"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Dahan-dahan akong humarap kay Rizlan, masayang nakangiti, habang siya ay namumula ang mga pisngi. Siguro sa kilig, tuwa, o sa labis na emosyon. Parang ako, hindi ko rin kayang i-explain ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Masaya na may halong kaba. Umangat ang mga kamay ni Rizlan at dahan-dahan na tinikwas ang manipis na belong nakaharang sa aking mukha. The way he carefully tucked it behind my head showed his gentlemanly side. "You're so beautiful," mahina niyang sabi. Parang nagsikibutan ang maliliit na mga ugat sa aking katawan nang dumampi ang mainit niyang palad sa aking pisngi. Dahan-dahan ay inilapit niya ang kaniyang mukha, sobrang bagal. Bakit naman pa slowmo, hubby? Parang gust

