Kinabahan ako nang harangan kami ng guard na nakabantay sa gate ng mansion ni Rizlan. Akala ko ay makakalusot na kami nang makita nito si Lucas, sumaludo pa nga sa kaniya pero nang mahagip ako ng paningin nito ay bigla nitong pinatigil ang sasakyan. "Sir, bawal po ang ibang tao." "It's okay. She's my PA. Kailangan ko siya sa tabi ko," paliwanag ni Lucas dito. Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang sagot nito. Ilang saglit pa kasi akong tinitigan nito na para bang nagdududa. Baka pababain ako o kaya, baka pati si Lucas ay hindi na papapasukin. Kailangan naming makapasok. Kailangan kong alamin ang kalagayan ni Rizlan. Ayokong masayang ang pagpunta ko rito. Kailangan ko siyang makita, kahit isang silip lang... Kahit isang silip lang. "Sige po. Pasok na ho kayo, Sir." Para ak

