"Tita Bridgette! Enough!" Rinig kong sigaw ni Cheska. Nagdilim ang paningin ko nang tadyakan ako ni Bridgette sa mukha. Halos mapalupagi ako sa sahig dahil sa lakas. Hindi na ako makabangon dahil para nang umiikot ang paligid ko. Sinubukan kong gumapang pero nakatanggap lang ulit ako ng isa pang tadyak na tumama naman sa likod ko. "Tita!" Napaatras ang paa ni Bridgette nang hilahin siya ni Cheska. "Lumayo ka, Cheska!" "That's enough! She's pregnant!" "Hindi yan anak ni Rizlan!" "Kahit na! Buntis din ako, Tita. Alam ko ang takot ng isang ina na mapahamak ang baby sa sinapupunan. Please, stop it already. Paalisin niyo na lang siya. Huwag niyo nang saktan!" Natahimik ang paligid. Mayamaya'y inutusan ni Bridgette ang mga bodyguard niya na ilabas ako. Hinawakan naman agad ako sa

