Brittany's POV Buong araw akong hindi nakaahon sa kama. Nilagnat ako pagkatapos ng nangyari doon sa mansion ni Rizlan. Galing na rin dito ang kaibigang doctor ni Lucas para tingnan ako. I just found out that I'm 3 months pregnant. Hindi ko man lang napansin ang mga pagbabago sa katawan ko. Hindi ko alam na tatlong buwan na pala ang lumipas mula noong huling regla ko. "Umalis na ba si Lucas?" tanong ko kay Reed nang pumasok siya sa silid ko. Bumuntong-hininga siya bago umupo sa gilid ng kama. "Yup." Kinapa niya ang aking noo. "How you feeling?" "Nahihilo pa rin ng kaunti." "Eat something before you sleep. Baka 12 midnight ka na naman gigising." Sakto namang pumasok ang isang maid na ni-hire niya kahapon. May dala itong tray ng pagkain para sa akin. Aalis na kasi bukas sina Lucy

