"Reed, may tanong ako." "Go on." "Paano ka nakakasigurong magbibigay ako ng sparks sa brand ninyo at hindi ng kahihiyan?" Binigyan niya ako ng ngiting may assurance. "I'm not sure. I just... Feel it." Hindi na rin ako kumibo at tumingin na lamang sa bintana, baon ang pagiging pisitibo. Sa tulong ng isa sa mga kaibigan ko, at sa impluwensya ng pamilya ni Reed, nagawa kong umalis sa lugar namin nang walang naiiwang bakas. I broke free from the shackles of my past and left behind the shadows that haunted me. And though I was uncertain , hesitant, pinili ko pa ring sumama kay Reed sa France. Umaasa, nagbabaka-sakali at nangangarap ng isang malaking pagbabago. Hindi ko binigo si Reed at ang kaniyang pamilya. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, ang aking best para sa isang magandang

