Pagkalabas ko ng pinto ay napahilig ako sa dingding. Kanina pa talaga nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit ko lang na huwag ipahalata. Sinapo ko ang aking dibdib sabay hingang malalim. Nang bumukas ang pinto ng silid na pinanggalingan ko ay dali-dali akong tumuwid ng tayo. Lumabas si Sir Rizlan, nagtama ang mga mata namin at kaagad ko naman siyang inirapan. Hindi ko na nilingon, baka pungayan lang ako ng mga mata at manghina lalo itong mga tuhod ko. "Brittany!" si Lucas. Galing ito sa isang pasilyo, at mukhang nalibot na yata nito ang buong floor kakahanap sa akin. May namuo na kasing pawis sa makinis nitong noo, pati sa dulo ng matangos na ilong nito. "There you are!" sinulyapan nito si Rizlan at muling tumingin sa akin habang papalapit. "Ok ka lang?" "Oo," tango ko. Kaagad akong

