Hindi na nagpakita si Sir Rizlan. Halaaa! Hindi na talaga niya ako binalikan! Dalawang araw na! Naiiyak na ako rito sa kama, habang ang kasama ko na pinadala ni Sir ay abala sa paghahanda ng mesa. Araw-araw, gabi-gabi, oras-oras kong naiisip si Sir. Nag-o-overthink na ako, malala! Paano kung tinapos na niya ang namamagitan sa amin? May namamagitan nga ba sa amin? Bunga lang ng kalibugan ang nangyari sa amin. Wala nang iba! Pero bwisit! Lugi ako ron, ah! Luging-lugi talaga ako. Pero ano'ng magagawa ko? Nangyari na. "Makakaraos din ako. Hindi pa naman mahirap mag-move on kasi hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Right. Isang gabi ko nga lang iniyakan si Raven noon, eh two years ko ring minahal iyon. Si Sir Rizlan pa kaya?" "Ano'ng ibinubulong mo diyan?" Napaigt

