"Baritaaaa!" Sa labas pa lang ng aming bahay ay rinig ko na ang palahaw ni nanay. Huminto ako at hinintay ang paglabas nila. Alam mong susugod ang mga iyan. Ilang segundo pa ay naglabasan na nga ang pamilya ko. Sabay-sabay silang nanakbo palapit sa akin. Niyakap agad ako ng tatlong nakababata kong kapatid, sunod naman si inay. Tinapik naman ako ng mga kuya ko at si itay, tumango lang sa akin. "Gumanda ka lalo, anak!" "Musta, tol? Pumuti ka nang kaunti, ah?" "Seesh." Nginisihan ko lang sila. "Kumusta ang buhay mo roon anak? Ba't bigla ka nga palang umuwi?" "Ah..." Napakamot ako sa pisngi ko. "Na-miss ko ho kasi kayo, tay. Hindi ko pala kaya namalayo sa inyo." "Tamang-tama, naghahanap ngayon ng receptionist ang dati mong pinagtatrabahuan, anak. Mag-a-abroad daw kasi yung naka

