Buntis nga ako! Sa sobrang saya namin ay nakalimutan ko na ang tungkol sa nangyari. Paglabas ko sa hospital ay kaagad kaming nag celebrate ni Rizlan. Kumain kami sa labas, ipinasyal niya ako pero punung-puno siya ng pag-iingat sa akin. Ibinigay niya ang anumang request kong pagkain basta pasok lang sa kaniyang health standard. Kinansel niya lahat ng naka-schedule sa araw na iyon upang magawa namin ang naka-plano niyang gawin. Simula rin nong malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko ay madalas na siyang maagang umuuwi sa penthouse kung saan ako nakatira. Minsan ay doon na niya tinatapos ang kaniyang trabaho para lang makasama ako. "Can't wait to see the first ultrasound," sabi niya habang yakap-yakap ako mula sa likod. Magkatabi ulit kaming matutulog dito sa iisang kama. Tulad ng

