan niya.  She was waiting for the line to move when she felt as if someone was watching her.  Dahan dahan siya nag-angat ng tingin at lumingon sa bandang kanan.  Nakita niya ang isang pamilyar na pigurang tinititigan siya.  Pero nang makitang nakatingin pala siya ay nasamid sa iniinom na inumin.  She couldn't help the chuckle that escaped her.  From afar, Elmo gave her a small smile as he wiped his face with a napkin.  "Ui nandito pala si mokong." Sabi ni Maqui na dala na ang tray nila.  They made their way over to Elmo who was eating alone. "Hi girls." Bati ng lalaki sa kanila at ngumiti. Ang ngiting ginagamit nito para sa mga babaeng mabilis malaglag.  "Upo kami moks ah. Wala na rin upuan eh." Sabi ni Maqui at linapag na ang tray. "Yeah yeah sure." Ani pa Elmo.  "Don ka sa tabi ni Elmo, bes marami ako pagkain eh." Ani Maqui habang sinisimulan ilapag ang mga plato.  Siyempre wala na choice pa si Julie at umupo na sa tabi ni Elmo kahit na nagdadalawang isip pa siya.  So she sat down beside Elmo and placed her tray close.  "Hilig sa pasta o." Elmo commented as he looked at her plate.  "Bakit angal ka?" "Sanggano talaga." Natatawa na sabi ni Maqui.  Tuloy lang silang kumain at nakipagkwentuhan.  "So...tell me about nung high school kayo." Nanlaki ang mata ni Elmo sa sinabi ni Maqui at si Julie naman ay hindi lang nakasagot.  "O bakit? Diba magkaklase kayo noon?" Maqui asked as she continued eating.  "Uhm...ano ba gusto mo malaman?" Elmo asked.  "Gusto mo talaga itanong yan?" Nangiintriga na sabi ni Maqui.  Pinanlakihan ni Julie ng mata ang kaibigan na para bang pinapatigil ito sa pinagsasabi pero mas lalo lamang naudyukan si Maqui na mangasar.  "Kayo naman, yung life niyo lang nun. Ganern."  "Well, ako kasi valedictorian nun." Tila nangaasar na sabi ni Julie at ngumisi kay Elmo. And the latter only scoffed as he looked back at her. "Mas marami ka lang co-curricular activity sa akin non."  "E ganun talaga, sa drawing ka lang naman pambato talaga noon eh." "Mas magaling ako sayo sa Math." "Ako sa English..." "Hay nako maghalika na nga lang kayo."  Napatigil ang dalawa sa bangayan nang magsalita si Maqui na nakapatong ang ulo sa may noo nang pagilid habang pinapanuod sila.  "Ay wag niyo ako pansinin. Ang saya niyo lang panuorin." Sabi pa ni Maqui. "Kung wala ka lang jowa, Julie saka kung hindi ka lang malandi, Elmo." At tumawa ito ng malakas bago patuloy na kumain.  Matapos kumain ay tumayo na sila mula sa lamesa at naglakad palabas.  "Anong ginagawa niyo dito? Shopping lang?" Elmo asked as he stood beside Julie. He easily towered a few inches above her and so had to look down while he talked.  "Bibili ng gift kay Papa." Julie answered. She stopped and looked back at him. "Pupunta ka ba talaga?"  "Bakit? Ayaw mo?" Elmo smirked.  Julie shrugged. Hindi siya magpapadala sa pa-ganyan ganyan ng lalaki. "Ikaw. Wala naman ako pake eh." "Eut na yaaaaan."  Sabay sila napatingin kay Maqui na nakatayo lang doon sa gilid at nakangisi.  "Tara na mga bakla nang makabili ka na Julie. Ikaw Elmo kung gusto mo sumama bahala ka." At nauna na itong maglakad palayo.  Dahan dahan din na naglakad ang dalawa nang kalabitin ni Elmo si Julie Anne. "Pak, may alam ba si Maqui?"  Julie looked back at him. "Oo. It's nothing naman diba?"  Elmo looked back at her as if thinking of his answer before he nodded his head. "Oo naman." "Good." Naglakad na si Julie nang makitang nakasunod sa kanya si Elmo. "Bakit?" "Sasama ako sa inyo. I'm bored." Elmo smirked. "Saka bibili na din ako ng gift kay tito."  Well that answered the question if he was coming or not.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= "Julie ano kailan ka maliligo?" Julie groaned from her position on the sofa. Minsan kasi ang sarap lang humilata muna. Pero siyempre dahil nandyan ang mama niya ay wala siya magagawa.   She got up from the couch and texted JR. To Hon: Hon, mamayang gabi ah. She placed her phone back down on the coffee table and went up to the bathroom to take a shower.  After about 30 minutes, she got out and got dressed.  Maingay ang hair dryer habang sinisigurado niyang napuruhan na niya ang buhok niya na matuyo.  She got dressed into a simple dress and wore her glasses. Tinatamad siya mag contacts dahil medyo nagpuyat siya kinagabihan sa kaka computer. She put on light make up and made her way down stairs.  But she stopped when she saw a familiar face sitting comfortably on their couch. Napalingon na din ito sa kanya habang nakaupo doon.  "Anong ginagawa mo dito?" She asked.  Elmo grinned cheekily at her. Lintik na. Ang gwapo. Nakasuot din ng antipara! "Your dad invited me remember?" Julie looked at him. "Gabi pa yung party!"  "Yeah uhm, nagkamali nga dad mo e, remember? He told me lunch time."  "Julie tapos ka na pala maligo!" Sabay labas naman ng Mama niya mula sa may kitchen area. "Nako nagkamali ng sabi ito si Junico kay Elmo, e kaysa umuwi siya sama na lang siya sa atin magsimba diba?"  Mas lalong nanlaki ang mata ni Julie. Sinasadya ba ng magulang niya ito?  O kasalanan din niya dahil nandon naman siya nung nagsabi ang tatay niya kay Elmo. Ang kaso lang ay nakalimutan niyang i-correct ito sa sobrang shock na inimbita nga si Elmo.  At ngayon e sasama pa sa kanila magsimba! It was going to be so awkward for her!  Kung alam lang ng parents niya ang tunay na history nilang dalawa ni Elmo eh.  "Ang cute niyo tingnan pareho apat ang mata!" Tawa pa ni Myrna. "Happy Birthday po!" Bati ni Elmo kay Junico nang bumaba na rin ito mula sa kwarto.  "Salamat iho! Pasensya ka na mali ang sabi ko. Original plan kasi talaga ang lunch time kaya nawala sa isip ko." Ani Junico habang nagsusuot ng relos.  Tiningnan ni Julie ang habang naninigkit ang mga mata at nginitian lang naman siya ni Junico. Nanandya ata talaga.  It was so awkward! Kailan lang naman ng mga ito nakilala si Elmo tapos kung tratuhin e akala mo anak! "Ma do you think this is necessary?" She whispered to Myrna as they were exiting the house.  Nauna na ang dalawang lalaki sa may kotse dahil nagk-kwentuhan sa basketball.  "Be nice Julie. Mabait naman eh. Saka kami naman ang may gusto mag invite sa kanya. Kitamo nadala ka pa pauwi nung may sakit ka." Myrna answered before wearing her shades. Naglakad na ito papunta sa kotse kaya no choice si Julie kundi ang sumunod.  Sa mga ganitong lakad ay siya na ang nagd-drive para makapahinga din naman ang Papa niya. Pero laking gulat na lang niya nang ilahad ni Elmo ang kamay sa kanya.  "Amin na susi ako na magmamaneho." Elmo said.  "Ay napaka gentle man din naman talaga ng batang ito ano?" Myrna squeed as she got into the car.  Nakangiti lang din si Junico na sumakay sa loob ng kotse.  And since Julie didn't want to argue, well she gave her keys to Elmo and saddled up unto the passenger seat.  "Sabi sayo iha kayo na lang ni Elmo eh." Natatawa na sabi ni Junico nang lahat sila ay nakasakay na sa likod.  "Pa." Saway ni Julie sa ama. "Elmo and I aren't like that okay?" "Umaasa lang naman kami." Tawa pa ni Myrna.  Si Elmo ay nanahimik lang naman pero kita ni Julie ang munting pag ngisi nito.  They arrived at the church just in time for the start of the mass. Tahimik lang silang dalawa ni Elmo hanggang sa dumating na ang parte ng Ama Namin.  Julie hindi ka grade school na takot makipag holding hands. Wala dapat malisya okay? Bakit ba kasi katabi niya ito!  Simpleng inangat lang naman ni Elmo ang mga kamay at lumingon pa sa kanya. Nang hindi niya ilahad ang sariling palad ay ito na ang humawak hanggang sa masimula na nga ang kanta.  Contact with this man was really not healthy for her.  "Greet each other the sign of peace..." Ito pa... "Peace anak." Ani Myrna at hinalikan siya sa pisngi bago bumaling kay Junico at hinalikan dito ito sa pisngi. At talaga namang umabot din ito para bumeso naman kay Elmo.  "O dali kayo naman."  Nagkaharap pa si Julie at Elmo pero tumawa na rin naman si Myrna.  "Biro lang mga anak."  But Elmo looked at Julie yet again. Bakit ang sama ata ng tingin sa labi niya? May dumi ba siya sa labi?  "Uhm...peace." Elmo said, clearing his throat before turning away.  Muhkang magiging mahaba ang araw na ito para sa kanya. Alam na talaga ni Julie. Hanggang mamayang gabi pa ito.  Hapon pa lang nang makabalik sila galing sa pag simba. Pinapahinga muna ni Myrna si Elmo dahil inatasan ba naman na tumulong sa pagluto.  "Ma nakakahiya! Wag mo na paglutuin!" Julie said as she and her mom stayed in the kitchen.  Ang dalawang lalaki ay nasa sala at nagk-kwentuhan habang nanunuod ng TV.  "Hayaan mo na. Tutulong din naman yan. Sila na ang mag ihaw nitong liempo." Ani pa Myrna habang tintimpla ang karne.  It took an hour or so. Si Julie ang natirang nagtitimpla ng karne habang ang mama niya ay nagluluto ng carbonara at si manang ay may tinatapos din na iba pang putahe.  "Anak, dalhin mo na yan kayla Elmo, nandon sila ng Papa mo at nagluluto."  Sa harap ng bahay lang din naman ang pinaka ihawan nila para hindi mausok.  Lumabas na si Julie ng porch at muntik na mabitawan ang hawak na tupperware.  Paano ba naman, hayun si Elmo at nagiihaw...ng walang pantaas. Nagpunas pa ng pawis ang lalaki.  Ang hot putangina.  He was still wearing his glasses as he turned some meat over on the grill.  "Anak, ang laway." Muntik na mapatalon si Julie nang marinig na bumulong ang tatay niya sa gilid.  "Ganda ng katawan nitong batang ito." Sabi ni Junico habang pinagmamasdan nila si Elmo na nagluluto. "Hihingi nga ako ng health tips. Tumataba na eh." Saka naman nito iniwan si Julie doon.  Saktong napalingon sa kanya si Elmo. "Pak yan na ba yung iba pa? Amin na nang masimulan ko na iihaw."  Julie shook herself awake before making her way next to the man.  Para siyang ingat na ingat na huwag itong hawakan.  Natatawang tiningnan siya ni Elmo. "Ui hindi naman kita kakagatin." "H-Ha? Wala naman ako sinasabi ah." Julie said.  "E bakit ang layo mo? Bigay mo dito yung karne." Elmo chuckled.  Lumapit naman si Julie pero kaunti lang.  Elmo laughed again and reached for her arm. "Pak ano ba!" Julie yelled but Elmo kept laughing.  "Parang timang itong impaktang maganda na ito. Hindi nga kita sabi kakagatin. O kahit lapitan mo pa ako." Elmo said and opened his arms wide.  Pucha. Mas lalo lang nakikita ang pumuputok na mga muscle nito sa katawan. Parang sarap kagatin.  Focus Julie!  "Bakit ka ba kasi nakahubad!?" Julie yelled.  "E madudumihan yung damit ko saka papwisan ako. Ito lang naman damit ko. Bakit, hot ko ba?" Elmo smirked at her.  Siyempre kailangan umangal siya diba? "Hot? Taba mo e. Para kang teddy bear." "O halika dito hug mo ako diba ganun ginagawa sa teddy bear?" "Elmo sinasabi ko sayo..." Julie warned. Paano ba naman lumalapit na sa kanya ang lalaki at handa siyang yakapin.  "Halaaaa." Pananakot ni Elmo.  Kinabahan bahgya si Julie. "Wag kasi pawis ka kaya!"  "Ayan na!" "Ay!"  Para silang timang na naghahabulang doon hanggang sa naabot siya nito at yinakap mula sa likod. "Pak!" Tawa ni Julie at sinadya pa ni Elmo na ipunas ang muhka sa bandang balikat niya dahilan para makiliti siya at napatawa.  "Pak!" Tawa ulit ni Julie habang hinihimas ni Elmo ang baba sa balikat niya.  "Whoo feel my sweat!" Asar pa ni Elmo at hanggang sa pareho na sila tawa ng tawa.  "OMG ate ito ba yung jowa mo?!"  Julie stopped when she heard the voice. Sabay silang napatingin ni Elmo sa may gate ng bahay at parehong napalayo nang pumasok ang may-ari ng boses.  Ngiting ngiti itong nakatingin sa kanila.  "Ang gwapo pala! Hi kuya! Ako si Kyline!"  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Bitin? Hahaha alam ko na yun sasabihin niyo hahaha! Sana ganahan ulit bukas at sana walang gawa ulit sa lab gaya ng kanina hehehe! Para update ulit. Handa na ba kayo sa bday parteh ni tiroh Junico? haha! Comment and vote please! Thank you!  Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD