Sinikap kong magpakakalmado sa harap ni Rizlan kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko na parang halaya. Taas-noo kong nilabanan ang mga tingin niya. "What if hindi talaga ako si Brittany? Na nag-a-assume ka lang?" nanunukat ang tingin ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya at umayos ng tayo. His one hand in his pocket as he stared at me blankly. "If you're not Brittany, so be it Valentina. Wala na akong pakialam kung sino ka man, as long as you're my secretary. Simula sa araw na ito, lagi ka nang sasama sa akin. Sa meeting, sa kahit saang event at maging sa bahay—" "Ha?" Anong sa bahay? Anong klaseng laro 'to, Rizlan? Umangat ang sulok ng kaniyang mga labi nang makita ang gulat sa mukha ko. "You’ll be staying in company-provided accommodations. It’s all outlined in your compensation pa

