"Hah! Talaga lang Rizlan? Fired? Agad-agad?!" Paulit-ulit kong tinitingnan ang phone ko, baka sakaling tawagan ako ng taga-HR at pabalikin. Pero ilang oras na ang lumipas, wala pa ring tumawag maliban sa pamilya kong panay ang kamusta sa akin. Mukhang hindi interesado si Rizlan sa kamukha ng namatay niyang asawa, ah. Akala ko pa naman mababaliw agad siya sa akin dahil kahawig ko kuno si Brittany. "Kasalanan 'to ng tiyanak na Cheska na yun! Natanggal pa tuloy ako sa trabaho." Ginawan ko pa naman ng paraan para hindi makarating ang ibang applicants at para matiyak na ako ang makakapasok. Pampam pa rin talaga ang babaeng iyon. Inis akong napatayo habang nagpalakad-lakad sa loob ng penthouse na nabili ko. I need to think of a better plan! Kailangan kong mapasok ang mundo ni Rizlan bila

