"Ladies and gentlemen, good evening! We're thrilled to have you all here tonight," masiglang bati ng pinsan ni Rizlan na si Rogue. Sa side ito ng kaniyang ama na nakapag-asawa din ng Pinay. Sumunod naman si Bridgette sa gitna, bitbit ang dalawang kopetang wine. Inabot nito ang isa kay Rizlan saka ito taas-noong humarap sa mga bisita. At talagang nagmamayabang pa, ha. Ilabas ko kaya ang baho mo, now na? Para mapahiya ka? Sarkastiko akong napangiti sa sarili. No, not now. Dinampot ko ang tinidor para sana sumubo ng cake pero nauwi ito sa pagkabaluktot nang makita ko si Bridgette na isinabit ang kamay nito sa braso ni Rizlan. Kuyom na kuyom ang kamao kong may hawak ng tinidor. Hindi ko pa rin talaga kayang makita ang asawa ko kasama ang ibang babae. Maghuhurumentado ang utak ko. "I'd li

