Brittany's POV "Who is she, dad?! Bakit niya kamukha si..." Hindi magawang bigkasin ni Cheska ang pangalan na Brittany habang nakatitig sa akin. Gulat na gulat siya. Namumutla pa na parang nakakita ng multo. Nakakatawa. Bulagain ko kaya para matakot lalo? "What are you doing here, Cheska?" Nabaling ang tingin nito kay Rizlan. Halos mag-isang linya naman ang mga kilay ng lalaki habang mariin na nakatingin sa anak. "I-inutusan ako ni Tita Bridgette na puntahan ka, dad. Hindi ka raw kasi nagre-reply—" "Nagiging puppet ka na talaga ng babaeng iyon. Hindi kita pinag-aral sa mamahaling eskwelahan para lang magmukhang tuta ng babaeng sumabit lang naman sa impluwensya natin para umangat. Nasaan na ba ang utak mo, Cheska?!" Umangat ang sulok ng labi ko. Hindi ko napigilan. Kinilig ako

