57th chapter

1532 Words

Hinatdan ako ng pagkain ni Reed. Nagdala rin siya ng mga damit ko pero hindi ko siya kinikibo. Wala akong ganang makipag-usap sa kaniya. Masama ang loob ko. Bakit kasi kailangan niya akong iposas? Bakit niya kailangang harangan ang mga desisyon ko at ikukong ako rito sa kwarto? "Eat now, Brittany." "Paano ako kakain kung nakaposas ang kamay ko?" malamig kong sagot. Bumuntong-hininga siya. Inilapag niya sa harap ko ang bedtray saka siya umupo sa gilid ko. "Bri, I'm sorry..." Napalingiw agad ako. Ayoko siyang tingnan. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at mabilis na nagtubig ang mga mata ko dahil sa inis. Nasasaktan ako. Itinuring ko kasi siyang kapatid, pinagkatiwalaan sa lahat, nirespeto at tiningala pero ito lang pala ang gagawin niya sa akin. "I'm just doing this for your own

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD