Hindi ako makatulog. Hanggang sa mga oras na ito ay naaasar pa rin ako sa nangyari kanina. Naasar ako kay Rizlan! Ang kapal ng mukha niya para dektahan ako sa gagawin ko. Ano ba ang paki niya sa akin? Wala nga siyang pakialam noon sa posibleng mangyari sa akin at sa batang dinadala ko dahil sa pang-iiwan niya, tapos ngayon, nakita niya lang na rumampa ako nang nakabikini akala mo naman kung sinong protective. Bwisit. Ang kapal ng mukha! Lumabas ako para lumanghap ng hangin. Tulog na si Bri, kasama ang Yaya. Naisip kong mag-bar muna nang mag-isa at tumikim ng alak. Wala akong ibang magawa, eh. Hindi pa rin kasi ako dinadalaw ng antok. Si Reed naman ay hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko rin muna pinapansin ang isang iyon. Dinagdagan lang kasi ang tensyon kanina imbes na umawat. Kakau

