"RIZLAN!" Parang biglang sinaniban si Bridgette matapos makitang hinalikan ko si Rizlan sa mismong harapan niya. Inulit ko pa ang paghalik hanggang sa magwala na siya nang tuluyan. Gusto na niya akong atakihin pero hindi siya makawala mula sa malabakal na mga kamay ng dalawang tauhan ni Rizlan. "Bitiwan niyo 'ko! Hayop ka, Brittany!" Para akong kinikiliti habang pinagmamasdan siyang nagmistulang asong-ulol. Ito ang gusto ko, ang lumabas ang totoong ugali niya at makita ni Rizlan kung paano siya nagiging agresibo kapag kaharap ako. Hindi lang ito ang una, ito na ang pangatlo. Sana naman ay mapagtanto ni Rizlan na hindi anghel ang babaeng nirerespeto nya sa ngalan ng kaniyang nasirang unang asawa. "Alam mong may amnesia si Rizlan! Sinasamantala mong malandi ka! Ano'ng ginawa mo, ha

