Hinatak ako ni Sir Rizlan palabas ng silid. Naririnig ko pa ang pagtawag sa kaniya ni Bridgette na para nang asong kumakahol, pero hindi man lang niya ito nilingon. "Rizlan! Rizlan!" "Bark! Bark!" pang-aasar ko pa kaya naman itong si Sir Rizlan ay gigil akong kinaladkad palayo. "Bitiwan mo nga ako! Gurang!" Naiirita ako lalo. Tuloy-tuloy lang din ang paghakbang niya hanggang sa makapasok kami sa isang pinto na may nakalagay na for Authorized Personnel Only. Huminto siya at matalim ang mga matang tumingin sa akin. "Tanders? Gurang? Really?" "Oh, eh, bakit? Totoo naman, ah?" Nameywang ako sa harap niya. Sarkastiko siyang ngumisi, tumingin sa ibang direksyon sabay iling. Nang humarap siya ulit sa akin ay napuno na ng init ang kaniyang mga matang parang laser na pumasada sa katawan ko

