"Brittany!" Halos kaladkarin ko si Reed palabas ng airport. Mabuti na lang at nakaabang na ang susundo sa amin kaya hindi na kami naabutan ni Rizlan. Pero muntik na. Pagkasakay namin ay nagawa niya pang hampasin ng kaniyang palad ang hood ng sasakyan. Nilingon ko siya sa bintana. Hinihingal siya kakahabol sa akin, pero mas hiningal yung nakasunod sa kaniya na si Steffano. "Mommy. Yur sow bad." Kinunutan ko ng noo ang anak kong nakasilip na rin sa bintana. Napagitnaan ito namin ni Reed pero kandahaba ang leeg sa pagsunod ng tingin kay Rizlan. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Nakakaramdam kaya ng lukso ng dugo ang bata? "Bakit naman ako bad? I didn't do anything bad, ha!" "Look!" Tinuro nito si Rizlan na nakatanaw pa rin sa papalayo naming sasakyan. "He out air." "No, il va

