Rizlan's POV Susundan ko dapat si Brittany pagkatapos ng almusal. But after I drank the coffee Cheska gave me, bigla na lang sumakit ang ulo ko. "Dad, huwag ka nang umalis. Magpahinga ka na lang muna," narinig ko ang malambing na boses ni Cheska sa likod ko. Nilingon ko siya. Ngumiti siya sa akin. "By the way, Dad. There's a dinner party tonight... Dito sa mansion." Nangunot ang noo ko. "Party?" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Cheska. "Dad, nag-asawa ka lang, nakalimutan mo na agad si Mommy. Birth niya ngayon." Natigilan ako saglit. Right. Ito nga pala ang kaarawan ng una kong asawa. Sa sobrang busy ko sa kaso na isinasampa ko kay Reed, hindi ko na namalayan ang kaarawan ni Marga. "Ok lang. Alam ko namang busy ho kayo," may paglalambing nang saad ni Cheska. Napatingin ak

