"Good morning, Sir!" halos sabay-sabay na bati ng mga empleyado ni Lucas pagdating namin sa opisina. Sinundo niya nga pala ako sa bahay nina Ally kanina. Hindi pa nga ako nakaligo ay naroon na siya, kaya hindi na ako nakatanggi. "Good morning!" bati rin niya sa mga ito. "By the way, this is Brittany Dela Peña..." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinapaharap sa mga empleyado niya. "Siya ang bago kong PA. Please treat her well, guys." Malamya na tumango ang ilan. Dama ko ang bigat ng mga titig nila sa akin. Lahat sila ay nagsipag-ikot ang leeg para lang sundan ako ng tinging puno ng panghuhusga. Tuloy-tuloy lang din ang mga hakbang ni Lucas papunta sa opisina niya at tahimik naman akong nakasunod, deadma ang mga matang para nang mangangalmot. Hanggang sa likod ko ay ramdam

