Brittany~ Isang buwan na simula nang makulong si Reed, sinimulan na rin ang unang paglilitis noong nakaraang araw. Awang-awa ako sa kaniya. Lahat ng ebidensyang inilatag ng abogado nina Rizlan at Lucas nang araw na iyon ay siya ang itinituro. Pero hindi ako papayag na makulong siya gayung alam ng puso kong wala siyang kasalanan. Kailangan ko lang makahanap ng panlaban namin. "Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Rizlan nang makitang nagbibihis ako. "Dadalawin ko si Reed," sagot ko na sinulyapan lang siya nang isang beses. Maaga pa ay naghanda na kaagad ako. Tulog pa nga siya kanina at nagising lang nang marinig ang mga yabag ko na palakad-lakad sa loob ng aming silid. "Britt..." Bumuntong-hininga siya. "Halos araw-araw mo na siyang dinadalaw—" "Kailangan niya ng matinong pagkain. Wal

