"Nay, paano po magkaroon ng peace of mind?" "Magpatawad ka, alisin mo ang galit at paghihiganti riyan sa puso mo, at mamuhay ka nang masaya." Iyon ang pabaon sa akin ni nanay bago pa man kami lumipad papuntang France. Sinunod ko naman, sa pagdaan ng mga araw, unti-unti kong natuturuan ang sarili na magpatawad, na i-let go ang paghihiganti. And she's right. I finally found peace after letting go of my anger towards Cheska and Bridgette, at maging kay Rizlan. Hindi ko tiyak kung napatawad ko na ba talaga—lalo na ang dalawang babaeng iyon, pero hindi na ako nagdamdam sa kanila. Maliban kay Rizlan na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang pagsunod niya. Umaasa akong susunod siya dahil iyon ang pinangako niya. Isang linggo lang, nag-asam na kaagad ako na isang araw ay makikita ko si

