Halos lumuhod na si Rizlan sa pagmamakaawa. Tunaw na tunaw na ang puso ko... I was ready to hug him, pero hindi natuloy sa biglang pagtunog ng phone ko mula sa hawak kong purse. Ang tangkang pagyakap ay nauwi sa pagtulak. Napaatras siya ng isang hakbang at napatingin sa kamay kong dinudukot ang phone mula sa purse. Si nanay. Sinulyapan ko si Rizlan at saka ako nagmadaling tumalikod. Mabibilis ang mga hakbang ko papuntang restroom. Nakasunod s'ya ng tanaw, saglit pa kaming nagkatitigan bago ko siya sinarhan. "Nay, bakit?" sagot ko sa tawag. "Anak, si Bri..." Humigpit ang paghinga ko. "Nay, anong nangyari kay Bri?" "Y-yung anak mo kasi..." Kumuyom ang aking kamay habang nakikinig kay nanay. Hindi ko na siya pinatapos at kaagad akong lumabas ng restroom. Tuluyang nawala sa is

