"You really remind me of my late wife, Ms. Guerrero... Laging nakabuntot sa iyo ang gulo." Sa sinabi ni Rizlan, para akong biglang hinila sa panahon kung kailan nagsimula ang lahat. Yung bawat banggaan namin, bawat kamalasan na ibinigay ko sa kaniya at bawat kilig at sakit na ipinadama niya sa akin... Bawat segundo, bawat kabog, bawat pakiramdam ko, parang along bumabalik sa akin lahat. I realized, I've gone through a lot being with him. Maraming marupok na desisyon ang nagawa ko noon na humantong sa akin sa kabiguan, moments of impulse where I always let my emotions prevail instead of protecting myself. Dahil sa pagkakahulog ko sa mga alaalang bumabalik ay hindi ko namalayang palapit nang palapit na pala sa akin ang mukha ni Rizlan. We were both staring into each other's eyes—ako na

