"Ano'ng klaseng pang-aakit ang ginawa mo para marating mo ang spot na yan?" Ito kaagad ang isinalubong sa akin ni Bridgette pagkatapos ng show. Nasa backstage na kaming lahat at papunta na ako sa aking dressing room na naroon lang sa isang malaking tent malapit sa ginawang stage. Napahinto ako at hinarap si Bridgette. "Kailangan bang lumandi para maging matagumpay, Bridgette? Gawain mo ba yan?" "Excuse me? Hindi naman ako hampas-lupa na kagaya mong kailangan kumapit sa patalim para lang umangat!" "Ah, right. Isa ka lang palang desperadang handang akitin lahat ng lalaki, may makasawsaw lang sa tahong mong nabubulok na." Tumaas ang kaniyang kamay at akma akong sasampalin. Bago pa man ito dumapo sa pisngi ko ay nagawa ko na agad itong pigilan. Hinawakan ko nang mahigpit ang palapulsuhan

